Elle Cesters

1 0 0
                                    

Transferred student. Balita namin, palipat-lipat talaga siya ng school. Baka siguro basagulera pero, ewan ko. Wala din naman akong pakialam.

Ang gusto ko, makuha ko ang first place sa klaseng ito. Gusto kong maging valedictorian at wala akong pakialam kung sino man yang Elle Cesters na yan.

Bukambibig siya ng mga lalaki sa classroom.

"Ang aga-aga niyong mag-ingay."

Nakayuko ako sa desk ko. Ayaw kong makipag-usap pero itong Stephen na 'to, daldal nang daldal. Kung hindi ko lang 'to kaibigan, eh

"Kasi p're, ang ganda talaga nung bagong transferee." Sagot niya.

"Hindi ako maniniwala hangga't di ko nakikita. At kahit maganda pa siya, walang maganda sakin kundi ang mama ko."

"Psh. Mama's boy. Pero, yun nga p're eh. Hawig siya ng mama mo nung mas bata siya."

Napatingala ako. "Wala akong pake." Kamukha ni mama? Tss. Biglang nagkaroon ng commotion sa classroom.

"Ayan na, ayan naaa!" Mukhang excited ang tukmol.

"Class, good morning." Bati ni Sr. Valdez.

"Good morning." Sagot namin. Nag-ayos na ako ng gamit dahil medyo gulo-gulo pa ang desk ko. Andami kong libro.

"Ano yan?" Tanong ni Stephen.

"Crypto book. 'Di mo maiintindihan 'to." Pabiro kong asar sa kanya.

"Obob, alam kong cryptography book yan. Ang ibig kong sabihin, 'yang nakaipit sa book mo. Ticket ba 'yan?" Sabay nguso sa nakaipit sa libro ko.

"Oo, sa journalism seminar ni mama."

"Ahhh." Pagtango niya.

"Tapos na kayo mag-usap, Kyle?" Sabad ni Sr. Valdez.

"Ay, yes po, Sir." Sagot ko.

"So, going back, as what I have mentioned yesterday, there will be a new student in our class. Step inside, Ija."

Pumasok na nga ang transferee student and to my surprise, kamukha nga ni mama. What? Siguro masungit 'to? Masungit si mama eh.

"Hello! I am Elle Cesters." She smiled. Okay, mukhang 'di siya masungit. Mmm, we'll see. And ayun na nga, andami nilang tanong kay Elle. Kano daw ba sya? Saan daw siya nakatira? May boyfriend na daw ba siya?

"Mga baliw." Bulong ko. 

Napatingin ako sa kanan ko nang makita kong nakanganga si Stephen. Haha, kahit kailan talaga.

"Take a sit at the back of Stephen. Stephen!"

"Sir, yes. Dito ka sa likod ko, Elle." Dali-daling lumapit si Stephen para kunin ang gamit ni Elle. "Andami mo namang dala. Haha." Bati nito.

"Hahaha sorry, excited kasi akong pumasok dito." Sagot niya.

Nang makaupo na si Elle ay tumingin sakin si Stephen nang nakangisi.

"Baliw."

"Okay, class. So, ilabas niyo na ang assignments ninyo. Elle, kunin mo muna yung librong ibinigay ko sayo kahapon." Utos ni Sr. Valdez.

"Okay po."

***

"Ay, oo nga pala, ngayon yung exam sa Philosophy. 'Di ako nakapagreview." Bigla kong naalala.

"Hala, oo nga!" Bulalas ni Stephen.

Kinuha ko kaagad ang libro ko. Napatingin ako kay Elle. Mukhang mabait naman siya dahil nakakakwentuhan na niya ang mga kaklase namin. Hmm, siguro dahil maganda siya kaya siya kaagad napansin.

"Bakit?" Tanong niya. Nagising ako sa ulirat ko.

Napatingin ako sa likod ko. "Ako ba?" Para sure.

Tumango siya.

"Wala naman. Naisip ko lang kung magtetake ka din ng exam sa Philosophy."

"Ha? May exam ngayon?" Tanong niya.

"Oo, eh. Sige, magrereview pa ako." Binuklat ko na ang notes at libro ko para makapagsimula.

"May exam pala ngayon. Anong topic daw ba?" Tanong niya sa mga kadaldalan niya. Kebago-bago, madaldal.

***

"Magandang umaga." Bati ni Mrs. Diaz.

Walang sumagot.

"Magandang umaga din po, Ma'am!" Sagot ni Elle.

"Busy 'ata magreview ang mga kaklase mo kaya 'di nila napansing may tao sa harap. Salamat sa pagbati. Siguro, ikaw ang transferee student dito?"

"Opo."

"Mainam. Magtetake ka din ng exam." Napatingin ako may Elle.

"Po?" Gulat nitong sagot.

"Sabi ko, mageexam ka din kagaya nila. Wag kang mag-alala, 'di ko imemerit ang score mo. Gusto ko lang malaman kung may natutunan ka sa previous school mo."

"Ahh, sige po." Pagtango niya.

"Tutal, mukhang lahat naman 'ata ay nakapagreview na, itago niyo na ang notes niyo at magsisimula na tayo. Get one and pass to the back."

Tumingin ako kay Stephen. Namumutla siya. Tumingin din ako sa second honor namin, si Kim. Mukhang nakapagreview siya. Huli, napatingin ako kay Elle. Nagsasagot na siya. Mmm, tutal 'di naman counted yung results ng exam niya, siguro, 'di na niya seseryosohin.

***

"Okay, exchange papers."

Kapalitan ko si Kim na nasa harapan ko lang at si Stephen naman, kapalitan si Elle. Naexcite ako sa results. Sino kayang makakaperfect? Mukhang mahirap ang exam pero, kaya ko naman.

Isinulat na ni Mrs. Diaz ang key-to-correction. Maya maya lang ay nagsisimula nang mag-ingay ang klase dahil isa-isa naming narirealize ang lahat ng mga maling sagot namin.

"Okay, since tapos na ang exam. Ipasa niyo sa akin ang papers na nakakuha ng 0..." Nagsimula nang magbilang si Mrs. Diaz.

"97?" Tumayo ang kaklase ko mula sa likod. Ohh, wow, 97 ako? Nice. Haha, as usual, ako na naman ang highest.

"Very good, Mr. Miranda." Tumango ako.

"So, I guess, wala nang natitirang papel?" Itinaas ni Ma'am ang mga papers.

"Wait po, Ma'am!" Tumayo si Jerome mula sa likuran. "Yung kay Ms. Cesters pa po!"

"Ikaw talaga, Jerome, you are not actively listening. Anong score niyan?"

"99 po." What??

"Sure ka?" Nabigla din si Mrs. Diaz. "Kindly double-check, Kim. Inabot ni Ma'am ang test paper ni Elle kay Kim. Napatingin ako kay Elle. Nakayuko sa desk.

"Ma'am, mali po ang check ni Jerome." Tss. Sabi na. Haha, ako pa din ang highest.

"Sabi na, eh. Anong totoong score?"

"100 po."

"Wow! Where's Ms. Cesters?" Tawag ni Mrs. Diaz kay Elle.

Napatingala si Elle mula sa pagkakaidlip.

"Sorry po, Ma'am. Ano po yun?"

"Why are you sleeping?"

"Eh, ma'am, sorry po. I took a medicine before going here. 'Di po pala non-drowsy."

"Are you not feeling well?"

"Medyo po, ma'am."

"You're doing really good considering your state. You perfected the exam."

"Ahh, opo. Nabasa ko na po kasi 'yan."

"Oh. Opo. Your reference to the exam po kasi is the book my mother gifted to me when I was 7." She smiled. Kaya pala.

"Surprising." Napangiti si Mrs. Diaz. "Okay, no more papers?"

"None." Sagot naming lahat.

So, mukhang may kalaban na ako sa klase ngayon. Tumingin uli ako kay Elle. Natutulog siya uli. I smirked. You're just lucky today.

***

The Secrets of Elle CestersWhere stories live. Discover now