+++
"Bakit ka tumayo? Maayos na ba ang pakiramdam mo?"
Nagulat sya ng magsalita ito.
Marunong itong magtagalog at malinaw ang bawat salitang binigkas nito.
Nakakapagtaka dahil sa hitsura nito ay sigurado syang isa itong banyaga.
Blonde ang buhok nito, ang kulay ng kutis nito pati ang mata nito na magkahalong asul at berde ang kulay nagpapatunay na isa itong amerikano kaya nakakapagtakang nakapagsasalita ito ng kasing diretso ng salita ng isang pilipino?
"Ah, mukhang nagulat ka. I used to live here in the Philippines since I was a child the reason why I can speak straight tagalog." Anito saka ngumiti.
"Ah eh pasensya na hindi lang ako makapaniwala.Hindi ka kasi mukhang taga rito sa Pilipinas. Kung ganon pala ay nakakaintindi ka rin ng tagalog."
"Yep!" Nakangiti pa ring sagot nito.
Kanina ay hindi sya komportable ng makita ito ngunit ang mga ngiti nito ay nagsasabing isa itong mabuting tao.
"Ah eh nasaan ba ako ngayon? At saka sino ka nga pala? Paano ako napunta dito?" sunod-sunod nyang tanong kahit medyo nag-aalinlangan..
"Bahay ko ito. Nakita kasi kita kanina sa labas na walang malay kaya dinala kita dito since katabi lang naman ng unit ko ang tapat na unit kung saan kita nakita. Sana ay huwag mong masamain ang pagtulong ko. Anyway my name is Mario. Ano nga pala ang nangyari sayo, bakit ka nawalan ng malay?" Anito saka inilahad ang kamay.
Nag-alangan syang makipagkamay dito ngunit tinanggap nya na rin bilang pasasalamat sa kabutihan nito. Pero hindi nya sasagutin ang huling tinanong nito.
"Salamat sa tulong mo Mario. Kailangan ko ng umalis. Ayoko ng abalahin ka pa."
"Pero, hindi mo kailangan pilitin ang sarili mo, napansin kong nanghihina ka pa. Magpahinga ka muna hanggang sa lumakas ka."
Sa pagsasalita nito ay ramdam nya na totoo ang pag-aalala nito, pero ayaw nya na itong abalahin pa. Sapat na ang pagtulong nito sa kanya kanina.
"Hindi na kailangan, kaya ko na ang sarili ko."
"Kung ganon ay ihahatid na lang kita sa uuwian mo."
"Malayo pa ang uuwian ko kaya huwag ka na sanang mag-abala pa. Salamat na lang."
Wala pa syang balak umuwi ng probinsya ngunit kailangan nyang magsinungaling upang hindi na ito mangulit pa.
"Pero kung malayo talaga ay mas lalong dapat na ihatid kita. Hindi ako matatahimik kung hahayaan lang kita na umalis mag-isa."
Napakabuti nito. Mabuti nalang at ito ang nakakita sa kanya. Pero ang kulit nito, sana pala ay di na nya sinabing malayo ang uuwian nya ngunit di na nya pwedeng bawiin pa ang sinabi.
"Salamat nalang pero hindi ko matatanggap ang alok mo." Aniya.
"Kung ganon ay wala akong magagawa kundi pagbigyan ang gusto mo pero sana kumain ka muna bago ka umalis. Feel free to use my room while I'm preparing our food."
Wala syang nagawa kundi pagbigyan ito.
Kailangan nyang makaalis kaagad at maghanap ng pwede nyang matirhan pansamantala.
Wala syang balak umuwi hanggat hindi sya natatandaan ni Roman. Babawiin nya ito. Hindi sya makakapayag na mawala ito sa kanya ng ganun ganun na lang.
Nang makaalis si Mario ay bumalik sya sa loob ng kwarto para kuhanin ang dalang bag na naglalaman ng ilan nyang mga gamit.
Pero hindi nya ito makita.
BINABASA MO ANG
Too Young (Warning: For Adults Only)
Romance(Warning: For Adults Only) Masyado po itong bukas para sa mga murang pag-iisip.. :)) May BS po ito kaya kung bata pa po kayo wag na basahin. kayo din haha! ~Juana B.