Chapter 1

24 2 0
                                        

this is it guys enjoy reading wait teka lang asan welcome ko heheh? Chour!

Michaella P.O.V
"GULAY KAYO DYAN!! SITAW!PETSAY NALANG!!"

malakas na sigaw ko habang naglalakad sa kabilang bayan napapaos na ako pero keri lang para makapunta na ako sa bahay ng aking ina tiyak na hindi ko na magagawa pa ito pag nahanap ko na ang ina ko.Mayroon akong nanay na mayaman yan ang kwento sakin ni itay noon.maliit pa lamang ako iniwan niya na kami ni itay dahil nag asawa ito ng lalaking mayaman kung kaya't naiwan kami sa probinsya ni itay.

Nagsisikap akong mag ipon upang makapunta ako sa kinaroroonan ni ina dahil malala na ang sakit ng itay kailangan namin ng pera kung kaya't nag sisipag ako trabaho sa umaga papasok ako ng hapon hirap ano? ganyan talaga buhay namin dito sa probinsya

"MICHA DITO!!"

lumingon lingon ako at tiningnan kung sino yun na agad ko namang natanaw si Aling Linda na syang aking suki halos araw araw pinapakyaw nya ang paninda ko

"Oh Aling Linda ikaw pala iyan oh ano po ang inyong bibilhin sitaw nalang po at petsay ang nandito" sambit ko habang papalapit sa kaniya na tama lang ang lakas para marinig niya

"Yung petsay lang 2 lang pang laga ko sa karne " aniya nya

"Ay siya oh ari na ho masarap nga ho yan panlaga 10 lang isa Aling Linda"

ibinigay niya sakin ang 20 pesos at ibinigay ko naman sa kanya yung dalwang petsay na naka silid na sa plastik

"Oh sya Micha tama na yang pag tratrabaho mo isang oras nalang at ikaw ay papasok na " paalala niya

"Oo nga po sige po uubusin ko lang ho aring paninda ko at ako po ay uuwi na para tignan ang kalagayan ni itay at para makapaghanda na pumasok "

sandali lang akong nakipag paalam ke Aling Linda at sa mga lumipas na oras naubos paninda ko 30 minutos nalang at magsisimula na klase ko

"Itay andito na ako!"

sigaw ko habang papunta sa sala kung saan nakita kong nakahiga si Itay sa aking tinahing tela na gawa sa damit kong sobrang sikip na

"N-nak k-kain na ayos lang si Itay baka ikaw ay m-mahuli sa klase mo"

paos na paos na sabi ni itay at paubo ubo pa

"Nako Itay sabay na tayo may oras pa naman oh masusubuan pa kita "

"Oh *ubo* siya sige bilisan mo para makapag bihis kana"

sinubuan ko si Itay habang kumakain ako ng tuyo

*at lumipas ang mga oras*

Pagkapasok ko sa paaralan namin sinalubong agad ako ng yakap ng mga kaibigan ko si INGRID at BAKLA (JULLIAN) at humiwalay na sila

"Amoy pawis nanaman ang babaeng ito" ani ni Jullian

"Manahimik ka nga diyan bakla hindi kita pagagayahin sa Math" pananakot ko

"Biro lang! nag tinda ka nanaman ba?" aniya na nakangiti ngunit nairap irap

"Alangan para mahanap ko na si Inay no para mapagamot ko na rin si Itay"

"Oh Ingrid nananahimik ka dyan?" ako

"AY nako sis wag mo pansinin yang babaeng yan hindi lang pinansin ng kanyang iniirog" sabat ni bakla

"Tse!! manahimik ka may regla ako mapapatay kitang bayut ka" mataray na sagot nito sa bakla

"tara na nga nag aaway nanaman kayo pumasok na tayo na tan aw ko na si Ginang Gracia oh"

"Arat na nga mga sis panira talaga kasi tong bayut na to ay porke hindi pinansin ng mga lalaki sa kanto kanina"

sabi ni Ingrid at nag tawanan kaming dalwa habang yung bakla bumubulong bulong lang sa gilid hahah ayaw ko talaga sa mga lalake seryoso kaya nga bakla kaibigan ko eh at babae.

At yun na nga mga sis chapter 1 ko yan sana magustuhan nyo wag nyo kalilimutan mag vote.

-Micah Althea

 MANstury SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon