Pwidi piro Dipindi

62 3 0
                                    

Pwidi piro Dipindi
jlcamp


Disclaimer: Hindi ko din alam kung saan patungo ang aking kwento. kwento nga ba to o isang basura lang? hindi ko alam kung matutuwa ka sa mababasa mo o hindi.. Pero mukhang hindi kaya wag mo nalang basahin hahaha. Pero kung kasing kulit ka ng ex mo na pilit na bumabalik sayo edi basahin mo! wala namang pumipigil sayo katulad ng pagtanggap mo sa ex mong manloloko!


< Ano nanaman ba ginagawa mo dito?!
<Oo ikaw!!
<Ikaw na muntanga na nakatitig sa binibasa mo!
<Ano bang pake mo sa 'kin?
<Hindi naman kita inaano pero bakit moko inaano ha!??
<Oo tama ang na basa mo hindi ka nag kakamali kasi lagi ka namang tama diba?!
<Kailangan ka ba nagkamali sa buong buhay mo!?
<Simula palang naman ng mga bata tayo lagi nalang ikaw ang gusto ni mama! Lagi nalang ikaw ang paborito ni mama!!
<Apaka yabang mo!
<Kung makautos ka sa 'kin na bumili ng suka at tuyo akala mo pagaari mo ako?
<Akala mo nakalimutan ko ang mga ginawa mo sa 'kin noon?
<Sinabihan kita dati na tatuan mo ako kasi na iingit ako sayo kasi ang ganda ganda ng tattoo mo. Tapos sabi mo sa 'kin mas bagay sa 'kin ang dragon na naka ikot ang position kaya pumayag ako. Ramdam ko sa likuran ko ang hininga mo habang nag pipigil ka ng tawa. Pinicturan mo ang tattoo na ginawa mo sa likod ko tapos pagkakita ko may na pansin ako na parang may langaw na naka guhit sa likod ko pero sabi mo sa 'kin hindi iyon langaw. Excited ako pumasok kinabukasan para ipakita sa mga classmate ko pero nung nakita nila pinagtawanan nila. Hindi naman daw kasi dragon ang ginawa mo kundi TAE!!
<OO TAE!! TAE! TAE! TAE!!
<Hindi lang yun!
<Naalala mo pa yung nag over night tayo kila tita tanseng. Hindi ako makatulog nun kasi akala ko na nanaginip ako na may gumagapang na langgam sa ilong ko. Pilit kong binababa ang ilong ko kasi pakiramdam ko nakataas ang ilong ko. Naalipungatan ako tapos ang bumungad sa 'kin ikaw na halos mamatay sa kakatawa. Agad akong pumunta sa harap ng salamin at nagulat ako sa naging itsura ko. Nilagyan mo ng scratch tape ang ilong ko na nakadikit sa taas ng noo ko!
<Tapos ngayon nakukuha mo pang tumawa!!
<Anong wala e kitang kita na nakangisi ka ngayon habang binabasa mo to at iniimagine ang mga kalokahang ginawa mo sa 'kin!!
<Wait lang masyado na kong nawawala sa unang sinasabi ko!
<Bakit ba ang hilig mo mang ano? Inaano ba kita? Hinayan na nga kitang anohin mo si ano e kahit alam kong masakit para sa 'kin ang mga ginawa mo kay ano! Hindi ka pa na kontento pati si ano inano mo din? Ganyan ka pa talaga?? Ang hilig mong mang ano!! Hindi ka inaano pero ng aano ka!!
<Para sabihin ko sayo hindi tayo mag kapatid!! Kasi malaki ang pinagkaiba natin. Ikaw 100 percent ang sugar level mo sa milktea ako 50 percent lang!
<Para sabihin ko sayo hindi tayo mag kapatid!! Kasi malaki ang pinagkaiba natin. Ang hilig mo pumunta sa birthdayhan tapos magbubulsa ka ng tatlong piraso ng shanghai. Tapos paginalok ka na mag te-take out ka pa! ang kukunin mo ulit yung shanghai! Apaka hampas lupa!!
<Para sabihin ko sayo hindi tayo mag kapatid!! Kasi malaki ang pinagkaiba natin. Ang hilig mong mag liptint kahit naliligo ka sa swimming pool!
<Para sabihin ko sayo hindi tayo mag kapatid!! Kasi malaki ang pinagkaiba natin. Ikaw lang ang kilala ko na naguulan ng spaghetti! Kakaiba ka din!
<Wag mo ng itanggi! Kasi nakita ko lahat yan na ginagawa mo!!
<Pero alam mo naaawa din ako sayo kasi kahit ayaw pa din sayo ng taong gusto mo ay tinetext mo at chinachat mo pa din. Tanga ka ba!?
<Pero alam mo naaawa din ako sayo kasi kahit masaya siya sa tropa mo nakukuha mo pa din siyang titigan. Kahit na asar na asar ka sa kaartihan ng tropa mo. Hayaan mo na yun 150 naman baon mo sa skul!
<Pero alam mo naaawa din ako sayo kasi Isang pasuyo lang niya sayo ay nawawala lahat ng sakit na naramdaman mo. Ganun lang talaga siguro pagmahal at gustong gusto mo ang isang tao no? yung para kang Naniniwala sa score ng videoke kahit ang panget ng boses mo 100 pa din ang score! Ay sorry o sige yung boses nalang ng tropa mo na dun may gusto ang taong gusto mo! Arte mo din e!
<Pero wag kana magalala. Hayaan mo nalang siya kasi hindi rin naman sila magtatagal nun. Kaya lang naman nagkagusto yun dahil lagi siyang binibilhan ng skin sa ML. ikaw naman kasi ang kuripot mo! skin lang ni layla hindi mo pa ma bilhan!! Kakaloka ka! Mauubos din pera nun kunting tiis lang HAHA!
<Alam mo kung ako sayo magpaganda ka mag sipilyo ka hidni yung isnag araw ka lang mag sisipilyo! Tsaka ang mura ng closeup tsaka ng colgate wag kang magtitiis sa sa 'kin!
<Tapos maligo ka. OO! Maligo ka! Aba nagiisip pa to malamang pagmaliligo ka magsasabon ka din hidni yung magbubuhos ka lang ng tubig sa buo mong katawan!
<Oh! Baka naman magsabon ka lang? syempre maghihilod ka din hindi yung pwde ng gawing uling ang batok mo sa sobrang itim!
<Mag-ayus ka! Kasi naniniwala naman ako sayo na may ganda kang ilalabas. Medyo angat nga lang ang ngipin mo pero gawin mo nalang asset yan HAHA!
<Tawa ka diyan! Totoo ang sinasabi ko!!
<Ano ba yan bakit mo pa ba binabasa tong sulat ko na wala naman kakwenta kwenta!!
<Oh nakita ko ang ginawa mo! Iniscroll down mo ang taas ng phone mo para tignan kung may notif na chat or text na galing sa kanya?? HAHA. Hayaan mo na muna busy pa siya kay bes
<Oo kay bessssssss. Alam mo ba kung sino nanay ni Besssss?? Si Medusa. Kawawa ka naman ngayon mo lang nalaman na yun ang magulang ni bessss. Tignan mo itsura ni medusa sa google maraming ahas sa buhok niya. Kaya nga ang mga beesss natin ay mga kulot kung hindi naman kulot mga naka liptint na pula
<Oh mamaya mo na tignan sa google!
<Wait lang anong oras na pala??
<Ang tagal mo naman tumingin sa orasan. Bilisan mo nga baka kasi uuwi na si baby mo. Uuwi sa ibang bahay HAHAHA!
<Kalma wag kang mapikon hayaan mo na yun. Alam mo kung para sayo talaga siya para sayo!
<Alam mo sabi ni paginiwan daw tayo ng mahal natin hayaan natin kasi pag once na bumalik sila forever na yun. Tsaka kung madumi ka man tignan pero isipin mo malinis ka naman magmahal.
<Hindi ko na alam kung paano ko tatapusin tong kabalbalan ko.
<hhmm????
<May naisip ko sige kanta nalang tayo para masiyahan ka naman masyado kana kasing tahimik diyan akala mo naman maganda ka. Maputi ka lang pero pagpinaitim ka mukha kang undin HAHAHA charot lang syempre tropa tayo!
<Masingit ko lang bakit ganun yung tropa mo. Pagsamalayuan ang panget niya pero nung unti unti siyang lumalapit sa 'kin panget pa din siya??? Bakit kaya??
A) dahil panget siya?
B)Hindi lang tumugma itsura niya sa mukha niya?
C) gwapo naman talaga siya pero nung pinagsasama sama na ang mata ilong kilay bibig at labi ay biglang gumulo
D) Lahat ng nabanggit
<Sabi nila pag may "lahat ng nabanggit" yun daw ang tamang sagot!
<Teka teka! Bakit nagkaroon tayo ng exam dito!?
<Alam mo ikaw apaka yabang mo talaga sa tropa mo kahit panget yun ... panget talaga yun HHAHAHA
<Oh sige na kakanta na tayo. Masyado ka ng natutuwa sa 'kin!
<Oo sa 'kin hindi sa mama mo hindi sa papa mo hindi sa kuya mo hindi sa ate mo hindi sa bunso mo at lalong hinding hindi sa kapit bahay niyo na kung makapag videoke ay akala mo maganda ang boses nakakaloka boses kiki naman HAHAHAH!
<Hay!! Ayoko na nga kumanta!! Na badtrip na ko!
<Wag mo na kong tanungin kung bakit!!
<we-wait! May tumatawag sa 'kin sagutin ko lang ha?

.
.
.
.
.
.

<Sorry medyo natagalan ba?
<Makaarte to akala mo naman siya hindi pinaghintay.
<Oo pinaghintay ka lang pero hindi dumating para sayo!
<Wag ka kasing maniniwala sa mga sinasabi niya.
<Anong sabi niya sayo? Ikaw lang daw ang taong mamahalin niya? HAHA kaya para ang dami niyang minahal pati tropa mo oopssszz??! Sorry HAHA!
<Anong sabi niya sayo? Ikaw na ang poreber niya? Dapat nilinaw mo baka naman kasi poreber EX! Hahaha!
<Tsaka may sinabi pa siya sayo dati diba? Yuuuuung??? Hindi ka daw niya iiwan yung papasiyahin ka niya at hindi papahirapan.
<Pero tignan mo umabot kayo sa punto na parehas kayong nahihirapan.
<How sad!
<Kaya sabi ko naman sayo na wag na wag kang maniniwala sa mga sinasabi niya.
<Ikaw naman kasi kaunting kanta niya lang, kaunting ngiti, kaunting suyo at kaunting kindat nadadala ka agad
<Okay okay mahal na kung mahal.
<Palibhasa pokmaru ka
<Oo MARUPOK KA!!
<Ay wait lang ulit may kumakatok lang.
<Hintayin mo ko diyan tutal sanay ka naman maghintay e HAHA

.
.
.
.
.
.
.

<Oh paano ba yan mamaya nalang ulit dumating na kasi si baby ko
<CHE!!!!

PWIDI PIRO DIPINDIWhere stories live. Discover now