[Andromeda]
Dad took me to his party. He said may announcement daw sya that's why nagpaparty sila ngayon. I thought maybe may nadiscover na naman syang something while experimenting sa lab nya. I don't meddle with my Dad's business, I discover things on my own.
He escorted me papasok ng SASSA hall. As expected, pabonggahan na naman ng soot ang madla. All of them wore their best attire for the night. Kung ikukumpara sa kanila, mine would be the ugliest. I don't mind anyway, di naman ito ang business ko dito.
"Maiwan na muna kita dito ijha at babati lang ako sa mga umattend ngayong gabi" - pagpapaalam sa akin ni Dad na syang pinayagan ko naman. Mas mabuti yun, mas madali akong makakapuslit sa room na may telescope.
Ang nakakaboring lang naman talaga sa party na ito eh wala man lang akong ka agemate dito. They're all in their thirties and forties habang ako eh mid-twenties pa lang. Ang hirap makihalubilo.
Valid excuse naman yun para sa plano ko di ba?
I looked at my wrist watch. 8:15 pm pa, may 15 minutes pa ako para makapunta Gazing Room. Nandun lahat ng uri ng telescopes at ang Hale ang gagamitin ko.
Checking the perimeters first...
I scanned the whole area. Nasa stage na si Dad na nakikipagshakehands sa mga kasosyo nya and all of his constituents. Good, ngayon makakakilos na ako.
Nagsimula na akong lumibot sa SASSA. Di ko pa alam ang pasikot-sikot pero may mga signages naman na nakalagay kung san dadaan.
While walking, narinig ko ang boses ni Dad na nagsasalita sa mic. Oh, nagsspeech na ang tatay ko.
I don't wanna miss that revelation of him but I don't wanna miss that meteor shower too. Ewan ko ba bat parang atat na atat ako manuod ngayon.
Nakita ko ang malaking signage na liliko sa kaliwa ng 5 meters at magtuturn right ng 8 meters at nandun na ang Gazing Room.
Sinunod ko ang direction na sinabi sa signage. I walked 5 and 8 meters ng nakaheels. Hayyys, nakakainis talaga to suotin. Malapit na ako mainis dito ah?
Teka, eto na yata.
I stopped in front of a door na may nakasulat na Gazing Room sa itaas. I'm here! My heart is pounding really fast, di ko alam ba't sobrang excited ko.
Now my problem is, wala akong susi. How will I get in? Oh crap, why did I missed that? Napasapo ako sa noo ko.
Pero baka bukas. Makapagbakasakali nga muna. Pipihitin ko na.
Just as when I attempted to open it bigla nalang nagclick ang knob. It suddenly opened and I was caught off guard. Shit! Tumama ang ulo ko sa matigas na bagay.
May tao sa loob!Muntikan na akong mapasubsob kasama ng pinto, pero bumangga ako sa dibdib ng lalaking nagbukas nito bigla. I cussed silently to react sabay inangat ko ang tingin ko sa lalaking naka black tuxedo.

YOU ARE READING
Another Us
Science Fiction"Parallel worlds are never meant to meet.We may occur and exist at the same time, but never the same place." Lucid is a curious soul wanting to explore the world out of her planet. When she lost her mother who is a SASSA Corp. Astronaut, her desire...