May first kiss ka na ba?

443 14 6
                                    

Vacant Time

Mas pinili ko pa ang manatili dito sa classroom namin at magdrawing ng anime kaysa bumaba at makipagkwentuhan sa mga kaklase ko.
Nagdradrawing ako ng magkayakap na babae at lalaki ng may biglang nagsalita sa likod ko.

"Reina"
Tawag sa 'kin ng kaklase ko na si Miguel matapos nyang makipagasaran sa mga kaklase namin. Ni hindi ko napansin na nasa gilid ko na sya, tinitignan nya ang ginagawa ko ngayon na drawing.

"Oh? Bakit?"
Sabi ko ng di pa rin tumitingin sa kanya.

"Tanong ko lang kung meron ka bang assignment sa Science? Hehe"
Sabi nya ng nakahawak ang isa nyang kamay sa batok nya. Nakataas ang isang kilay ko nang tumingin ako sa kanya.

"Meron, bakit kokopya ka na naman?" Sabi ko ng nakataas ang isang kilay.

"Hehe, oo eh"
Binigay ko sa kanya ang assignment ko at hinayaan ko na lang siyang kopyahin yun, masyado akongnakaconcentrate sa pagdradrawing nang bigla kong nasagi ang isa ko pang drawing. Sa drawing ko na yun nakalagay ang magkahalikang babae at lalaki sa isang anime. Ewan ko ba kung bakit sa dinami-dami naman na pwedeng ipadrawing sa 'kin ng kaibigan ko, eh ito pa ang pinadrawing sa 'kin. Napansin kong tinitignan nya ang drawing ko na yun nang bigla na lang sya nagsalita.

"Marunong ka pala talagang magdrawing?" Sabi nya ng di
pa rin inaalis ang titig sa drawing ko.

"O-Oo, bakit?" Sh*t! Nauutal ako, bakit? Nahihiya ba ako? Drawing lang naman yun ah.

"Reina"

Tawag nya sa 'kin, ngayon ay nakatingin na sya sa 'kin, pero bakit ganun? Parang may kakaiba sa mga titig nya. Siguro kasi nakatingin sya sa labi ko?


"May first kiss ka na ba?"

Tanong nya na nakapaggulantang sa 'kin. Sa sobrang gulat ko ay di ko na napansin na nakalapit na pala ang mukha nya sa 'kin. 'WTF!!??' Alam ko kung saan 'to tutungo, napapanood ko 'to sa mga palabas na nakikita ko eto yung hahalikan ka na lang nila.

"Huyy erick! Huwag ka ngang tumakbo dito, dun ka sa ground!"
Sigaw ng kaklase ko, Sa sobrang lakas ng boses nya ay pati ako napatingin na rin sa kanya. Hindi ko napansin na sa 'min na patakbo si Erick. Putik! Sa sobrang kaharutan nya eh natulak nya kami ni Miguel, ang resulta? Ang pagkabalisa ko. Kung akala ko ay wala ng makakapagwindang sa 'kin lalo sa tanong nya kanina. Aba! Nagkamali ako, dahil sa unang pagkakataon. For the first time in history! Shiiizzz Wala na ang first kiss ko. Wala na. Ninakaw na. Ninakaw ng isang tarantadong lalaking nagngangalang Miguel Reyes. Bwisit na Erick yan oh!

"Ayiiiieeee"
Sigaw ng mga kumag kong kaklase na natira sa loob ng classroom. Sa sobrang pagkabigla ko ay naitulak ko sya.

"Shit!" Nanlalaki pa rin ang mga mata ko ng tinignan ko sya.

"S-sorry! Hindi ko sinasadya. Sorry"

"MIGUEL THAT WAS MY FIRST KISS"

"I know, me too. Parehas lang tayo, first kiss ko rin yun." He told me "Haayy! Reina, panagutan mo 'ko"

"HUH!? ANO KAMO???" Sabi ko na nanlalaki ang mata

"Ang sabi ko.... Panagutan mo 'ko" Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, kung kanina ay gulat ako ngayon ay nakakunot na ang noo ko.

"A-Anong ibig mong s-sabihin?" Sabi ko sa kanya ng nagtataka. Nagulat na lang ulit ako sa sunod nyang ginawa. Kung kanina ay walang ginagawa ang mga kaklase namin dahil sa siguro yung iba ay nagulat din, ngayon iba na. Pinapalibutan kami ngayon ng mga kaklase kong lalaki na may hawak na rosas at ng mga babae naming kaklase na may hawak naman na papel. Kung kanina ay nagulat ako, ngayon naman ay grabe na ang pagkagulat ko, lumaki ang mata, nakanganga at tulala.
Standing infront of me is my annoying classmate named Miguel Reyes. At ngayon ay pinapalibutan kami ng mga kaklase namin na may hawak na rosas at papel na may nakalagay na "W-I-L-L Y-O-U B-E M-Y G-I-R-L-F-R-I-E-N-D?"

"Wha-Wha-What the?"
Dahil sa lutang pa rin ako sa mga nangyari ay iyan lang ang mga nasabi ko. What the?

"Reina... uhm..." Tumayo si Miguel at binigay sa 'kin ang mga kinuha nyang rosas sa mga kaklase namin.

"Hindi ko kasi alam kung pa'no ko 'to sisimulan eh."
Sabi nya na nakahawak sa batok. "Kasi... Sa totoo lang, gusto na kita sa simula pa lang... ano.. naaalala mo pa ba noong una tayong magkakilala?"
Sandali akong napaisip sa tanong nya. Nang mapagtanto 'kong hindi ko na maalala eh umiling na lang ako. Nagsalita na lamang sya nang malaman na hindi ko na yun maalala.

"Yun yung first day of school natin.. yung time na sinungitan mo 'ko dahil nagtatanong lang ako sayo ng direksyon. Hahaha"
Kwento nya. bahagya akong natawa sa kinuwento nya habang inaalala ang mga panahon na yun.

"Hahahahaha" Ako

Napatingin ako sa kanya na nakatitig lang pala sa 'kin. Nahiya ako ng unti kaya napatigil din ako sa pagtawa.

"Ehem Ehem... Anyway, ang gusto ko lang talaga sabihin sayo ay... Gusto kita Reina Quino. gustong-gusto"

Speechless na ako ngayon.

"Reina Quino, alam ko na naiinis ka sa 'kin magmula pa noon. Pero, ngayong sinabi ko na sayo ang nararamdaman ko, gusto kong itanong 'to sayo... WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?"
Sabi nya sa 'kin ngayon nang nakangiti.

Kahit na nandito na si Miguel sa harapan ko, sa harap ng mga kaklase namin, hindi pa rin ako makapaniwala na ang lalaking nagngangalang Miguel Reyes ay magkakagusto sa akin. Ang Miguel na kinaiinisan ko magmula pa noon dahil bukod sa kilala sya bilang isang bully sa section namin ay sya rin ang pinakaiinisan ko dahil palagi nya akong inaasar at kinukulit.

Hindi ako agad nakasagot sa tanong nya dahil sa bukod sa gulat ako nang umamin sya sa 'kin ay gulat na din ako dahil tinatanong na nya ako kung pwede ba nya ako maging girlfriend.

"Uhh" Ako

Saglit akong napaisip. Bakit nga ba tuwing nakakausap ko sya eh nauutal ako? Bakit tuwing lumalapit sya sa ibang babae eh naiinis ako? Bakit? Bakit nga ba? Bigla akong napangiti nang mapagtanto ko kung bakit.


"Miguel you're my first kiss" I said while smiling at him.
"So sa tingin mo ba, hahayaan na lang kitang makalimutan yun?"

"Huh? R-Reina what do you mean?" Sabi nya ngayon sa 'kin nang nagtataka.

"Yes miguel, I'll be your girlfriend" Sabi ko sa kanya ng nakangiti ngayon. Agad syang tumalon nang marinig nya ang sagot ko. Ang mga kaklase naman namin ay masaya din. May iba na naghahagis na ng rosas ang iba naman kinocongratulate si Miguel.

Ngayon ko lang narealize.. Kung bakit naiinis ako sa kanya tuwing may kaasaran sya na ibang babae at kung bakit nauutal ako tuwing kausap sya eh dahil sa matagal ko na palang gusto si Miguel.

"Congrats pare! Umamin ka na sa crush mo tapos ngayon kayo na"

"Ahahaha sige salamat bro!"

Lumapit sa 'kin si Miguel nang nakangiti. Pero sa ngayon hindi pa rin maalis sa isip ko yung accidental kiss namin kanina.

"Miguel, bakit mo nga pala ako tinanong kung may first kiss na ba ako?" Sabi ko sa kanya ng nagtataka.

"Ahh! Gusto ko kasing malaman kung may kumuha na ba ng first kiss mo eh para kung hindi eh ako ang kukuha nun. Hahaha"

"So parang... planado na ang lahat?" Sabi ko sa kanya ng nakataas ang kilay.

"Parang ganun na nga" Sabi nya na di pa rin maalis ang ngiti sa mukha nya "Kaso, dapat talaga eh hahalikan talaga kita kaya lang nabangga tayo eh. Sorry medyo di romantic" Sya.

"Okay lang"

Lumabas na din ang lahat ng mga tao sa classroom at kami na lang ang natira. Pagkatapos kasi ng vacant time namin eh uwian na dahil absent ang Math teacher namin.

"Reina, tara ihatid na kita sa inyo"

"Sige"

Masaya kaming nagkukuwentuhan papunta sa bahay ko. Hindi ko talaga ineexpect na ang isang Miguel Reyes ang syang magiging first kiss ko at first boyfriend ko. At ngayon, alam ko na masayang-masaya talaga ako.


THE END

MAY FIRST KISS KA NA BA? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon