Chapter 1: Love is in the air <3

113 1 0
                                    

February 14, 2012

"Happy Valentines Day to each and everyone! Enjoy your day with your loved ones."

Sabi ng dean namin, after niya mag'announce ng kung ano-ano. 

Pasensya na, wala ako sa aking katawang lupa (Ai2 delas-alas lang ang peg, nasa PGT ba tayo? Haha!) o sa aking sarili kaya hindi ko alam ang mga pangyayari sa aking paligid.

Pero nagagawa ko pang magbiro. XD

(Emo-emohan ang mood ng bida natin. *Ms. Author*)

"Hoy! Ms. Author! Narinig kita noh! Emo-emohan ka dyan! Mas panira ka ng mood ah!" 

"Aba! Highblood? At saka sinong nagbigay sayo ng karapatan para sigawan ako?! Ako ang may likha sayo, tandaan mo yan. Gusto mo bang patayin kita sa storyang ito?" *Ms. A*

"Hala! Papatayin agad ako? Kalerky! Kakaumpisa pa lang ah. Nag-jojoke lang naman ako eh. Di ka naman mabiro. Peace tayo ha?"

"Ha? Bakit? Bakit? Ano yun?" *Ms. A*

"Vice Ganda lang ang peg, Ms. Author?"

"Hindi no. Anne Curtis! Haha! Charot! Oh sya! Magpatuloy ka na sa mga pinagsasabi mo. Baboo! =)" *Ms. A*

At bigla na lang naglaho ang napagandang boses ng tagapaglikha ng storyang ito. Habang ang ating bida ay patuloy pa rin sa pagsasalita ng pabulong.

Kaloka naman yun! Papatayin pa raw ako. Bida kaya ako sa storyang ito. Hindi nya kayang gawin yun. Hahaha!

"Anong hindi? Pwede kitang palitan. Teka ipapaalala ko lang sayo. Nababasa ko ang iniisip mo kaya wag ka nang mag-isip ng kung ano-ano patungkol sa akin. Hehe." *Ms. A*

"Sabi ko nga. Sorry lang." 

Ano ba yun, bigla-bigla lang sumusulpot. Nakakagulat kaya.

"Ahmmmm."

"Sige na! Lumarga ka na. Babye. Hahaha."

Ako na lang pala ang natira dito sa gym. Buti walang nakakita sa akin na may kinakausap akong isang mahiwagang boses. Baka isipin pa nilang nasisiraan na ako ng bait. Hehe. 

Nag kanya-kanyang alisan na pala ang mga estudyante pati mga guro papunta sa kani-kanilang mga klase.

Ako naman ay tutungo na, sa kung saan man ako dalhin ng aking mga paa. Charot! Syempre pupunta na rin ako sa aking klase.

**********

Natapos na lahat ng morning classes ko, ni wala man lang akong naintindihan. Siya kasi ang nasa isip ko :( 

(Sino naman kaya ang iniisip nya??? Sino sa tingin nyo? Malamang alam ko yun dahil ako nga ang author diba? Pinapahulaan ko lang sa inyo. *Ms. A.*)

Naglalakad na ako papuntang cafeteria nang may narinig akong naghihiyawan at nagpapalakpakan.

"! Ang sweet nila oh.."

"Bagay na bagay talaga sila"

"Wheeee.. Ayieeeeeee!"

Sigaw ng mga estudyanteng nakapaligid doon. Wagas kung wagas maka'react ang mga tao dito.

Yung feeling na parang nasa Its Showtime studio sila. Whats up, madlang people?!!!!! Sigaw ni Billy Crawford. Tapos magsisigawan at tatalon ng bonggang bongga ang mga audience! Tapos magpapatugtog si DJ MOD ng pang'party-party na music. 

Yan! Ganyan ang mga tao ngayon dito.

"Ano bang meron?" tanong ko sa babaeng grabe kung makatili, parang wala nang bukas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Happiness is a choiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon