Chapter 2

14 1 0
                                    

Don't forget to vote ang comment

"GINANG!" muli nanaman taas ng kamay ko bilang pagsagot sa Filipino

"ibang kamay naman" pero walang tumaas kaya kaliwa naman tinaas ko ibang kamay daw eh

"oh siya sige micha ano ang pandiwa"

"ito po ay nagsasaad ng kilos o galaw" masayang sagot ko

"Ano naman ang pang-abay?
oh Micha nanaman" nagsipag yukuan lang mga kaklase ko matapos kung tumaas ng kamay

"oh sige si Micha uli pero bukas may pa quiz ako at hindi na mag quiquiz si Micha perfect na agad siya"
bigla naman nalungkot ang mga kaklase ko nag si ayy pa

"oh eto na Micha ano muli ang pang-abay"

"Ang pang-abay ay nagbibigay turing sa pandiwa,pang-uri o kapwa pang abay "

"Magaling Micha mag usap tayo mamayang tanghalian at paalam na"
seryosong sabi ni Ginang Gracia

"Paalam Gng.Gracia salamat sa inyong pagtuturo" sabay sabay na sabi namin

"Micha pahiram naman ng utak mo sis" malungkot na sabi ni Julliane

"HAHAHHA libro kasi pag aralan mo wag mga lalake" biro ko

"Tsee!" Malanding aniya nya

"Tara na sa canteen kakausapin pa ako ni Gng.Gracia"sambit ko

Kanina rin nagtaka ako kung bakit ako kailangan kausapin ni Gng. pero baka siguro dahil sa quiz tulad ng dati nyang pinapagawa ako yung pinag babasa nya sa unahan para daw lubos na maintindihan ng mga kaklase ko mabilis kasi mag salita yun si Gng..Alam nyo naman sa probinsya mahihirap lang walang tigi-tigisang mga kopya hayss pero masaya....

*paglipas ng mga oras*

"Ikaw ang nangunguna sa aking klase kung kaya't mayroon kang madaming medalya sa araw ng parangalan,may libre rin paaral ngunit sa lugar lamang na ito"

Lubos talaga akong nagulat sa sinabi ni Gng. na may kahalong saya dahil hindi ko na kailangan mag hirap pag hahanap ng pambayad sa papasukan ko sa hayskul.

"TALAGA PO GINANG!?"

"HAHAHAH Kulit mo Micha syempre"

"YEHEYYYYY!! Maraming salamat po!!"masayang ani ko

"Ano ka ba bakit ka magpapasalamat dapat nga eh ako ang magpasalamat eh kasi ikaw lang yung pinaka aktibong estudyante ko"

"Ah sige po Ginang mauna na po ako kayo rin po Ginang magtuturo pa po kayo oh"

Sandali lang ako nakipagpaalam kay Ginang at pumasok na.Tumatalon talon pa habang papasok.Agad ko namang nakita mga kaibigan ko na malungkot tapos ansama ng tingin sakin na syang ikinagulat ko

"Hala ano ginawa ko?" Lalong mas lumalim ang tingin nila yung tipong parang nag kukulay itim .

"Huy ano ba kinakabahan na ako"

"NG DAHIL SAYO--" bigla nalang napahagulgul ng iyak si Ingrid!

"Tama na Ingrid hayaan natin syang hanapin kung bakit tayo nagagalit ngayon" pag papatahan niya kay Ingrid habang nakatingin parin sakin.umalis na silang dalawa bago ko pa pigilan.Nagtataka akong napatingin sa mga kaklase ko na nagtataka rin sa mga nangyari.

Buong hapon ako nag isip nang kung anong nagawa ko sa mga kaibigan ko dahil hindi nila ako pinansin ngayon miski isang tingin lang.Kaya nag taka rin mga guro namin sa mga lumipas na oras sa pagiging inaktibo ko. Ayos lang maging inaktibo dahil araw lang naman pero itong mga kaibigan ko hindi pwedeng pang araw araw na galit kailangan kong ayusin ito ano man ang nagawa ko kay nung naglabasan na hindi ko na matiis hinawakan ko si Jullian sa braso

"Huy ano ba nagawa ko?pasensya na kung ano man yun" sinsero kong sinabi ngunit tinalikuran lang nila ako ni Ingrid

Umuwi nalang ako ng maluha luha dahil sa nangyari saming mag kakaibigan kung bakit naging ganun nalang bigla mas tanggap ko pa yung pagsalitaan nila ako ng masama hindi yung hindi ko na nga alam ang dahilan hindi pa nila ako pinapansin hayss.


Yun lang ulit guys next chapter na HSHSHSH nagustuhan nyo ba? Vote na and thanks sa pag read!!

 MANstury SchoolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon