CHAPTER 3

10 1 0
                                    

Nasa likod kami ng bahay ngayon ni mama, abala kami sa pamimitas ng mga gulay. Medyo malawak kasi ang bakuran namin lalo na dito sa likod kaya naman ginawang garden ito ni mama. May ilang plot ito na may tanim na mga petchay, kamote, kamatis, talong, sili, sitaw at kalabasa. Sa may gilid naman ay may mga puno ng papaya, kamias, kalamansi, langka at kamansi. Meron ding tanim na gayubano at santol. Bahay kubo for short.

"Saaaaaaam!" Boses palang ay alam ko nang si Marie iyon.

"Nandito ako sa likod ng bahay." Sigaw ko para marinig niya. Ilang saglit pa ay nandito na nga ito ngayon sa kinaruruunan ko.

"Wow, harvest time? Join ako diyan." Aniya nito sabay lapit sa tanim na talong tsaka pinitas ang bunga nito.

"Ang aga mo yata Marie. Ikaw ba ay nag-agahan na?" Tanong sa kanya ni mama.

"Oo naman po Aling Minda." Nakangiting sagot nito.

"Mama, ako na lang po maghahatid ng mga ito sa pwesto ni Aling Sol. Mamaya ko na lang po gagawin ang mga assignments ko."

"Ay sige bestfriend, sabay na tayo pumunta sa bayan. Nagpapabili kasi si Oman ng bagong tsinelas niya." Tukoy ni Marie sa kapatid na sumunod sa kanya.

"Oh siya sige, kasama mo naman pala itong si Marie eh. Yung nakukuha mong pera mamaya ibili mo ng bigas at kalahating kilo ng tilapya ha."

"Opo mama."

*******

Alas syete na ng umaga ng marating namin ang bayan.

"Ito ho ang bayad Mang Teban." Wika ko sabay abot ng 30 pesos para sa pamasahe namin ni Marie.

"Wag na Sam. Itong batang ito talaga oo." Tanggi nito sa inabot kong bayad. Siya nga pala ang tatay ni Elthon.

"Sige na ho." Pilit ko sa kanya.

"Kaibigan ka ng anak ko kaya libre na." Nakangiting sabi nito. " Itabi mo na lamang yan para pangbaon mo. Kamusta na pala kayo ng mama mo?"

"Mabuti naman po. Nakakaraos rin naman po. Ito nga po at may dala akong mga gulay para ibenta kay Aling Sol ngayon."

"Mabuti naman kung ganuon. Oh siya, mauuna na ako para makapamasada pa at ng makarami." Aniya nito tsaka muling pinaandar ang makina ng minamanehong traysikel.

"Sige po Mang Teban, ingat po kayo." Aniya ni Marie.

"Salamat po ulit." Wika ko sa kanya.

"Sige, mag-iingat kayo pauwi ha." Bilin nito.

*****

Madali namin narating ang pwesto ni Aling Sol sa palengke. Naka 500 pesos din ang bili ni Aling Sol sa basket ng gulay na dala namin ni Marie.

Kaagad akong bumili ng bigas at tilapya.
"Aling Nena, kalahating kilo lang po hindi isang kilo." Sabi ko sa kanya. Sobra kasi yung kilo niya.

"Naku, bonus ko yan sayo. Hindi ba noong nakaraang araw e ikaw ang buena mano ko? Ayon ubos lahat ng tindang isda ko! Ikaw yata ang swerte ko." Kwento nito habang ipina-plastik ang isda.

"Baka naman ho nagkataon lang yun. Mababawasan pa ho tuloy ang dapat na kikitain niyo ngayong araw."

"Hindi yun nagkataon ano. Noong nakaraang linggong bumili ka saakin ganun din ang nangyari. Ikamusta mo ako sa mama mo ha?" Aniya nito, sakto naman ang dating ng kanyang suki.

"Sige ho. Maraming salamat po dito. Sana nga po maubos ng benta lahat ng tinda niyo ngayon." Nakangiting sabi ko tsaka kami nagpaalam na dalawa ni Marie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My One Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon