Chapter 12

84 4 0
                                    

Tumungo na ako sa sala at nakita ang aking ama na nakaupo sa isang sofa. 


 Umupo ako sa katapat nitong upuan at tumabi naman sa akin si Azriel. 


 "Magsalita ka na" sabi ng aking ama habang nakasalikop ang mga kamay.

"Andirito ako upang tanggapin ang inyong hamon" sinabi niya ito habang may nakakalokong ngiti sa kanyang mukha.

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi ni Azriel kayat tiningnan ko ang aking ama. 


 Nakita kong kumunot ang noo niya na tila nag-iisip.

Maya-maya ay dumagungdong ang kanyang halakhak sa lahat ng sulok ng Mansion. 


 "Hindi ako makapaniwala—Hahaha! Napakatagal na ng ilabas ang balitang iyon sa pitong kontinente nagkaroon na ng digmaan ngunit naalala pa rin ng iyong pamilya ang bagay na iyon."

Matagal na panahon ko na ring di nakikitang tumatawa ang aking ama.

Pero wala akong alam tungkol sa bagay na pinag-uusapan nila.

Biglang sumeryoso ang mukha ng aking ama at tumingin ng diretso kay Azriel.


 "Ngayon alam ko na kung bakit itinago ka nila ng mamatay ang iyong kapatid. Panigurado kinabukasan kapag nabalitaan ito ng ibang kontinente ay ipapadala na nila dito ang kanilang mga tagapagmana." 


 Pagkatapos kay Azriel ay tumingin siya sa akin.

"Patawarin mo ako sapagkat ngayon ko lamang sasabihin sayo ito. Simula ng malaman nilang isang babae ang aking anak na mamumuno ay hindi pumayag ang ibang pinuno sa pitong kontinente. Ninais nilang ang mga anak nila ang pumalit sa pwesto ngunit hindi ako papayag sa nais nila kayat binigyan namin ng pitong inbitasyon ang mga tagapagmana ng pitong kontinente para sa isang malakihang pagtutunggali upang makuha ang puso mo at ipakasal sila sayo."


 Sinabi iyon ng aking ama habang tumititig sa aking mga mata. 


 Tumitig din ako sa kanya at naghihintay pa ng mga susunod niyang sasabihin.

Iniayos ng aking ama ang kanyang Neck Tie at ipinagpatuloy ang pagsasalita. 


 "Nang matanggap nila ang sulat ay agad na naghanda ang lahat at nauna ang kontinente ng hilaga at timog amerika. Ipinadala nila ang kanilang panganay na anak at isusunod na dapat nila ang kanilang bunsong anak ng tambangan sila ng mga di kilala at armadong lalaki, namatay ang panganay nilang anak at ang batang Arrow lamang ang nailigtas nila. Simula noon ay kinalimutan na ang kompetisyong iyon at itinago nila ang pagkatao ng kanilang bunsong anak. Hindi ko inaasahang matutuloy pa rin ang kompetisyong iyon."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at aalis na sana ng muli siyang magsalita. 


 "Wala kang karapatang talikuran ako!" bulyaw ng aking ama.

Iniangat ko ang aking ulo at ngumiti ng nakakaloko.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.


"Ikaw ang nagturo sa akin na kapag wala ng saysay at hindi dapat kausapin ang isang tao ay may karapatan kang layasan sila" 


 "Walang galang! Anong karapatan mong talikuran ang iyong sariling ama!" namumula na siya sa galit ngayon dahilan upang lalo kong lakihan ang ngiti sa aking mga labi.


"Wala akong ama. Nasa teritoryo kita kaya't kahit ikaw pa ang lucifer ay gagawin ko ang nais ko. Nagdesisyon kayo ng hindi sinasabi sa akin kayat huwag ka ng umasa na gagalangin pa kita. Ang isang Demon ay hindi natatakot sa kahit kanino hindi ba?" binura ko ang ngiti sa aking mga labi at seryosong tinitigan siya. 

 "Mhia at Lyndon ihatid si Azriel sa kwarto ng mga bisita pagsapit ng umaga ay may darating pang anim na panauhin kayo na ang bahala sa kanila." 


pagkatapos kong sabihin iyon ay umakyat na ako upang magpahinga. 


 Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ko na sabihin iyon sa aking ama pero isang bagay lang ang ayoko sa lahat, ang pinapakielaman ang buhay ko ng kahit sino. 


Pagkagising ko sa umaga ay agad akong nag-ayos upang maghandang kumain ng agahan. 


Nakapagtataka ng dumaan ako sa pasilyo ng Mansion ay masyadong tahimik parang may mali.

Alam kong ako lang at ang mga tauhan ko ang nadirito sa aking tahanan pero kakaibang katahimikan ang naririnig ko. 


 Nang ako ay bumaba sa hagdanan ay lalong bumigat ang aking nararamdaman tila ba may nagbabadyang kaguluhan.

Naglakad ako patungong dining area at yumukod ang aking dalawang tauhan na nagbabantay doon at binuksan ang malaking pinto.

Tsaka ko lamang nakumpirma kung ano ba talaga ang nangyayari. 






 A/N: Yehey!! ^O^ Gera na!! Hahaha! Masaya tong Next Chapters Promise ^O^ Makikilala niyo na ang --- Pfft—spoiler si Author! Haha! Please Read my Other stories too! Vote and Comment ;)

-ManagerEl-

Demon Meets A Real Demon (Heal Contract)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon