Chapter 1

12 0 0
                                    

(Mara's POV)

Isinumapa ako ng mga tao, inilibing ng buhay sa isang lugar na alam kung walang nakakaalam. Malungkot, madilim at nakakatakot, wala akong nagawa dahil isa lamang ako at marami sila. Ngunit binigyan ako nag pagkakataong mabuhay at maranasan ang mga bagay na hindi ko nagawa noon ngunit sa isang kundisyon.

Kailangan kung maging mabuti at tumulong sa kapwa ng walang hinihinging kapalit. Madali lamang sa akin iyon dahil noong nabubuhay pa ako ay likas na sa akin ang pagiging matulungin.

Napagbintangan lamang ako sa isang kasalanan na hindi ko naman ginawa at hindi ko kayang gawin sa kahit kanino man. Lubos ang aking pasasalamat sa maykapal dahil binigyan ulit ako ng panibagong buhay.

Kaya lamang ay hindi ko alam kung nasaan ba ako, kanina pa ako naglalakad dito pero ni isang tao o bahay man lang ay wala akong nakikita. Marahil ay talagang malayo ang pinaglibingan sa akin kaya naman wala pa hanggang ngayon ang nakakadiskubre sa mga labi ko.

Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang sa may maaninag akong isang malaking kahon na may ilaw na papalapit sa akin. Lubos ang pagkatuwa ko kaya naman hinintay ko na makalapit ang umiilaw na kahon sa akin.

Ngunit napansin ko na parang hindi siya humihinto kaya naman napasigaw ako at napatakip ng mukha

*beep beep beep*

Hindi pa din ako umaalis sa kinatatayuan ko dahil lubos ang aking pagkagulat. Iyong kahon na may ilaw kanina ay naglalabas ng kakaibang tunog na hindi ko pa naririnig sa kahit anong hayop dito sa mundo.

Naramdaman ko na may papalapit sa akin ngunit hindi ko magawang mag angat ng paningin dahil nakakasilaw ang ilaw na nanggagaling sa malaking kahon.

"Miss! Miss! Okay ka lang ba?" narinig ko ang buntong hininga niya "Miss okay ka lang ba? May masakit ba sa'yo?"

Noong oras na iyon ay nagawa ko nang maianggat ang aking ulo, nagulat ako sa nakita ko. Isang lalaki na animo'y naka skulptura ang mukha. Napakagandang binata naman nito, makinis ang balat at higit sa lahat ay matangkad.

Napatulala na lamang ako sa angking kagwapuhan ng binata. Noong panahon ko ay wala pa akong nakitang ganyan.

"Iho, pwede bang maitanong kung anong lugar ito?" pagtatanong ko

Lumapit siya ng kaunti habang mataman akong tinititigan " Naka drugs ka ba miss?" Hinawi niya ang konting hibla ng buhok ko na nakaharang sa aking mukha

Aba'y walang galang na batang ito, hinawakan ang buhok ko ng walang paalam. Hindi ba naturuan ng kaniyang mga magulang ito. "Walang galang na binata ito, sinong nagturo sa iyo ng ganyang asal!"

"Hoy miss kung sino ka man, nakaharang ka sa dinadaanan ko tapos kung anu- ano pa ang pinagsasasabi mo, nakahithit ka ba!?"

" Wag mo akong pinagtataasan ng boses mas matanda ako sa iyo!" malakas kung sigaw dahil galit na ako

"Hahahahahaha" napahawak siya sa kaniyang tiyan, teka may masakit ba sa batang ito "Miss alam mo nakakatawa ka, di ka naman naka drugs pero bakit ganyan ka magsalita, may sira ba ang utak mo?"

"Antipatikong bata ito, wag mo akong pinagsasalitaan ng ganiyan baka makatikim ka sa akin" itinaas ko ang aking kamao.

"Sige nga miss patikim naman niyan" tumingin siya sa bandang ibaba ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MaraWhere stories live. Discover now