CHAPTER 1

14 1 0
                                    

[Lucid Laplace]

*alarming sound*

"LUCI WAKE UP, IT'S TIME TO PREPARE. THE SPACE AWAITS!"


"Ugh!"- I groaned in frustration as I woke up from that stupid dream of mine. Epekto na ata to ng kakaisip ko sa susunod kong discovery at invention.


"Sure, the space can wait."-nagstretch na ako ng bahagya at humikab. Anto na antok pa ako di na pala ako nakapagbihis kagabi. Andito na pala ang personal butler ko.


"What would you like for breakfast Luce?"-tumingin ako sa kanya na naghihintay ilista ang mga kakailanganin ko.


"I want the usual Rigel, thanks"-inencode nya sa system nya ang sinabi ko.

"Right away. By the way Mr. Laplace left a message on your computer, you better check it now"-habilin pa nya.


"Yeah I will. You can leave now"

That's Rigel, my personal robot. He takes care of me and everything. Isa sya sa mga sikat na imbensyon ng Dad ko. Which I presume, na nagmessage sa akin.

Lumipat ako sa tapat ng computer ko and checked his message. I clicked his picture at lumabas ang hologram nya sa harap ko.


"Lucid have you received the invitation? SASSA Corp. will have a party tonight. We are invited of course. You should be there by 8pm, the driver will fetch you at 7, be ready"-the message ended. 

Party na naman? Hayys. I would never ever enjoy going into one of Dad's parties. Napasandal ako sa swivel chair ko looking at the picture on a frame pinned to my wall.


"Mom, I wish you were here"-I whispered. Tiningnan ko ang picture naming apat. Si Mom, Dad, at Rigel. This was before Mom's launch to the outer space. She's an astronaut while inventor naman si Dad. Kaya wag na kayong magtaka kung bakit pati ako nahilig na sa Astronomy. 12 years na pala ang nakalipas. 12 years old pa ako sa picture na yun.

Ever since, I wish I could become a legacy of my Mom and Dad.  Kaya bata pa lang ako interested na akong mag-aral patungkol sa Science at celestial bodies. Astronomy ang kinuha kong kurso dahil gusto kong maging parte ng corporation kung saan may malaking share ang family namin.


Yun na nga ang SASSA (Scientific,Astronomical Studies on Space and Aeronautics Corporation). As a Laplace, malaki ang expectations ng lahat sa akin. That I could be as genius as them.


But as of now wala pa akong major na contribution sa SASSA. A pain in the ass could be considered. Lagi kasi akong palpak sa experiments ko. Dad's always been disappointed in me. Ang cold na din ng pakikitungo nya sa akin. Ever since that day happened.


It's very risky to study space. Alam ko matatagalan pa si Mama. But isang balita ang sumalubong sa amin one day. Yung space shuttle nina Mom naglaho daw sa loob ng blackhole. No one knows what might be inside those holes. One thing is for sure, wala pang nakakabalik. Pati si Mom.



A tear fell from my eyes reminiscing those times. I miss her so much.


"Luce, breakfast is ready"-napatingin ako kay Rigel. Buti nalang nilagay sa kanya ni Mom yung chip of her memories ng palagi nyang niluluto. Rigel could cook Mom's recipe perfectly.

"Yeah, I'm coming"

*****

Kumakain ako ng tahimik nang buksan ni Rigel ang TV. Nanood nalang din ako sa pinili nyang channel.

"And finally the long wait is over, mamamataan na sa kalawakan ang napakagandang meteor shower mamaya. Marami na nga ang nakahanda na at ang iba ay naghihintay mapanood ang Perseids meteor shower na tatagal ng sampung minuto. Magsisimula ito ng approximately 8:30pm "

Meteor?

"Meteor, come with me---"-biglang nagflashback sa isip ko ang panaginip ko kagabi. Kaya lang, hindi ko maalala ang mukha ng lalaking yun.


Sign na ba yun? Ibig sabihin kailangan ko manuod ng meteor shower mamaya at baka dun na ako makadiscover!


What a bright idea Luce?! Sana nga may madiscover na ako mamaya.

But pano yung party? Hayys.

Teka, mas makikita ko ang meteors pag ginamit ko ang Hale telescope sa lab! Oo nga, dapat umattend ako. Pakitang-tao lang then fly na ako sa lab!


*one clap*

"Perfect plan, sa wakas naman nakapag-isip ka na din ng medyo matino. Bwahahaha"


"You startled me! Are you done with your meal?"-ngumiti ako kay Rigel sabay tango. Niligpit na nya ang pinagkainan ko at ako naman tumuloy na sa kwarto para maghanap ng magandang isuot.

*****

Welcome to the first chapter.

Please don't forget to click the STAR to vote for this chapter. A single vote would be of great help para maipromote ang storyang to. Maraming salamat po.

xoxo

Zian Castelo

Another UsWhere stories live. Discover now