1

5 0 0
                                    

"Jacob, Gising na" Bulong saakin ni mama habang tinutulak tulak ang aking braso.

"Good morning ma, anong pagkain natin ngayon" Sagot ko naman habang nagiinat ng aking katawan at papatayo.

" Bumaba ka nalang para malaman mo, bilisan mo at baka malate ka pa unang araw na unang araw baka naman mabigyan mo ng bad impression mga professors at classmates mo" ani ni mama habang naka kunot noo.

Agad-agad akong pumuntang banyo upang mag hilamos at magsipilyo.

Paglabas ko ng banyo napansin ko kagad ang amoy ng pagkain kaya dali-daling bumaba para tignan ito.

"Wow! Ma porket first day grabeng paghanda naman ng almusal yan" Sabi ko kay mama habang halata sa aking ngiti ang pagka tuwa sa pagkain.

"Syempre naman, first day ng kaisa-isa kong anak sa pinaka sikat na school sa buong bansa palalagpasin ko ba ito. Sobrang proud kaya ako sayo" Sagot sakin ni mama habang nakangiti.

Nag hain na ng almusal si mama at kumuha ako kaagad ng niluto niyang bacon, itlog, at manok. sabay kuha ng konting sinangag. 

Sabay kami kumain ni mama habang tinitignan ko ang mga notifications ko sa facebook at twitter. 

"Jacob bilisan mo kumain at maligo ka na kagad, tigilan mo na yang kakacellphone at baka malate ka pa" sabi ni mama.

Tinigil ko muna ang kakaphone para kumain at pagtapos ay naligo na rin.

Paglabas ko ng banyo ay nagbihis at nag ayos na ako at naglagay ng isang notebook at dalawang ballpen dahil first day palang naman kaya baka magpapakilala lang sa mga kaklase at mga prof.

"Ma alis na po ako" paalam ko kay mama bago lumabas ng pinto.

Naglakad nalang ako papuntang school dahil malapit lang naman ito sa bahay, napaaga rin kasi ako ng alis dahil sa pagmamadali ni mama, para tipid rin at di na ako gumastos ng pamasahe.

Isa rin kasi sa mga paborito kong bagay ang paglalakad ng magisa mapaumaga man o gabi dahil nararamdaman ko ang simoy ng hangin, tila bang tahimik ang mundo kahit maraming tao at sasakyan sa kapaligiran, hindi ko nalang pinapansin ang mga ito at ginagawang relaxing ang paglalakad, dahil din dito hindi ko na namamalayan ang layo ng nalalakad ko.

"Jacob!" sigaw ng isang pamilyar na boses na papalapit sakin.

Lumingon ako at nakita si Ash, ang kaibigan ko mula pa nung elementary ako at parehas kami ng university na pinapasukan ngayon.

"Ang aga-aga ang ingay mo" Sagot ko sakanya habang pabiro siyang binatukan at ngumiti.

"Tara punta na tayo sa sakayan baka mahirapan pa tayo makahanap ng jeep" sabi niya sakin.

"Wag na maglakad nalang tayo, anong oras palang oh, may isang oras pa tayo maglakad tsaka sayang din pamasahe mapang bibili na rin natin yan ng pagkain mamaya sa labas ng school pag tapos ng klase" sagot ko sakanya.

"Hayz, sige na nga" sagot niya sabay buntong-hininga.

Madali lang naman tong pilitin si Ash kasi tulad ko mahilig kami sa pagkain. Madalas pagkatapos ng klase gumagala kami sabay hanap ng mga street foods at dun namin nauubos ang pera namin. 

"Mukhang mapapasabak tayo ngayon ah" bulong niya sakin.

"Ha, bakit naman" sagot ko.

"Balita ko maraming kainan sa labas ng school eh, masarap daw yung shawarma nila tas mura pa, pati yung kwek-kwek ikaw gagawa ng sarili mong sawsawan pwede ka maglagay ng maraming sibuyas, sili, at pipino. Tapos marami pa daw nakapaligid na iba't ibang pagkain sa labas, alam mo naman yan university natin napakalaki. Ngayon palang tuloy pagkain na naiisip ko gusto ko na kagad maguwian naglalaway na ako." sabi niya habang halatang halata sakanyang mukha ang pagkasabik sa mga pwede namin gawin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Live: EncounterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon