Part 12 - (Suhol? O Peace offering?part 1)

7 0 0
                                    

Albert's POV

Matapos kong magwalk out kanina sa kalokohang ginawa ng kabarkada ko, bigla-bigla gusto ko atang maghanap ng masusuntok.Tapos na rin kasi ang klase ko kaya pwedeng-pwede nang makipag-laro sa mga nandito. Naiinis talaga ako ng sobra kay Joshua, napag-usapan na namin to. Di kasali sa trip namin ang manghimasok at e bully ang girls sa school kasi unang-una, lagot ako sa BOD (kahit parents ko yun) ang mga babae kasi parang di mo talaga ma control kapag galit. Alam na alam ko na magsusumbong talaga sila. Pangalawa, pag ganun ang trip namin pati popular girls ayaw na rin sa'min, aba! ang pangit ata ng image ko  kapag ganun crush ng bayan pa naman ang bansag sa'kin. Napahinto lang ako sa pag-iisip ng narinig ko si Joshua na masaya sa likod ko.

"Wow pre!, iba ka ata dun ah!, haha! justice is served!" tuwang-tuwang pagputol niya sa iniisip ko.

"wow ka ha?! ako ang nagmukhang bumuhos dun kay Dominiq! Huwag ka ngang umakbay sa'kin, baka tama-an ka nang kamao ko," galit kong sumbat sa kanya. Galit din naman talaga ako sa lalaking ito. nakakbadtrip ata sya ngayon.

"anong meron sayo ngayon hah? ba't ba bad trip na bad trip ka?! Alam ko pre na wala sa usapan natin ang mangtrip ng babae, pero di naman talaga sa kanya ang patama ko dun eh, buti nlng nga at natapunan din ang kasama niyang lalaki yung De Vidal ata. sya naman talaga ang punterya ko" pag e explain ni Joshua sa'kin. Di ko rin magets to kung minsan eh. "have you seen the look from his face? kitang-kita mo ang disgusto sa kanya" aba proud pa syang magmayabang ng ganun ang ginawa niya.

"ano ba kasi yang kinukwento mo sa'kin hah! di ko gets eh. Wala kong pakialam sa De Vidal na yun! si Dominiq ang inaalala ko" nako nadulas ata ako sa sinabi ko. alam  ko kung gaano ka kulit tong si Josh ah.

"yun oh! gets ko na kung bakit ka bad trip. Gusto mo naman pala yung Dominiq na yun eh! ba't di mo sinabi. HUHUYYY in love ata si Team Captain ah! o sige na sorry, kung sinabi mo lang sana sa'kin ng mas maaga eh nagawan natin ng paraan yan. But really dude? you fell for her?" napatanong si Joshua sa'kin. Parang di sya makapaniwala na may nagugustohan ako. 

"ano ba? bakit ba?! di na ba ako pwede magkagusto? Oo aaminin ko na sayo para namang may gagawa ako kapag di ako umamin sa'yo. Alam ko naman na di ka titgil sa'kin sa kakakulit mo dyan." pag-aamin ko na sa bestfriend ko. Kilalang-kilala na talaga ako ng taong to.

"Sige at dahil dyan, may naiisip akong pang pabawi mo sa kanya. Bumili ka na lang nang ice cream, I've heard masarap daw ang home-meade ice cream sa backgate nang school. Syempre di yun tatangi" pagsusuggest niya sa'kin. My bestfriend really knows girls a lot. KAhit nga ako chickboy di ko alam kung pano manghinngi ng pasensya sa isang babae usually binibili ko lng yun ng pagkain oh card. okay na yun sa kanila. Iba lang nga ito ngayon kasi this time gusto ko ang babaeng hinihingan ko ng sorry.

Saktong-sakto pag-dating namin ni Joshua sa labas ng backgate nakita ko si Dominiq at si De Vidal. Patay! mauunahan ata ako sa pagbili sa kanila. Kaya ang ginawa ko nagpatulog ako sa mga nakapila na iba na ako muna ang mauuna sa kanila <INSERT MOVES> ^_^ 

"miss pwede muna ako bumili ng una sa'yo? (with matching kindat ni miss mataba)( -_^)!" disguise ata to. No choice na kasi ako. 

"ahhh sige Albert, total ako naman kasunod mo. Okay lang sa'kin" sagot ng babaeng mataba. Iba talaga pagsikat ka masydong madali ang buhay. Well, buhay pogi nga naman.

Paglingon ko ulit kina-Dominiq wala na siya sa kinatatyu-an niya. talagang umusok ang ilong ko! Andito plang sila kanina eh! nakaka bwesit naman oh! kaya lumabas ako ng padabog. Si Joshua naman bigla na ring sumulpot, saan kaya to kanina habang busy ako sa pag iinsert ko sa linya. 

"oh!, ba't wala kang nabili? naka-linya kana ah?!" - Joshua

"wala talaga kasi ang bibigyan ko umalis na! baka nga nakabili na yun! tsaka, asan ka ba kanina? sana man lang binnantayan mo sila Dominiq para sa'kin. Ayun tuloy!" umuusok na ilong ko wala pang kwentang kausap tong si Joshua. 

"Alam mo, lumalaki na ang butas nang ilong mo, tara na nga, dadalhin kita sa mas magarang mapagbibilhan mo." aba! may suggestion nanaman to. Sana nga lang magwork na ito.

*** tendededen! Welcome sa Chocolate Bar namin! pagmamayabang ni Joshua sa'kin. Teka, NAMIN? sino kasama niya dito?

"Opps opps opps, di to solely sa'kin kami ng pinsan ko ang may-ari nito" - Joshua

Ang ganda nga ng bar nila, ang mahal tignan at ang gara sa feeling ang ambiance, mabango pa sa loob. Ang sarap lumaway dito ah, ang mamahalin ng chocolate tignan. Pinapunta ako ni Joshua sa kusina at pinakita nia ako sa range of chocolate flavors na nasa kanila. Nakilala ko rin ang mga taga luto nila doon. Bumalik na kami sa may counter at nakita kong may kausap ang matandang babae na nakita ko sa counter ng store bago kami pumasok. Masayang masaya sya sa pag eentertain sa kanila ng makita niya kami mukha syang nagulat, siguro di nya kami napansin ng amo nya. Pero mas lumaki ang mga mata ko sa naabutan ko dito. SI DOMINIQ!

"Albert!, si Dominiq yun ah. Lapitan mo na! sabihin mo ililibre mo sya."- Joshua

"hoy Vasques! nice meeting you here!" tsk inunahan talaga ako ni Joshua sa paggreet sa kanila. Siniko ko nalang siya kasi naman pa cool-cool effect pa talaga ang greeting niya. tuminigin naman si Joshua sa akin, parang sumesenyas na dapat may sabihin na talaga ako.

"Dominiq Vasques?, pasensyahan mo na ako kanina ha? libre na lng kita ng tsokolate" hanubato?! ang sinasabi ko! walang ka direction-direction! nauutal akong magsalita

"uhmmm...ahhh.. LBM! bye!" di ko narining ang mga una niyang sinabi, humina na ata pandinig ko. Pero anu daw? anong LBM?!

"no I insist you should really take a seat, Aunty Juliet please bring them the chocolate of the day kindly make it extra special please tsaka magbalot ka rin ng Chocolate pralines natin bigyan niyo ho sila, promotional din yun" wooh! mabuti na lang at nagkaroon ako ng mini tour dito sa chocolate bar ni Johua, alam ko tuloy kung ano ang nandito. Tamang-tama din ang pagka aninag ko sa pangalan ng babaeng ito. "Libre ko naman kaya ma-upo na kayo dyan" utos ko sa kanila, may kasama pa ata silang isa eh.

Just rightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon