Chapter 12: The Prisoner

258 8 1
                                    

Chapter 12 – The Prisoner

MALAMIG NA PATALIM sa kanyang kalamnan.

Inikot-ikot ito. At ramdam niya ang kanyang kaluluwa na umiikot.

Ang buong katawan niya ay pinipisil.

Masakit. Masakit.

Parang sasabog ang kanyang ulo.

May pagsabog. Ngunit hindi ito ang kanyan ulo. Apoy. Alikabok sa kanyang mukha.

Pagtawa na nangagagaling sa madilim na puso.

Mainit.

Malakas ang hangin.

May humahawak sa kanya, malalamig na mga bisig.

May tumarak ulit na patalim sa kanyang puso.

At doon siya napasigaw.

Halos tumalsik na sa kanyang hinihigaan si Hestia nang magising ito, sumisigaw pa rin siya, may mainit na likido sa kanyang mga mata.

"Hoy, magpatulog ka nga!", sabi ng malaking boses sa taas.

Tumingala si Hestia at namalayang nasa baba pala siya ng double deck na kama at galing ang boses mula sa higaan sa taas. Huminga nang malalim si Hestia, hinahabol ang kanyang hininga. Ano ang panaginip na iyon? Ano ang nangyari? Nasaan siya? Umupo siya sa kama, wala itong kobre kama, kundi isa lamang ordinaryong kutson. May isang unan na tila karton ang laman. Tumingin siya sa paligid. Maliit ang kwarto na ito. Parang kasing laki lang ng kubeta. Sa unahan ng double deck ay mga rehas. Teka...anong? Nasaan ba siya? Umahon si Hestia mula sa kama at hinawakan ang malalamig na rehas. Wala siyang makita sa labas. Madilim at habang matagal niya itong tinitignan ay sumasakit lang ang kanyang mga mata. Lumayo siya rito at naglakad patungo sa gitna ng kwarto. Tinignan niya kung sino ang nasa taas.

Malaking babae ito. May mga masel, sa mga braso, sa paa, pati na rin sa mukha. Ang buhok ay mohawk at may hikaw ito sa labi. Nakapikit ang mata, marahil malayo na ang nalalakbay sa kanyang panaginip pero kailangan ni Hestia ng kasagutan.

"E-excuse me?"

Napahawak siya sa damit niya na ngayong kulay itim na coveralls. Kamukha ng mga sinusuot ng mga manggagawa sa mga talyer. Ganun din ang suot ng babae sa taas ng double deck.

"A-ano...pasensya na pero pwede ko bang malaman kung nasaan ako?"

Hindi ito sumagot. Nakapikit pa rin ang mga mata at hindi gumagalaw.

"Tao p--"

Bago pa matapos ni Hestia ang sasabihin ay nagsalita ang babae pero hindi binuksan nito ang kanyang mga mata. "Kung hindi ka titigil kakasalita ay babasagin ko yang bungo mo, makita mo."

Napaurong si Hestia at napalunok. Isa ba itong masamang panaginip? Ano ba ang huli niyang naaalala? Kasama niya ang Big Three...pumunta sila sa BGC para harapin ang espiritu ni Daedalus...may paglalaban na nangyari...tapos anong...ano nang kasunod?

"Ahhh!", napasigaw si Hestia at napahawak sa kanyang ulo. Tila mayroon kuryenteng biglang dumaloy rito.

"Aba hindi ka talaga titigil!", tumayo na ang babae at tumalon mula sa kanyang kinahihigaan. Tila mga seven footer ito, kaunti na lang ay kasing tangkad na niya ang maliliit na Cyclopes.

"Ahhh!", nakahandusay na si Hestia, pinipisil pa rin ang kanyang ulo sa sakit.

"Hoy, ano bang problema mo?", malaki ang boses nito. "Kung hindi ka titigil ay magigising ang lahat at mayayari tayo! Naiintindihan mo ba, babae? Hindi ko alam kung bakit dito ka pa nilagay sa selda ko! Bakit pa kasi napalaya si Tiny eh! Hoy!"

Teenage Greek gods: The Dark Spirit Book VTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon