♥Chapter 1♥ I Think I'm in LOVE!

253 8 0
                                    

CHAPTER 1 ♥ I think I’m in love. ♥

+  CHLOE’S POV +

Lunurin ka pa nila

Wala silang magagawa

Ang sabi mo ika'y sirena

Kahit na ano pa ang gusto mo basta wala ka bang tinapatapakan na tao,

 ituloy mo lang ito ohhhhhh…

(Ringtone ni Chloe yan. Ituloy mo lang by Shakol)

 Napabalikwas ng bakon si Chloe.

Aaahhhggg… .sino ba tong nang-iistorbo sa aking beauty sleep, ang aga-aga tawag na agad 'di ba pedeng txt na lang muna! Hayssst.

“Hello, sino ba to? Ang aga pa ah."

(-_-) à ( sungit mode )

“Anong maaga alas otso na wui, hello Chloe, ikaw ba yan?"

"Oo, bakit? sino ba 'to?"

“Si Rhea ito, napatawag ako kasi gusto ko sanang magkita tayong magbabarkada ngayong hapon doon sa park may sasabihin akong importante. Punta Chloe ha. Sabado naman ngayon, gusto ko sana kumpleto tayo. Pumayag na sina Aria, Lena, Diane, ikaw na lang. O ano?"

"Siyempre pupunta ako noh, ako pa ba ang mawawala. No way baby!"

“Hay salamat Chloe pinasaya mo talaga ako ng labis kaya nga ikaw ang paborito ko sa lahat."

“Nambola ka pa! HEH… huwag kang nagsisinungaling sa umaga baka paluin ka ni Lord."

"Okay fine. Sige ibaba ko na ito may gagawin pa ako, ay good morning pala Chloe sorry kung nahuli ang greetings at least nakahabol. Goodbye na."

“Teka… teka wait! May itatanong pa ako huwag mo munang ibaba."

"Ano yun?"

“May pakain ba? Libre mo? Kasi kung hindi baka magbago pa ang isip ko at hindi na lang pumunta."

“Ikaw talaga Chloe. Oo siyempre alam ko namang mas kuripot ka pa sa intsik noh at saka ikaw lang yata ang kilala kong malakas kumain ngunit kuripot buti't kami ang mga kaibigan mo kaya magpasalamat ka."

“Ouch ha, Sige na nga, Thank you pala kay Lord dahil kaibigan ko si Rhea, Aria, Lena, at Dianne. Sila po ang DA BEST! WALANG KAPARES! O ayan nakapag-pasalamat na ako, okay na?"

“Okay sige goodbye na Chloe, have a good day! Tsup. Tsup. Muah."

Ibinaba ko na ang phone ko sa bedside table. Anong oras na ba?

      o [  8:45 AM  ] o

 (O_O)   Hala lagot tanghali na pala. Hindi pa ako nakapaglilinis ng bahay baka nakauwi na si mama mula sa palengke.

Namamalengke ang ina ni Chloe araw-araw para sa kanilang kinukonsumo at para mamili na rin ng mga ingredients ng kanilang binebentang ulam tuwing tanghali. Maliit lamang ang kita nito kaya't hindi nila afford na magkaroon ng sariling karinderya. Nasa abroad naman ang ama ni Chloe at nag-iisa siyang anak na babae ng kanyang mga magulang. May dalawa siyang kapatid na lalaki ang kanyang kuya Louie at kanilang bunso na si James kung baga para siyang na-sandwich sa dalawang lalaki niyang kapatid. Nasa 4th year highschool na siya ngayon.

* Uuuuurrrggggrrrrrrr-grrrrrr-uurrrgggg *

Oh No, I'm In Love With a Gay!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon