Natumba si karlo sa sahig dahil sa ginawang pagtulak ng lalaki.
"Ellie,okay ka lang? Nasaktan ka ba?" -sabi ng hinihingal pang lalaki. Tagaktak ang pawis nito pero nagawa parin siyang iligtas. May mga lalaki pa palang ganito na nabubuhay sa mundong ibabaw. Handang magligtas ng isang napaka gandang nilalang na tulad niya. Iba na talaga ang kapangyarihan ng isang Elleinn Trinidad.
Tulala lang si Ellie. Ang nakikita niya lang ay ang kisame ng restaurant at ang mga nakasabit na chandelier dito. Hindi niya alam kung sino ang nagligtas sa kanya. Hindi naman si karlo dahil naaaninag niya ang pigura nito sa gilid ng kanyang mga mata na malayo sa kanya. Kung ganon,sino?
Matapos ang ilang segundong pagkatulala,nagawa narin niyang ikurap-kurap ang mga mata niya. Itinuon niya ang tingin sa lalaking nagligtas sa kanya.
"J-JIWIE?!" -gulat na sabi niya sabay bangon. ang lalaking ito na naman?. "Aray ang sakit ng leeg ko"
"oh! Wag ka munang tumayo" -malambing na pagkakasabi ni jiwie. "Bubuhatin kita---"
"OPS,TEKA!" -pinigilan ni Ellie ang kamay nito na akmang aalalayan siya. "NO TOUCH! Kaya ko na." -sinubukan niya ulit tumayo. "aray,aray,ARAY! OUCH! di ko pala kaya."
Hinawakan ulit ni Jiwie ang kamay ni Ellie. "Sabi ko sayo eh---"
"teka! Ellie! Ako na!"
Natigilan ang dalawa. Tumingin sila sa nagsalita sa may bandang kanan. Si karlo pala na akmang tatayo para alalayan din siya. Ang haba ng hair! Sana pala nag patay-patayan siya para i-CPR siya ng mga ito. Kung hindi lang sana siya naubusan ng kakapalan ng mukha.
"Ahm... ang mabuti pa jiwie,karlo,ako nalang ang tatayo mag-isa. Tutal kaya ko naman eh." -sinukbit pa niya ang kanyang buhok sa gilid ng tenga niya. Pa-cute ang gaga!
Pero nagulat siya nang sabay na hawakan ng dalawang lalaki ang parehong braso niya,
"HINDI MO PA KAYA" -sabay ding sabi ng mga ito. Grabe ang titigan ng dalawang hombreng ito! Palaliman ng tingin. Mata sa mata,lakas sa lakas. Ellie para kay Jiwie,o Karlo para kay Ellie?
Natawa siya. Pero pa-cute. Pinagmasdan niya ang buong restaurant. Nakita niya ang mga reaksyon ng mga tao doon. Mga fans ni karlo. Para bang gusto nang pumatay ng tao. At siya ang TARGET!
...BWAHAHAHA! mamatay kayo sa inggit!... -sa isip-isip niya. Ang saya pala ng ganitong feeling! Pinag-aagawan ng dalawang ... ahm... anghel?
"Ahm... a-ang mabuti pa,ellie,ihatid kita sa bahay niyo. Tutal,classmates naman tayo eh,diba?" -kumindat pa si Jiwie sa kanya sabay tingin kay karlo na parang nang-iinggit.
"H-ha? a-alam mo bahay namin?" -mahinang sabi ni ellie. May bago na namang pauso ang lalaking ito.
"Sshh.. joke ko lang yun. Basta halika na,ilalayo kita kay karlo" -bulong ni jiwie sabay hawak ng kamay niya.
Bumitiw naman si ellie,"NO!" -tumayo siya,"AYOKO" -Bakit? Feeling close si kuya! Hindi naman sa nagma-maganda pero nagma-maganda na rin,siyempre mas gusto niya si karlo. Mas gusto niyang si karlo ang humawak sa kamay niya-- "Uy! Teka! Ano ba!" -Napasigaw siya nang maramdamang may humawak at humila nga sa kanyang kamay. Nagpupumilit siyang kumawala. Nakita nalang niyang papalayo siya nang papalayo kay Jiwie at sa restaurant. Ano ba talaga ang role niya sa buhay? Ang i torture lagi? Kung hindi naman siya batukan ng magaling niyang best friend,muntikan namang mabagok ang inosente niyang ulo kanina. Ngayon naman hinihila siya na parang maleta! Ano bang tingin sa kanya ng mga tao sa paligid,laruan? Magandang laruan?
"Elleinn Trinidad ang kulit ang mo talaga."
"Karlo?!" -gulat na sabi nya. Ewan ba niya kung bakit palaging gulat ang emosyon niya sa istoryang ito. Nasobrahan nga talaga siya sa Iced Coffee.
"Sino pa ba? Sino paba ang tumatawag sayo ng buong pangalan mo?" -sabi nito habang patuloy parin siyang hinihila.
"Ahm.. nanay ko kapag galit sakin? " -Pamimilosopo niya. "Pero teka,san mo ako dadalhin? Uy teka nga!" -sigaw niya kaya binitiwan siya ni karlo,"san mo ako dadahin?!" -Mabuti na rin siguro itong nangyayari sa kanya ngayon. Diba nga gusto niyang si KARLO ang humawak sa kamay niya? At ngayon hindi lang hawak kundi hila pa! Her wish is granted. Medyo brutal nga lang dahil napaka higpit ng pagkaka hawak nito sa kamay niya.
Hinarap ni Karlo si Ellie,"kinukulit ka na naman ba ng lalaking iyon?"
"ha? Sino? Si jiwie?"
"Basta yung lalaki kanina!"
"si Jiwie nga! Bakit?"
"Wag kanang makipag-usap sa kanya." -muli nitong hinila si ellie. Trip ba nitong maging flight stewardess? Kanina pa 'to hila nang hila na parang maleta ang hinihila ah! Tao siya! Tao!
"ARAY KO TEKA NGA! SAN MO BA AKO DADALHIN!? AT SAKA ANONG PAKI MO KUNG KAUSAPIN KO SIYA?! Ikaw nga kung kani-kanino ka lang nakikipag-usap kanina!"
"wala kana dun. At saka si Jiwie ay hindi bagay para sayo"
"huh! sino palang bagay? Tayo? At saka ang landi mo rin pala noh." -napangisi nalang si ellie.
Hindi na kumibo si Karlo. Patuloy parin ang paghila nito sa kanya.
"ARAY KO NAMAN! SAN MO NGA KASI AKO DADALHIN?! KIDNAPPING NA TONG GINAGAWA MO AH!" -sigaw niya habang kumakawala.
"SA BAHAY KO" -seryosong sabi nito habang hinihila parin siya.
Natigilan si Ellie. "ANO????!!!!!"
BINABASA MO ANG
Not A Bad Thing
RandomHe's a star. And she's just a fan girl. Is it a bad thing if love magnets their opposite lives?