Chapter Seven

3.4K 118 2
                                    

NAKIPAG-DEAL na si Clear sa ate ni Arthur. Pumayag ito sa 10.000 pesos na monthly payment sa bahay nito. Pero nakapagbigay na siya ng 100.000 na down payment. Itinabi talaga niya ang isang daang libong budget para sa personal niyang kailangan katulad ng tirahan. Hindi naman daw nito kailangan kaagad ang pera. Matagal na kasing for sale ang property nito pero walang bumibili. Napakiusapan lang ito ni Arthur kaya ito pumayag sa installment bases. Bongalow ang bahay at may parking lot. Sa Makati na kasi nakatira ang pamilya ng kapatid ni Arthur.

Kahit hindi pa paid ang lupa't-bahay ay maari na daw siyang tumira doon. Nangako naman siya na kapag nagkaroon siya ng malaking kita ay dodoblehin niya ang hulog. Kagagaling lang nila ni Arthur sa bahay ng ate nito sa Makati. Inayos nila ang mga kasulatan na may basbas ng abogado. Si Arthur ang witness.

Pagkuwa'y dumiretso na sila sa kanyang bar. Alas-tress pa lamang ng hapon kaya madalang pa ang pumapasok na costumer. Inalok niya ng meryenda si Arthur. Sinamahan niya ito sa mesa.

"Ayos na, puwede ka nang maglipat-bahay," masayang sabi ni Arthur.

"Oo nga. Salamat sa tulong mo," aniya.

"No worries. Masaya ako dahil kahit papano ay nabigyang katuparan ang pangarap mo. Puwede mo nang isama ang anak mo. Siguro naman hindi tututol si Jamil na ikaw naman ang mag-alaga sa anak ninyo."

Hindi siya komportable sa suhesyon ni Arthur. "Hindi basta papayag si Jamil na mahiwalay sa kanya si Jereck," sabi niya.

"Imposibleng hindi. Paano kung bigla siyang mag-aasawa? Hindi ba parang nakakainis na ikaw ang dadalaw sa anak mo sa puder niya? At ikaw, darating ang araw na mag-aasawa ka. Mas magiging komportable ka na sa piling mo ang anak mo. Isa pa, matagal mong hindi nakasama si Jereck. Siguro naman panahon na para sa puder mo naman siya mapunta. Hindi sa nakikialam ako, ah. Nararamdaman ko kasi na nahihirapan ka sa sitwasyon mo."

Hindi na siya kumibo. Mamaya'y dumating na si Jereck mula sa school. Daladala nito ang gitara nito. Lumapit ito sa kanya at humalik sa pisngi niya.

"Mommy, bukas na ang family day namin, ah! Kailangan daw naroon ang parents. Meron kasing mga activity na gagawin," sabi ng binatilyo.

"Sige, anak. Pupunta ako. Anong oras ba?" aniya.

"Kailangan eight in the morning nandoon na kayo ni Daddy!"

"Kailangan bang kasama din ang daddy mo?"

"Opo! Sasabihan ko rin si Daddy."

"Okay," sabi lang niya.

"Ano po meryenda?" pagkuwa'y tanong ni Jereck.

"Doon ka na magmeryenda sa hotel. Ayaw mo naman ng tinapay, eh," aniya.

"Sige." Umalis na si Jereck.

Parang may dumaang anghel sa pagitan nila ni Arthur. Mamaya'y nagpaalam na ang binata. Hinatid niya ito hanggang sa garahe kung saan nakaparada ang kotse nito.

"Magpahinga ka na, Clear," sabi nito nang nakasakay na ito sa kotse.

"Salamat. Ikaw din," sagot niya.

Nang papaalis si Arthur ay siya namang dating ni Jamil lulan ng itim nitong ford. Ipinarada nito ang sasakyan sa inalisan ni Arthur. Nakasuot pa ito ng sun glass.

"Saan naman kayo nanggaling kanina ni Arthur?" tanong nito pagkalapit sa kanya. Hindi ito nag-alis ng salamin kaya wala siyang ideya kung saan ito nakatingin.

"Pumunta kami sa bahay ng ate niya. Pumirma kami ng kasunduan tungkol sa sistema ng bayaran," sagot niya.

"So, nakuha mo na ba 'yong bahay?"

BESTFRIENDS WITH BENEFITS (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon