Chapter 3
[Lily’s POV]
“Ok class, may group activity kayo. Gagawa kayo ng music video. Kahit anong genre ng music pwede. Kayo narin mag-group sa sarili nyo 5 members every group. Next week ang pasahan. Maliwanag ba?”
“Yes ma’am!”
Ito talaga ang mahirap sa college eh. Kasisimula pa lang klase, gawain agad!
“Lily sino kaya ang go-grupo sa atin?” Yup, hindi pa man din kami nakakapag-usap ni Mitch, alam na namin na magkagroup na kami. Bestfriend eh. Ngayon kaylangan pa naming humanap ng three members.
“Hi…” Isang magandang babae ang lumapit saamin. Mukhang mahiyain saka mahinhin. “Pw-pwede bang grumupo sa inyo, kung ayos lang?”
“Naman! Sa ganda mo na yan, why not coconut! Haha!” Loko-loko talaga si Mitch! Kelan pa sya naging tomboy?
“Hoy tibo mag tigil ka nga dyan.” Baling ko kay Mitch. “Ano nga palang name mo?”
“Euphy.” Nahihiyang napayuko ito at nabablush pa. Flattered siguro kasi nasabihang maganda. Well, totoo naman kasi eh wala naman syang dapat ikahiya dun. “Euphy Damian.”
“Euphy-euphy? weird name but Aylayket!” Walang pasabing kinuha ni Mitch ang kamay ni Euphy tapos nakipagshake-hands. “I’m Michelle Stadfeld by the way. At yang babae sa tabi ko si Lily Alstreim soon-to-be-Weinberg.” At nagtawanan silang dalawa. Naku! Konti nalang makokonyotan ko na si Mitch!
“Pe-pero Euphy lang name ko. Hi-hindi Euphy-euphy. So-sorry, nahihiya kasi ako kaya nadoble ko.”
“Ganon? Mas bet ko yung Euphy-euphy..Phy-phy in short, ang cute parang pipi lang haha! Bagay na bagay sayo mukha kasing hindi ka mahilig magsalita! Haha kaya from now on Phy-phy na ang tawag ko sayo!”
Binatukan ko si Mitch para magtigil. Kasi naman eh parang pinapahiya nya na si Euphy, kung anu-ano sinasabi! “Sorry ha, na-offend ka ba? Baliwag lang talaga yang babaita na yan.”
Umiling ito saka ngumiti. Ganda nya swear! Mukha syang angel!
“Ouch naman Lily kelan ka pa naging brutal?” Raklamo ni Mitch. Reklamador para namang hindi sya brutal… “Anyway kailangan pa natin ng two members.”
Tapos sumigaw sya ng makabasag eardrums! “Hoy! People in the Philippines mamamatay ang hindi gogrupo saamin!” Namumutlang napatingin kay Mitch ang mga classmate namin. Nagpeace naman sya. “Joke lang! Kayo naman, masyadong seryoso. Pero seriously kulang kami ng two members. Sinong magandang nilalang ang gustong grumupo saamin?”
“Ako!” Taas kamay ng isang lalaki. Mukhang masayahin si Kuya saka inpyernes, gwapo! “Skyler Sandoval at your service!” sabay salute. Pakilala nya, pagkalapit saamin.