Rose's POV:Nagmamadali kong nilakad takbo ang terminal ng bus. Sa kaka-stalk ko sa hinayupak na porstar na yon ay late na kong nakatulog. Kaya halos mahulog na 'ko sa hagdanan nila bff Misha sa kakamadali ko.
"Ay kabayo!" Tili ko nang muntikan na akong mahulog pagkatapak sa pinto ng bus. Buti nalang napakapit ako sa kung sino mang dahilan ng muntik ko nang pagkakahulog.
"Pag sinusuwerte ka nga naman oo. Hoi mister!" Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino ko ang salarin.
"Ikaw?!"
"You?!"Sabay pa namin bigkas nang makilala din siguro ako.
"Eh kaya pala muntikan na akong tumalsik sa kabilang daan dahil isang higante pala tong nakikipagsiksikan sa maliit na daanan. Di man lang ako pinauna!" Halos pasigaw na turan ko sa lalaking halos mayakap ko na sa sobrang lapit namin sa isa't isa.
"Nakakairita yang boses mo miss. And it's not my fault that you suddenly bumped me!" Sagot naman niya. Hindi naman mukhang galit pero bakit nanginig yata mga tuhod ko?
"Eh I'm on a hurry! Malay ko bang may biglang aakyat na kapre?" Di rin papatalong tiningala ko siya. Ang tangkad eh. Baka mga 5'11 ang height.
"Tsaka di ba mayaman ka? Wala ka bang kotse? Or nag-taxi ka nalang."
"Wow. Parang gusto ko naman sumakay ng bus at makipagsiksikan. My car got flatted at walang dumadaang taxi. I have a very important meeting kaya no choice ako sumakay ng bus. And what's your problem? Ayos ka lang naman." Mukhang iritado na siya.
"Ahm. Mister and Miss.. Baka naman poh pedeng padaanin ninyo ang mga sasakay pa. Marami din pong nagmamadali sa kanila." Boses nung konduktor sa may drive seat. At tama, marami ngang nakapila para sumakay.
"Ahm, pasensya na poh." Nahihiyang paumanhin ko tsaka pumihit para pumasok sa bus. Lahat ng nakasakay sa bus pinagtitinginan kami.
"Shit!" Sambit ng lalaking pornstar sa likod ko nang matapakan ko isang paa niya.
"You know what? Kunti nalang iisipin kong crush mo ko.. Nagpapansin ka na eh." Nakangising mukha niya ang nabalingan ko. Babarahin ko sana nang magrekalamo ang mga kakasakay lang na mga pasahero.
"Ang kapal kapal talaga ng mukha." Gigil na bulong ko. Sa tabi ako ng bintana nakaupo. At ang damuho! Tumabi pa talaga sakin!
"Ganun ba talaga kalakas ang impact ng kiss ko? Napuyat ka masyado." Rinig kong sabi ng katabi ko. Napakunot-noo ako tsaka ko siya nilingon.
"Ako ba ang kausap mo?" Tanong ko. Eh dun kasi nakatingin sa cellphone na hawak niya. Malay ko ba kung nagbabasa lang siya.
"Who do you think I'm talking to?" He chuckled amusedly, tiningnan ako saglit tsaka ibinalik din ang tingin sa cellphone.
YOU ARE READING
"The Innocent Wild Girl"
General FictionAn innocent girl would turn into a wild girl... A hunk that loves to play games.. Heart of the women.. And everyone surroundings him..