Undeserving Love

502 9 0
                                    


Napatingin ako sa phone ko nang bigla itong umilaw.

Sissy Calling....

Agad ko itong dinampot nang makita ko ang pangalan ng kaibigan ko upang sagutin.

"Yes hello?" Sagot ko.

"Sis,free ka ba ngayon?" Bungad Tanong nito sakin, mahihimigan ang panghihina sa boses.

"Oy, Okay ka Lang?" nag-aalalang Tanong ko.

"May lagnat ako sis." Agad akong napaayos ng upo at isinara ang binabasang libro dahil sa sagot nito.

"Asan ka?"

"Bahay."

"Sige,dadalhan kita ng lugaw Jan."

"Sige, Salamat."

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at tinahak ang daan papuntang kwarto, nagpalit Lang ako ng simpleng damit at dumaan sa lugawan.

Alam kong gustong-gusto ni sissy kapag ako yung magluluto ngunit hindi na ako nag-atubili pa dahil sa May lagnat siya at nag-iisa.

Habang naglalakad papuntang bahay ni sissy hawak ang supot ng Lugaw sa Isang kamay ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko kaya agad ko itong kinapa sa bulsa.

I smiled as I saw his name on the screen.

Babe Jay calling...

"Babe!" Masayang sagot ko.

"Nasan ka Babe? Wala ka dito sa condo mo?" Nag-aalalang Tanong nito dahilan para mapigil ko ang pag-ngiti ng malawak.

Ganyan talaga siya, palaging nag-aalala kapag Wala ako ng condo, Kala mo naman iiwan ko.

"Uhhh yeah sorry, papunta kase ako Kay sissy. May lagnat daw siya Eh." Sagot ko habang tanaw na ang gate ng apartment ng kaibigan ko.

Napatingin ako sa phone ko ng hindi Sumagot si Jay ngunit napakunot ang noo nang makitang naka-flash pa rin ang pangalan nito, maging ang signal ay kumpleto.

"Hello?" Pagtapat ko muli ng cellphone sa tenga. Agad naman akong nakarinig ng malakas ng buga ng hininga mula sa kabilang linya.

"A-Ahh oh okay, babalik na Lang ako mamaya." Sagot nito ng nauutal.

Kahit naguguluhan ay isinantabi ko na lamang ito, sa halip ay iniba ko ang aking sasabihin.

"Sige. Paglulutuan kita ng paborito mong ulam mamaya ha. I love you!" Saad ko.

"I love you too. Babe see you later." Sagot nito.

Ibinaba ko na ang tawag at nag-doorbell nang makarating ako ng Gate ng apartment, may ilang segundo pa akong naghintay bago ako pag-buksan ng landlady.

"Hi po Ate." Bati ko sa landlady at agad naman ako nitong nginitian.

Napatingin siya sa hawak kong plastic at binaling ang nagtatanong na tingin sakin.

"Ah, May lagnat daw ho si sissy ate kaya dinalhan ko siya ng lugaw."

"Kaya pala, osige pumasok ka na don."

Undeserving Love (One shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon