BEST BUDDY

18 2 2
                                    

Ang saya balikan ng mga ala alang masaya tayo. Yung naging magclassmate tayo nung elementary inaaway mo pa nga ako kasi hindi kita kinakausap.

Pinapaiyak mo pa ako kapag hindi kita binibigyan ng baon ko kaya lagi ka tuloy napapagalitan ng teacher natin.

Araw araw mo din kaming Binubully ng mga kaklase natin kaya araw araw din may nagsusumbong na mga magulang.

Hanggang sa mag Highschool tayo iniiwasan kita kasi baka awayin  mo na naman ako pero imbes na awayin mo ako naging malapit tayo sa isat isa hindi ko alam kung bakit pero natutuwa ako kasi nandyan ka tuwing merong nangaaway sa akin at pinagtatanggol mo ako.

Sabay na din tayong  kumain tuwing break time at hinahatid sundo mo rin ako, nililibre mo pa nga ako ng mga chichirya kapag pauwi na tayo.

Sabay tayong nagsisimba pagkatapos gumagala tayo kung saan saan hanggang sa ginagabi na tayo ng uwi kasi hindi natin namamalayan ang oras kaya ikaw kumakausap kila mama at papa para hindi ako pagalitan.

Kumakain tayo ng mga street food sa mga kanto kanto tuwing gabi.

Hanggang sa magcolloge na tayo ganun ka parin sa akin pero lalong lumalum ang pagsasamahan natin.

Naging busy na rin tayo kasi ang daming ginagawa sa school at magkaiba pa ang course natin kaya minsan lang tayo magkita.

Pero kapag nagkakaroon tayo ng oras sa isat isa sinusulit natin kasi kinabukasan magiging abala na naman tayo.

Hanggang sa hindi ko namamalayan unting unti na pala kitang minamahal. Dumating ang birthday ko nagulat ako kasi may pa banner ka pa at ang nakasulat pa doon ay pwede ko po bang ligawan ang anak nyo??napatingin nalang ako kila mama kasi baka magalit pero nagulat ako nung nakita ko silang nakangiti at hindi ko inaakalang sasabihin nila ito oo naman alam naman namin na aalagaan mo ang anak namin at mamahalin gaya ng pagmamahal namin sa kanya sobrang saya ko nun kasi pumayag sila na ligawan mo ako kaya ayun pumayag akong magpaligaw sayo at dahil doon lalo pa natin nakilala ang isat isa katulad na ang paborito mo palang kulay ay pink at takot ka din pala sa ipis tawa talaga ako ng tawa kasi hindi halata sa gwapo mong mukha at makisig mong pangangatawan na takot ka sa ipis.😝

Anim na buwan mo rin akong niligawan kaya nagpasya na akong sagutin ka sa birthday mo. At dumating na nga ang birthday mo nakita ko sa mga mukha mo kung ganu ka kasaya, sobrang saya ko din kasi sa simpleng pagsagot ko sayo ng OO napa ngiti na kita ng bonggang bongga.

Dumaan ang una nating monthsary binigyan mo ako ng kauna unahan teddy bear na natanggap ko. Binigyan din kita ng simpleng sulat, nahiya nga ako kasi ang mahal ng bili mo sa regalo mo sa akin ehh akin simpleng sulat lang pero ang sabi mo sa akin kahit ano pa yan ay tatanggapin ko dahil nagpakahirap ka sa paggawa mo nyan para lang sa akin at ito kaya ang kauna unahan mong ibibigay sa akin natawa ako kasi totoo, sya kasi laging nagbibigay sa akin ng kung ano ano. Dumaan din ang 1st anniversary natin,2nd,3rd at 4th wala ka paring pinagbago.

Hanggang isang araw na ospital ka dahil bigla ka nalang nagcollapse dahil sa pagod dahil sinasabay mo ang pag aaral at pagtratrabaho. Iyak ako ng iyak at nagdarasal na sana gumaling ka na.

Tinupad nga yun ng diyos akala ko masaya na tayo, akala ko hindi ka na babalik pa sa ospital pero hanggang akala lang pala lahat yun kasi pabalik balik ka sa ospital hanggang sa nagstay ka doon at nalaman naming may stage 4 cancer kana pala, nung una hindi ako naniniwala pero yung patagal ng patagal unting unti ka nang nanghihina.

Hindi na rin ako makapafocus sa pagaaral ko kasi iniintindi kita kung kumain ka na ba? Kung na katulog ka ba ng maayo?kung uminom ka na ba ng gamot? Pinanghihinaan na rin kami ng loob pero kapag nakikita ka naming lumalaban, lalaban din kami kasi ikaw nga lumalaban kami din dapat kailangng lumaban.

Patuloy din kaming nagdarasal na sana gumaling ka at malagpasan mo ito. Unting unti ka na ring nanghihina, ang dating makisig na katawan ngayon ay unting unti nang bumibigay. Ang dating malagong buhok ngayon ay nangangalbo na.

Ang mapupulang mga labi ngayon ay namumutla na pero kahit ganun patuloy mo pa rin pinaparamdam ang pagmamahal mo para sa amin

Pero isang araw hindi namin inaakalang susukuan mo kami at iiwan, sabi mo lalaban ka, sabi mo tutuparin pa natin yung mga pangarap natin na magkasama tayong dalawa, sabi mo magpapakasal pa tayo at bubuo ng masayang pamilya?

Sinisi ko ang diyos kasi bakit ikaw pa ang dami daming tao sa mundo bakit ang taong mahal ko pa??  Hanggang sa tinanggap ko nalang ang nangyari sayo dahil lahat ng mga nangyayari sa buhay natin ay may plano ang diyos

Kaya ngayon nandito ako sa iyong harapan magpapaalam sa huling pagkakataon. Mamimiss ko yung mga ngiti mong nagpapasaya sa akin, mga yakap mong nagpaparamdam sa akin na ligtas ako, mga halik mong nagpaparamdam sa akin na mahal na mahal mo ako.

Salamat sa mga ala alang na buo nating dalawa. Mga ala alang nag pasaya sa akin at ala alang nagpalungkot. Salamat dahil pinaramdam mo sa akin kung pano magmahal ng tunay, kung pano umiyak kapag nahihirapan ka na, kung pano tumawa kapag sawa kanang magmokmok. Kahit wala kana patuloy ko paring aalalahanin ang mga ala alang kasama pa kita at kahit wala ka na patuloy pa rin kitang mamahalin.

                                          END






AUTHORS NOTE:

Salamat sa mga readers na nagbasa ng maikli kong kwento ito ang unang paggawa ko ng short story kaya salamat sa nagbasa,nagbabasa at magbabasa palang.

Dito ko din ilalagay ang mga iba kung story sana basahin nyo din ang mga gagawin kong story.
Pero kung ayaw nyong basahin ito please lang WAG MO NANG ITULOY!!!
AYOKO NG BASHER
    Thank you

Don't forget to vote and comments

LABYU ALLLLLL😀😀



COPYRIGHT © 2019 by Ghelai_roswell

This work is COPYRIGHT. No part may be reproduced, copied, scanned, stored in any retrieval system, recorded or transmitted in any form by any means without the prior written permission in the author.

ONE SHOT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon