Chapter 13

89 4 0
                                    

Agad na naglingunan ang mga tao sa hapagkainan ng pumasok ako.

Nagsitayuan silang lahat at sabay-sabay na yumukod sa akin. 



 "Magandang Umaga, Mahal na Demon" bati nila sabay-sabay sa akin.

Pagkaupo ko ay tsaka lamang sila umupo sa kanilang upuan.

Agad na lumapit ang mga katulong upang ayusin ang aking kakainan.

Nang matapos na sila sa paghahanda ay yumukod sila sa akin at sabay-sabay na umalis. 


 "Kaya pala kakaiba ang nararamdaman kong katahimikan, kayo pala ang dahilan." 


 Nakarinig ako ng isang lalaking umubo at buong tapang siyang tumayo at lumapit sa akin.

"Kung gayon ako na ang unang magpapakilala" hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito.

"Binibining Zhyra ako si Aczib Mikael Richwell ang inyong lingkod sa kontinente ng Australia handa akong maging iyong lingkod habang buhay kung nanaisin mo" 


sabay ngiti ng pagkatamis-tamis sa akin.

Bigla na lamang may umagaw ng aking kamay mula kay Aczib.

"Huwag kang papaloko sa isang mahinang Australyanong iyan Mahal kong Zhyra, naririto ang iyong abang lingkod na galing sa kontinente ng antartica. Ipinagmamalaki kong ipakilala ang aking sarili, Rage Boaz Ruthless" sabay halik sa aking kamay. 


 "Tama na ang kalokohang iyan" Napalingon ang dalawa sa lalaking nakaupo sa dulo ng lamesa. 


"Tss.. Eto na naman siya." Bulong ni Aczib.


 Bumalik naman sa pagkakaupo ang dalawa kaya nagpatuloy sa pagsasalita ang lalaki. 


 "Patawarin niyo ang kapangahasan ng aking mga kamag-anakan sa ibang kontinente.Ako nga pala si Mesac Sebastian Lee ang tagapagmana ng kontinenteng Asia." 


Sabay ngiti niya sa akin.

"Kung makapagsalita ka akala mo hindi ka katulad nila?" tanong na may halong pangungutya na lalaking nakupo katapat ni Mesac na prenteng umiinom ng kape. 


 "Anong sabi mo?" inis na tanong ni Mesac.

Ibinaba ng lalaki ang kanyang kape at tumingin kay Mesac at ngumiti ng nakaloloko dito.

Nakita kong humigpit ang hawak ni Mesac sa hawak niyang Kutsilyo na tila nagpipigil ng galit.

Lumingon ang lalaki sa akin at magalang na ngumiti at nagpakilala. 


 "Ako ang tagapagmana ng karagatan. Xander Lesias Stoneheart ang iyong tagapaglingkod sa katubigan." Sabay ngiti sa akin ng may katapatan.

Biglang bumukas ang malaking pintuan ang niluwa nito ang isang lalaki. 


 "Nahuli na ba ako?" tanong ng isang malalim na tinig sa kabubukas na pinto.

"Hanggang ngayon ba naman ay palagi ka pa ring nahuhuli sa kahit anong pagpupulong?" Tanong ni Aczib sa kararating na estranghero. 


 "Kailangan ko pa ng tulong ni Azriel upang tapusin na agad ang aking mga gawain" sagot niya sa tanong ni Aczib.

Tsaka ko lang napansin ang seryosong mukha ni Azriel sa kanyang likuran.

Walang sabi-sabing umupo si Azriel sa bakanteng upuan habang ang enstranghero ay umupo katapat niya.

Sinenyasan ko ang aking mga katulong para paglingkuran sila.

Nang matapos silang paglingkuran ay umalis na ang mga ito.


 "Patawarin mo ako mahal na Demon sa aking kapangahasan sa di pagpunta ng tama sa oras. Ako si Prince Zagreb Avalanche ang prinsipe ng Europa." 


Sabay ngiti sa akin.

:"Sa palagay ko ay hindi na kailangang magpakilala ni Azriel sapagkat nauna na siya sa amin dito." Sabay lingon kay Azriel na matamang nakatitig sa akin. 


 "Bakit anim lamang kayo? Pito ang mga kontinente--" nagtatakang tanong ko ngunit nahinto ng biglang magsalita si Azriel. 


 "Sapagkat patay na ang kakambal ko, kami ang representante ng Amerika ngunit ako lna lamang ang natitirang tagapagmana"

Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya na ngayon ay masamang nakatitig kay Zagreb.

Naramdaman ko bigla ang tensyon sa loob ng silid kayat pinutol ko na ito hanggat maari.

Ayokong madumihan ng mga dugo nila ang bahay ko.

"


Sa palagay ko ay umpisahan na natin ang pagkain" 


Nauna akong sumubo at sumunod naman sila.

Napansin kong nakatitig pa rin si Azriel kay Zagreb na parang naghihinala ngunit maya-maya'y kumain na rin siya.

Hindi pa man sila nagtatagal ay nararamdaman ko ng malaking kaguluhan ang gagawin nila sa buhay ko.


 A/N: Next week na lang ang The Assassins ha ^_^ Sorry Baby Blaise babawi Si Mommy Promise ;)

Vote and Comment ?

-ManagerEl- 

Demon Meets A Real Demon (Heal Contract)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon