Chapter 2
[Lily's POV]
Pagkatapos ng araw na yun, halos hindi na tumigil si Mitch kakatanong saakin about sa nangyari. Hindi ko ba daw ba alam na si Vincent James Weinberg yung humatak saakin at nagulat sya nung sinabi ko na girlfriend nya daw ako. Kilig na kilig pa ang bruha pero sabi ko hindi ako natutuwa kasi si Kevin parin ang gusto ko. Kaya ayun, sabog ang eardrums ko sa sermon nya.
“Hoy babae nakikinig ka pa ba?!” At iyan nga di parin sya tapos kakasermon nya.
“Oo nakikinig pa ko.” -__-
“Good. So iyon na nga, tigil-tigilan mo na yung kakaasa dun sa Kevin na yun dahil wala ka namang mapapala sa gago na yun. Wag mo ng isipin ang hinayupak na yun at dun ka nalang kay Vincent. Kyaaaaah!!! Grabe instant handsome boyfriend ka teh! Ano masarap bang humalik?”
“Jusmio! Anong klaseng tanong ba naman yan?!”
“Uy si Lily nagba-blush. Ayie-ayie...” Siniko-siko nya pa ako. Ako, nagba-blush?
Tumingin ako sa salamin at ..Boom! Pulang-pulang parang kamatis ang mukha ko! Putcha!
“Ano masarap noh? Malambot noh? Nagustuhan mo noh? Gusto mo pa noh? Nabitin ka noh? Kinapa mo yung Abs noh?” Jusko! Bakit nasama pati abs?!
Sinagot ko nalang sya dahil alam ko namang hindi sya titigil kaka-tanong. “Oo na, malambot na yung lips nya. Tungkol naman sa Abs..hmmm… di ko masyadong nakapa eh. Kaya di ko sure kung 6 or 8 packs ba yun?”
“Kyaaaaaaaaaaah!!! You’re so lucky girl! Ang bongga-bongga mo!!! Lahat ng babae pinagpapantasyahan sya kasama na ako tapos ikaw na walang kahit konting interest sa kanya, ni hindi mo nga sya kilala. Tapos ikaw pa ang maswerte naging girlfriend nya!!! Waaaaah!!! Ingit na talaga ako sayo girl!” Sagad-sagaran na talaga ang kabaliwan ng babaeng ‘to!
Gustong-gusto nya ba talaga yung Vincent na yun? Payn, edi ibibigay ko na sa kanya.“Gusto mo, sayo nalang.”
“Talaga? Pwede ba? Kyaaaaaaa—ay!” At bigla syang natauhan. “Never mind. Kay Paul Dave Gottwald pa rin ako noh! Wag mo nga akong tinutukso! Oh aking Paul pasensya na’t nagkasala ako sayo, wag kang mag-alala Paul ko ikaw pa rin sa puso ko. Ikaw lang wala ng iba. Mahal na mahal kita Paul ko!” Para syang baliw na kinakausap ang picture ni Paul sa cellphone nya. “Mwah! Mwah! Mwah!”
“Hoy! Maawa ka nga dyan sa picture ni Paul, ginagahasa mo na eh. Hahaha!” Biro ko na pinatulan nya naman…
“Tsk. Sayang nga teh eh. Kelan ko kaya sya magagahasa in person. Yung totoo na talaga, hindi sa picture lang.”
“Hahaha! Loka!” Sabay balibag ko ng unan sa kanya. “Umuwi ka nga.”
“Grabe ka! Pinapaalis mo na ko?! Ayaw mo na ba saakin?! Pagkatapos ng pingsamahan natin, pinagsawaan mo na ako?! Ganyan ka ba talaga ha?! Nakakasakit ka sa heart…”
“Gaga! Ang drama mo! Look oh, 9pm na kaya, curfew mo na!” Pinakita ko ang oras sa phone ko.
“Ay tungek. Oo nga haha, malalagot na naman ako kay mudrabels nito. O sya hatid mo na nga ako.” Opo, ang sosyal po nitong kaibigan ko. Di-hatid, sundo ko pa!
Walking distance lang naman ang layo ng apartment ko sa bahay ni Mitch kaya halos 5 minutes lang eh nakarating na kami sa kanila.
“Text mo ko pagnakadating ka na sa apartment mo ha.” Bilin nya sa akin.