Prologue

501 15 2
  • Dedicated kay Shakira Chan
                                    

 "hahahaha! Tang Ina ka! Ano ka ngayon! Wala ka ng kwenta! hahaha!" Pagkasabi niya nun sinipa niya ako sa mukha at tinapakan ito..

"Mamatay ka na!"itinutok niya sa ulo ko ang kanyang baril sabay dura sa mukha ko..

"Wag!" Sigaw naman ng isa nilang kasamahan...

Napatingin tuloy ang babaeng dumura sa mukha ko dahil sa narinig niya...

"At BAkit naman ha??!" Sabay dutdot ng baril niya sa aking bunbunan ko..

"Kumakampi ka pa rin sa Bwiset na to" Sabay pukpok ng baril sa noo ko....

Naramdaman kong lalong tumagaas ang dugo sa ulo kong kanina pa dumudugo..

"Hindi, hayaan natin siyang mamatay diyan katulad ng nakasanayang pagpatay ng pamilya nila sa pamilya natin, pagkatapos pahirapan, hinahayaang mamatay sa sakit ng pagkakabugbog at kainin ng mga hayop sa gubat ang katawan" walang emosyong sabi niya...

Kahit na hindi ko na halos maidilat pa ang aking mga mata nakikita kong sa kalma ng kanyang tinig, umaapoy naman ang kanyang mga mata sa galit..

"HAHHAHAHAHAHA!! TAMA-TAMA!!!!! Parang nababaliw na tawa ng babaeng kanina pa nananakit sa akin..

Naramdaman ko na lamang ang paghila niya sa aking buhok..

"Narinig mo yun, gagayahin namin ang estilo ng mga ninuno mo sa pagpatay at Sa wakas makakaganti na kami sa angkan ninyo!!! Akala ko pa naman malakas kayo pero tingnan mo nga naman Ikaw pa pala ang magpapabagsak sa nakasanayan ninyo!!!" Nanggigil na sabi niya sakin sabay hagis sa akin sa lupa

Napakasakit na ng katawan ko.. halos hindi na makilala ang aking mukha at malapit na akong mamatay

Pero nananatili pa rin akong buhay sapagkat sa dami ng aking dinanas ang isang katulad ko ay di pinapayagang mamatay ng ganun-ganun na lamang..

Narinig ko na lamang ang mga yabag nila na lumalayo sa aking kinaroroonan pero narinig ko rin ang pag-hinto ng isa nilang kasamahan

"Saglit lang, ito pa pala para sa huling pamamaalam Master Demon" Nakarinig akong putok ng baril at dali-dali naman itong tumama sa aking likuran

Nakarinig ako ng panibagong halak-hakan at tuluyang narinig ang paghina ng pagyabag ng kanilang mga paa na lumalayo sa kinaroroonan ko..

Naikuyom ko na lamang ang aking mga kamay sa mga damo dito sa lugar na hindi ko alam kung saan..

Kalunos-lunos, yan ang itsura ko ngayon, ang malakas at tinitingalang pinuno ng iba't-ibang organisasyon ngayo'y hinang-hina at nasa bingit na ng kamatayan..

Hindi na makilala ang aking itsura at halos namahay ang maraming bala sa aking katawan..

Nabigo kong muli ang aking ama.. Naramdaman ko ang pag-agos ng mga luha na hindi ko naramdamang lumabas ng binubugbog nila ako kanina..

" Wala kang Kwenta! mamatay ka na!" Narinig kong muli ang mga salitang iyon ng aking ama sa aking isipan..

Nabuhay ako ng mahina at walang silbing anak, pinahirapan upang lumakas, ngunit ngayo'y naka-handusay at nanghihina..

Wala akong kwenta!! Bakit hindi na lamang ako namatay ng ako'y maisilang!! Kahihiyan na lamang lagi ang inaambag ko sa aming pamilya.

Nakarinig akong muli ng mga yabag papalapit sa akin..

Mukhang  bumalik sila para tuluyan ako .. Tama lang yan, nararapat lamang sa akin ang mamatay

Huminto ang mga yabag sa harapan ko..

"A-ano...P-pa-pata-y-ii-in n-i-yo n-na b-ba a-ako?" kahit nanghihina nagawa ko pa ring itanong sa bagong dating na estranghero ang maaring nilang gawin sa akin..

"Kaawa-awa, pinalaki kang isang Demon pero ngayo'y malapit ka ng mamatay at masunog sa impyerno, kahihiyan ka sa iyong pamilya" isang malamig na tinig ng isang lalaki ang aking narinig..

Kung tama ako, hindi siya kasama sa mga bumugbog sa akin kanina...

"Ngunit hindi ka maaring mamatay sapagkat ipinangako ka sa akin ng iyong ama, ibenenta ang iyong kaluluwa para sa akin at sa inyong organisasyon" pagpapatuloy niya

Nais ko sanang magtanong sa kanya kung ano ang kanyang mga sinsabi sapagkat hindi ko maintindihan ang mga iyon ngunit hindi ko magawa  dahil namamanhid na ang aking katawan..

"Ikaw ang aking premyo sa laro nila ng aking ama at di ko hahayaang mawala na lamang ang aking mapapanga-sawa" naramdaman ko ang kanyang malalamig na kamay sa aking mukha at pinunasan ang aking mga luha..

Pinilit kong aninagin ang kanyang itsura ngunit hindi na kaya pa ng aking mga mata..

"Nais mo pa bang mabuhay upang mabigyan ng hustisya ang nangyari sa iyo?" tanong niya sa akin..

Sa huling pagkakataon ay na-igalaw ko ang aking ulo upang sumag-ayon sa sinabi niya..

"Magaling, kung gayon ay pirmahan mo ang ating kontrata gamit ang iyong dugo, Sa pagsapit ng kabilugan ng buwan ay mapapasaakin ka, iaalay mo ang iyong dugo upang ako'y magkaroon ng katawang tao at maggawa ang nakasulat sa kontrata, Sa aking pagiging tao ay bibigyan mo ako ng anak upang maipagpatuloy ang inyong lahi at ang inyong habang-buhay na pamumuno sa lupa"

Dahan-dahan kong iniangat ang aking kamay na punong-puno ng dugo mula sa aking pagkakabugbog at himalang naiangat ko ito kahit na ramdam ko na sa akin katawan ay di ko na kayang igalaw ang aking katawan..

Sa paglapat  ng aking kamay sa malamig na papel sa aking harapan kasabay kong naramdaman ang panghihina ng aking katawan at ang pagpikit ng aking mga mata...

------------------------

Demon Meets A Real Demon (Heal Contract)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon