"YES! NAI-DOWNOAD DIN SA WAKAS!!" - itinaas pa ni Ellie ang dalawang kamao na akala mo si Manny Paqcuiao kapag nananalo sa laban. Nai-download na kasi niya ang pinaka-latest na singing performance ng kaniyang charming baby na si karlo. Sobra niya kasi itong hinahangaan dahil sa magandang boses nito at sa sobrang kagwapuhan.
Noon,pag mo-MALLING lang naman ang alam niyang pinakanais nais niya. Pero nagsimula ang lahat nang matunghayan niya sa telebisyon ang isang lalaking anghel na bumaba sa lupa para mahanap siya, Chos!
Dahil sa kabagalan ng Internet,halos tatlong oras siyang naghintay para lang mai-download ang video. Kaya ganoon na lamang siya kung mag-react.
"Ellie,wag ka ngang maingay diyan,natutulog ang mga ate mo." -sambit ng nanay ni Ellie na si Mama Elsie sa kusina habang naghuhugas ng pinggan.
"Sorry Ma!" -sanay kasi siyang sumisigaw dahil palagi namang walang tao sa bahay nila. May trabaho kasi lahat ng ate at kuya niya at siya nalang ang pinapaaral ng high school. At ang tatay niya, Hay ewan! Malay niya kung nasaan ito. Hindi naman sa galit siya sa Papa niya. Naiinis lang talaga siya kapag napag-uusapan ito. Wala lang! Kahit hindi niya alam kung nasaan ito.
Maingay siya. Hindi siya nasanay na manahimik dahil kapag ginawa niya pa iyon,baka matagpuan nalang siyang bumubula ang bibig na may kasama pang 'Gimmie-gimmie'
Sinimulan na niya ang panonood ng nai-download na video at 59 times niya itong inulit sa araw na iyon. Bilang niya.
"Mama pahingi nga pong popcorn."
Pagkatapos aliwin ang sarili, sa wakas ay naisipan niyang maligo. Pagkatapos ay kumain siya ng hapunan at diretso tulog na.
Ganoon lang ang araw niya kapag walang pasok o di kaya'y tinatamad siyang pumunta sa mall. Ang totoo hindi naman siya busy-ing tao. Wala siyang ginagawa kundi ang mag malling, pumasok ng eskwelahan, matulog, kumain, manood ng mga palabas na ikaliligaya niya at paulit-ulit lang. Kung minsan, kapag lamang may activity sila sa school siya nagiging busy. Ganoon lang ang buhay niya. Minsan lang din siya maglinis ng bahay nila dahil di naman halos nagagalaw ang mga gamit nila at hindi naman sila makalat. Mabuti na nga lang at nakilala niya si karlo na naging dahilan ng mas madalas pang pagbisita niya sa mga mall ng buong bansa. Pagpunta sa mga tour, at kung saan saan pang lupalop pwedeng masilayan ang hombreng ito.
★★★★★★★★★★
"Hello, Ellie? Napatawag ka. Ano nang ganap? Na fulfill mo na ba ang mga pangarap mo? Himala yata at nagkaload ka." -Si kylene,ang katangi-tanging nilalang na nakakaintindi ng pagiging alien niya sa buhay at kay baby karlo. Pano ba namang hindi maiintindihan eh pareho lang naman silang alien. Ssh.. sikreto lang iyon ha. Pero sa matinong usapan,crush kasi nito ang kabarkada ni karlo na si Daryll Cardenal. O diba,pangalan palang nito ay pang santo na. Mabait at magaling din kasi na singer si Daryll,kaya hayun,nabagbag nito ang inosenteng damdamin ng nilalang na si kylene. Deep Tagalog pa more!
"Wala lang. Gusto ko lang ng kausap. Nabo-bore na ako dito sa bahay. Gusto mo mag mall tayo mamaya?" -inaantok pang sambit niya nang maalimpungatan siya 3:30 ng umaga. Wala silang pasok ngayon kaya hindi pa siya dapat magising nang ganoong oras. Ang kaso lang,kapag naimulat na niya ang mga mata niya,hindi na niya kaya pang matulog muli. "Mabuti nalang at maaga kang nagising ngayon,may lakad ka?"
"Oo girl eh. Dadalawin ko si lola pipz sa laguna. Nagtatampo na kasi sakin,bakit hindi ko na raw siya dinadalaw. Lalambingin ko lang. Alam mo naman ang mga thunderbirds (matatanda),tampuhin."
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing
RandomHe's a star. And she's just a fan girl. Is it a bad thing if love magnets their opposite lives?