Idinededicate ko po ito kay miss BLACKLILY since gustong gusto ko ang iba nyang gawa lalo na ang greenminded at diary ni jeannie paolo hoho..:D sana mabasa nya at bigyan nya ako ng message kung pwede na ito ahihi! :D
+++
"The Filipino International Actor Roman Mercado is finally back from US!"
Biglang nagliwanag ang mukha ni Karen ng mabasa ang nakasulat sa front page ng dyaryong hawak nya. Ngunit hindi nagtagal ay unti-unti ring bumagsak ang kaniyang mga balikat ng patuloy nya itong binasa.
"At exactly 10 o'clock last night when Roman Mercado and her rumored fiancee Julia Candida arrived from US and... "
Hindi na nya binasa pa ang mga kasunod na letra at animong naubusan ng lakas ang kanyang mga braso na naibagsak niya ang dyaryong hawak. Hanggang sa hindi na nya namalayan ang malayang pag'agos ng mga luha mula sa kanyang mga mata.
+++
12 years ago
"Oman san ba tayo pupunta?" Aniya habang halos matalisod na dahil sa pagkakahila sa kanya ni Roman.
Gabi na at madilim pa sa lugar na pinagdalhan sa kanya ni Roman kaya naman kinakabahan sya at natatakot.
Kung hindi lamang nya ito kasama siguro'y umiyak na sya sa sobrang takot.
"Basta malapit na tayo." Anito habang patulo'y pa rin sa pagtakbo habang hawak ang kamay nya.
Labindalawang taong gulang siya ng mga panahon na iyon at si Roman naman ay labinglima. Pareho sila ng pinapasukang paaralan, first year sya at third year naman ito.
Matagal na nya itong crush simula pa lang ng elementarya pa sila. Gwapo at malakas ang dating nito kaya naman sikat sa kanilang eskwela.
Nang makagraduate ito sa elementarya ay matagal din nyang hinintay na makagraduate sya para muli nya itong makasama sa eskwela kahit bilang schoolmate lang ay ayos na sa kanya. Kaya naman ng pansinin sya nito at ligawan ay hindi na nya hinintay pa na mainip ito. Matapos lang ang isang linggong panliligaw ay sinagot na nya ito.
Ilang buwan na ring sila.
Alam nya na masyado pa syang bata sa edad na labingdalawa pero gustong gusto nya talaga si Roman kaya naman nakipagsapalaran sya.
"Roman ang dilim dito." Bulong nya dito sa pagitan ng mabilis na paghinga matapos nilang huminto sa pagtakbo.
"Mamaya liliwanag din." Anito saka niya naaninag ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin nito.
Nakaramdam sya ng kapanatagan nang makita nya itong ngumiti kaya naman napangiti na rin sya.
"Teka nasaan ba tayo?" Tanong nya. Napansin kasi nya na parang medyo mapuno sa lugar na kinaroroonan nila.
BINABASA MO ANG
Too Young (Warning: For Adults Only)
Romance(Warning: For Adults Only) Masyado po itong bukas para sa mga murang pag-iisip.. :)) May BS po ito kaya kung bata pa po kayo wag na basahin. kayo din haha! ~Juana B.