------
Malapit na akong grumaduate ng high school pero ganun parin si Rylie. Sa akin parin lang siya masungit. Third year na siya sa kursong fine arts. Lahat na sa aming magpipinsang hilaw pati si Brielle naging mdelo na niya samantalang ako ganun padin sa kanya.. para paring hangin, nararamdaman pero hindi nakikita.
I'm fifteen years old already, i'm practically an adult and I can take care of myself pero bata parin ang tingin nila sakin.
Ilang araw nalang graduation ko na nang high school, ayun class salutatorian na naman ako. As usual, pinagbigyan ko na naman yung naging valedictorian namin nung elementary dahil mas kailangan niya nung scholarship kesa sakin, Si Vince Samaniego. Nerd, mahiyain, anti social, walang ibang kaibigan kundi ang libro.. Pati pala si Klein, yung anak nila Tita Lizzie at Tito Brad.
Ewan ko nga ba sa magkapatid na yun, si Ate Jaime saka si Klein, isang dating playboy at isang dating playgirl ang mga magulang pero si Ate Jaime may balak atang mag madre sa sobrang bait tapos si Klein naman nerd din. Palagi ngang sinasabi ni Mommy Yngrid na baka daw napalitan yung totoong anak nila Tita Lizzie aa ospital kase walang nagmana nung pagiging abnormal nung mag asawa eh.
At oo pati yung pagka nerd ni Klein nagawang maganda ni Rylie. Sa katunayan nga, nakadisplay sa hallway yung ilan sa mga painting ni Rylie, one of them was Klein reading a divergent book under a huge mango tree.
"Hoy Aia! Nakatulala ka na naman!" Brielle nudge my hips. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako habang dine decorate yung stage para sa recognition day mamaya, bukas yung graduation. After that didiretso na kame dun sa resort ni Tito Iñigo. Dun naman kame lagi eh.
"Di kaya!" Pagdi depensa ko.
"Wooh! Kunwari ka pa.. Kilala na kita 'noh!" Sabi niya sabay irap sakin. "Bhe, nagugutom ako.. Tara canteen tayo!" Sabi niya saka pinagsalikop yung mga kamay namin sabay hilig sa balikat ko. Napapitlag ako. Hanggang ngayon hindi parin ako sanay na-well, touchy si Brielle- madalas siyang yumayakap at humahalik sa akin which is okay naman since matagal ko na siyang kaibigan at parehas naman kaming babae pero.. basta.
"May alaga ka talagang ahas sa tiyan." Tinawanan ko nalang siya para mapagtakpan yung pagka ilang na nararamdaman ko.
Inayos ni Brielle yung cap niya saka ako nginitian. "Di ako nakakain sa bahay eh. Male late na naman kase ako." Tatawa tawang sabi niya.
"Ikaw talaga Brielle, matatapos na lang ang school year, palagi ka parin late!" I roll my eyeballs on her.
"Kaya mo naman akong pagtakpan eh. What are friends are for diba?" Saglit siyang natigilan sa sinabi niya.
"Huy Brielle!"
"Ha? Ah.. haha! Ano tara kain tayo!" Hinila na niya ako palabas nung gymnasium para magpunta sa canteen.
May kinukuha ako sa bag habang nagtatawanan kami kaya hindi ko napansin na natigilan siya.
"Brielle ano ba?! Ikaw ang kanina pa natutulala diyan!" Diretso lang ang tingin niya.
"Uhmm Aia.. Tara, hindi na pala ako gutom.. Balik na tayo.." Namumutlang sabi ni Brielle.
"Ano ka ba? Nasa labas na naman tayo eh, tara na.. Bibili din ako ng bottled water."
"Eh, may bottled water ako sa bag.. Tara ibibigay ko lang sayo!" Natatarantang sabi niya. Tinignan ko ng matiim si Brielle, sa tagal na namin magkakilala alam ko kung kelan siya may tinatago sakin.
"Brielle.." Tinaasan ko siya ng kilay sabay cross arms. Naglilikot talaga yung mga mata niya. Pabalik balik yung tingin niya sakin at sa likod ko. Bigla akong kinabahan at parang ayaw kong tumingin sa likuran ko dahil alam kong may makikita akong hindi kanais nais pero dahil may lahi akong masokista-thank you Mommy Yngrid- pa slow motion akong lumingon. That caught my breath.
BINABASA MO ANG
When LOVE and HATE collide [The Mistress 2] |Complete And Available In DREAME|
Romance[The Mistress 2] story nung anak ni Louie at ni Yngrid. credits to: kutrolman for the book cover so, hindi nagkatuluyan ang mommy ko at ang daddy mo? don't you think we we're destined to be together? kung hindi sila yung para sa isat isa.. tingin m...