Part 11 (buntot ng buntot)

9 0 0
                                    

 Dominiq’s POV

“Jake tara na!, Dali!” hinila ko si Jake palabas ng tindahan.

Ano ba naman to! Lumapit si Albert sa’kin eh natakot ako baka pagtripan ako ulit! Masama pa naman niya akong tinignan kanina. Eh wala naman akong sinabing masama sa kanya.

“Doms, naman sa haba ng pinila natin dun? Ayan tuloy pipila nanaman tayo! Teka, red tide kaba ngayon?!” pagrereklamo ni Jake. Alam ko naman ang nararamdaman niya syempre ako magtataka din nang hila lang ako ng dire-diretcho at isa pa medyo matagal din kaming nag-antay dun.

“andyan si Albert sa loob! Eh baka pagtripan ako … tayo! Alam mo naman ang ginawa natin kanina!”pag e explain ko sa kanya. “nako Jake!, tara na! ayoko na dito” pagsusuhestiyon ko sa kanya.

“cge, alis na tayo. Tatawagan ko si Manong na e pick up niya tayo sa lobby.”  Sagot niya na sa tingin ko ay pagsang-ayon niya sa’kin na talagang umalis dito sa school. Ewan ko, bahala na rin si Jake na pumili kung saan kami pupunta. Siguro sa mall nalang para naman magpa cool down sa nangyari kanina.

Nang makasakay na kami sa kotse niya, may na e suggest si Manong na masarap na chocolate bar (sosyal to si Manong may bar pa talaga para sa chocolateng nalalaman to ah!). Dinala niya kami dun, medyo malapit din to sa Mall ang establishment nila at ang ganda pa nang ambiance! Ang upuan nila lahat magagara para ka talagang nasa sosyal na lugar. Masarap ang chocolate nila lalong-lalo na nag special menu of the day!

“wow Manong! Pano mo ba to nalaman? Nakakatanggal talaga nang stress dito!” pagtatanong ko kay Manong Bert. Syempre sinama naming sya sa loob siya kasi ang may alam sa mga dapat e order dito eh.

“nako naman mam Dominiq, nakaka-aliw naman po yang papuri niyo sa lugar nato. Eh ganito kasi yon mam, ang may-ari nito ay kaibigan ko, dito rin nagtratrabaho ang asawa ko. Taga-gawa din po sya ng chocolates na ganyan po mam.” Pagtuturo sa amin ni Manong Bert sa chocolate counter na hugis triangle na tsokolate.

“talaga ho?! Asawa niyo?!” bigla-ang singit ni Jake sa’min.

“opo sir. Gusto ko rin sana magtrabaho dito sir eh, kaso wala talaga akong alam sa pag-gawa ng mga ganito, hangang sa pagmamaneho lang talaga ang nakaya ko” pagpapaliwanag ni Manong kay Jake.

“Manong naman kung maka explain ho kayo para namang masisi-sante na ho kayo. Na bigla lang talaga ako na asawa niyo po ang nandito akala ko kasi girlfriend mo yong maid ng kapitbahay natin.” Pangangatwiran ni Jake.

“Nako naman bata ka! Mag-ingat ka nga sa sinasabi mo baka mag-away pa kami ng asawa ko.” Parang biglang kinilabutan si Manong sa sinasabi ni Jake. Haha. Sino ba naman ang hindi eh in love kung tignan si Manong sa asawa niya.

“Bert! Pst! O-order ba kayo? Sino kasama mo?” biglang sipot ng asawa ni Manong. Ang nakalagay sa kanyang nametag “Aunty Juliet” . Iba ata tong pangalan nang asawa ni manong ah Aunty.

ahh sya nga pala, eto yung boss ko si Sir Jake de Vidal at ang kasama niya dito si Dominiq Vasques nakatira din to sa parehong subdivision ni sir” pagsasagot niya sa kanyang asawa.

“Hello po, Aunty Juliet? Tama ho ba ang pangalan niyo? Ako po si Dominiq pero pwede mo akong tawagin sa anong gusto mong itawag ho sa’akin” pagpapakilalako sa sarili ko.

“Oo, iha Aunty Juliet na ang tawag ng mga tao dito sa’kin kasi nasanay na ang anak ng amok o na aunty ang e tawag sa akin, pwede na ba na Miniq ang tawag ko sayo?” – aunty Juliet

“Opo!, syempre ho!, sya nga po pala eto po si Jake Vasques, bestfriend ko ho sya at ----“ pinutol ng magaling kong bestpren ang sinasabi ko. Bigla niya akong tinapik ng mabilis.

Nang lumingon ako sa kanya nagulat ako magkasama sina Albert at best friend niya. Ang tadhana nga naman! Masyadong hot na hot talaga na pag tagpu-in kami dito.

“sir!, ang aga niyo naman po dito! Di naman ho kami busy eh!”  mas na bigla ako kay Aunty Juliet. Sino ba ang tinatawag niyang sir? Si Albert o ang kasama niyang si Joshua?

“doms, alis na tayo parang teritoryo ata to nila, nako baka mapahiya pa tayo. Manong tara na ho, bigla akong nag ka LBM!”pageexcuse ni Jake kay Manong Bert. Hila-hila kami ni Jake nang bigla.

“hoy Vasques!, nice meeting you here.” Biglang sabat ni Joshua. Siniko naman sya bigla ni Albert.

“Dominiq Vasques?, pasensyahan mo na kanina ha? Libre na lang kita ng tsokolate” nanghihingi ba to nang paumanhin? Eh ba’t parang ang plain kung magsorry, di sincere. Teka baka may balak na naman to! dapat mag-“to-infinity-and-beyond” na ako.

“Ahh okayyy, alis na kami---- uhmm, ahh, LBM! Bye!” pagbulalas kong sabi sa kanila. Alam ko, nakakahiya masyado, parang announcement lang ginawa ko na natatae ako. Good thinking!

"mam? talaga?!" tanong ni Manong Bert. Echosera rin tong driver ni Jake ah! para namang siya ang nang babadtrip.

"Oo, ngayon lang manong, bakit ikaw din ho ba?" sagot ko sa kanya.

"no I insist you should really take a seat, Aunty Juliet please bring them the chocolate of the day kindly make it extra special please tsaka magbalot ka rin ng Chocolate pralines natin bigyan niyo ho sila, promotional din yun" sabi ni Albert. "Libre ko naman kaya ma-upo na kayo dyan" utos niya sa amin.

sinunud naman din ni manong si Albert. Talaga to si Manong oh panira na nga siya nang moment ko, hindi pa rin niya gets kung bakit kami nagmamadali ni Jake lumabas dito, eh ang obvious-obvious kaya na ayaw namin sa dalawang to. No choice na! Umupo na siya. hay!

Just rightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon