------MY POV------
" Nicolle maligo kana! Anong oras na tatanghaliin tayo" sigaw ni mommy
"Opo eto na po" agad akong bumangon kahit medyo tinatamad pa
Enrollment week ngayon at napagpasyahan namen na dito nalang ako sa Liceo ( Liceo De Calamba) mag aral dahil bukod sa malapit ito ay gusto ko din dito mag aral dahil nandito ang pinsan ko para sabay kame umuwi
----------------- @SCHOOL -----------------
Nandito kame ngayon sa Principal's Office para magpasa ng requirements. Pagtapos neto ay pupunta na kame ng Cashier upang magbayad ng tuition at mga kailangan kong libro.
"Oh Nicolle magpakabait ka ha! Pababantayan kita sa Ate Deanne mo"
(si Ate Deanne yung pinsan ko na nag aaral dito, 2nd yr HS na siya)"Oo naman po mommy, Thank you po" sagot ko sabay ngiti sa kanya.
Kasunod non ay hinanap namin yung room kung saan kukuhanin yung mga libro
"Grabe mahal naman ng mga libro" sabe ko sa nanay ko pagtapos ko makita yung listahan at presyo ng mga libro
"Oo kaya mag aral ka mabuti" sagot naman ng nanay ko
Maliit lang ang school kaya mabilis lang din namen nahanap yung room na pagkukuhanan namen ng libro
"Anak ilan nga ulit binili nating libro?"
"5 po mommy bakit po?"
"Okay na ba yan anak? baka may kulang pa?"
"Okay na po mommy kumpleto po"
Pagtapos namen kuhanin yung mga libro ay agad na kaming lumabas ng school at nag antay ng tricycle pauwi.
"Gusto mo ba muna kumaen?"
"Wag na po uwi na tayo" sagot ko
Nagyakag na din ako umuwi dahil pagod na kame dahil sa haba ng aming initatayo sa pila at dahil bigat ng dala kong mga libro.
Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong nagbihis at nag open ng facebook para ichat mga kaibigan ko. Tuwang tuwa ako dahil ilang linggo nalang ay pasukan na.
Habang nakahiga ako ay nagchat saken ang kaibigan ko, si Jernadeth.
"Nicolle sa Liceo ka?"
"Oo nandon kasi pinsan ko ikaw ba?"
"Sa Liceo den, Kitakits nalang sa tayo pasukan"
"Sige kitakits" nakangiting reply ko
"Yes! may kasama na ako" nakangiting sabe ko sa sarili ko dahil may makakasama na ako bukod sa pinsan ko.Si Jernadeth ay kaibigan ko ng elementary . Doon na din siya sa Liceo nag aral dahil malapit lang din ang bahay niya dito at hindi hassle sa biyahe papasok.
Dahil sa sobrang excited ko ay inayos ko na din ang mga gamit ko at gagamitin kong sapatos.
Pati ang aking uniform ay naka ayos na den.Dahil sa sobrang hyper ko maghapon ay medyo napagod ako at naisipan ko muna umidlip dahil wala na din naman ako gagawin dahil naayos ko na ang mga gamit ko pati ang aking uniform
"Mommy iidlip muna po ako"
" Osige magpahinga kana muna"
"Gisingin niyo nalang po ako kapag may iuutos kayo"
"Sana talaga pasukan na" excited kong sabi sa sarili ko habang ngumingisi ngisi.
Bago ako matulog ay nagpatugtog muna ako ng mga kanta ni Taylor Swift.
Maya maya pa ay naka tulog na ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/205732235-288-k447589.jpg)
YOU ARE READING
MY BESTFRIEND IS IN HEAVEN
القصة القصيرةHi I'm Nicolle , my friends call me "Niks" for short. I met my bestfriend back when I was in High School. He is Paul Angelo Giatao. Siya ang joker ng tropahan namen . Pero ngayon nasa heaven na siya