Chapter 8

6.9K 188 72
                                    


Chapter 8

dedicate ko yung chapter kay @cutie_mian thanks sa pag support. GOD bless us all!

melissa pov

pagkatapos nang nangyare sa restaurant agad kong dinala si charlie sa hospital dahil mukhang napuruhan talaga siya kailangan pang tahiin yung kanan kilay niya dahil pumutok ito sa pag kaka suntok ni kyle ano ba kaseng problema nang lalake yun.

nakabalik na pala siya nang pilipinas. after ilang years nang pag iiwas at pag tatago ko sa kanya dito at dito parin pala talaga kami pag tatagpuin.

sabi nga nila tadhana nga naman mapaglaro. pero wala akong balak makipag laro dito.

dahil ikakasal na ako.

pagkatapos i check si charlie nang doktor. pinahatid ko na agad siya sa driver niya. siya ang pinaka close ko sa lahat nang pinsan ko anak siya ni tito sa labas kaya onti lang sa pamilya ang nakakakilala sa kanya hindi ko alam kung naka ilang sorry na ako sa kanya dahil sa nangyare pero okay lang daw hindi ko naman daw kasalanan.

"Charlie sorry talaga ah" nandito kami ngayon sa labas nang hospital hinihintay ang driver niya.

"tss mukhang lakas parin nang tama sayo nang lalake yun ah gago talaga pinuruhan pa yung gwapo kong mukha" naiiling niyang sabi "wag mong sabihin nag seselos pa rin yun saken kung sabagay mas gwapo naman ako sa kanya saka melli baka gusto mo sabihin na pinsan mo ako tuwing nagkikita na lang kami nang mokong na yun lagi na lang ako napapa away" natatawa niyang sabi.

"sira ka talaga oo mas gwapo ka sa kanya." pag sang ayon ko na lang

"Pero na eenjoy ko naman cous. kung makita mo lang mukha niya kanina halatang selos na selos si gag*"

napa iling na lang ako sa sinabi niya.

dumating agad ang driver niya inaya pa niya ako na ihatid ako pero sabi ko wag na may dadaanan pa kase ako pag dadahilan ko. pero bago siya pumasok sa sasakyan niya. hinila niya ako at niyakap naramdaman kong dinampihan niya nang halik ang buhok ko.

"Hindi pa huli ang lahat melli. alam ko siya at siya pa rin talaga ang laman nang puso mo. kung paano mo siya tignan kanina nakita ko yun sa mga mata mo." makahulugan niyang sabi.

"Sige na melli. una na ako bye."

"bye"

----------

nag hihintay ako nang taxi. nang biglang may pumarada na mamahaling sasakyan sa harapan ko.

isang range rover na kulay itim.

nagulat ako nang lumabas galing doon si kyle.

"Get in." madilim niyang sabi

napa atras ako bahagya sa gulat.

mag sasalita pa sana ako nang bigla niya akong hilahin at tuluyang ipasok sa sasakyan niya.

Tahimik lang kaming dalawa naririnig ko ang mabibigat niyang pag hinga pero deretso lang ang tingin ko ni ayaw ko siyang sulyapan o kausapin nararamdaman ko na pa minsan minsan ay tumitingin siya sa gawi ko.

At hindi ko na namalayan siguro sa pagod at dami nang nangyare ngayong araw ay tuluyan na akong nakatulog.

----------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Ex WeddingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon