Kabanata 4

17 3 4
                                    

Gumising kami ng maaga ni Aya dahil ngayon na ang alis namin papunta sa Bohol.

"Ready na lahat ng gamit ko wala kana bang na iwan?"tanong ko isang maleta at isang bag ang dala ko.

"Wala na ready na ang lahat."

"Yes!Here we go Bohol!"excited na sabi ni Aya ngumiti naman ako.

Samakay na kami sa sasakyan ko at ako ang magdadrive dahil tinatamad ang loka nagstop over muna kami sa supermarket para bumili ng pagkain mga pringles,cheetos,piknik at iba pa.

Mga dalawang oras na ako nagdadrive at mukhang malapit na kami sa Bohol si Aya naman nakatulog nasa biyahe hanggang sa nakita ko ang sign na "welcome to Bohol" hay! salamat nakarating na din.

"Aya gumising kana nandito na tayo sa Bohol."kinusot kusot niya ang kanyang mga mata bago tumingin sa akin.

"Anong pangalan ba ng hotel ang tutuluyan natin?"tanong ko habang iniopen ang GPS sa cell phone ko.

"Sa Radisson Hotel tayo malapit lang ang beach dun."sabi niya.

Sinundan ko naman ang directions ng GPS mukhang malapit na kami pero nagulat ako ng may nadaanan kami na gubat may nakalagay dun na Sirona may nakita akong lalaki na nakatayo dun nakatingin diretso sa mata ko iniwas ko ang tingin ko at sinulyapan ulit ito pero wala na ang lalaki dun baka namalik mata lang ako tiningnan ko si Aya na nakatingin sa daanan mukhang hindi niya napansin.

Dumating na kami sa hotel at tuwang tuwa si Aya habang nakatingin sa tanawin habang ako di pa rin nawala sa isipan ko ang nakita kong lalaki di ko rin masyado naaninag ang mukha niya pero sigurado ako na nakatingin siya sa akin haixt!Freya kalimutan mo na yun namamalikmata ka lang sabi ko sa sarili ko.

"Frey!"nagulat ako ng sinigawan ako ni Aya.

"Kanina pa kita tinatawag mukhang malalim ang iniisip mo."ani Aya.

"Are you okay ma'am."sabi ng isang staff ng hotel.

"Don't worry I'm just tired."I answered.

"Your room is 306 ma'am here's your key."sabay about sa akin ng susi.

Umakyat na kami papasok sa room Maganda naman ito at merong dalawang bed rooms at isang flat screen TV sumalampak agad ako sa kama haixt!napagod ako sa pagdadrive.

"Matulog muna tayo Frey napagod ako sa biyahe."ani Aya tumango namn ako at nakatulog na nga kami.

Nagising ako ng 3:23 pm tiningnan ko si Aya tulog pa din ito nagbihis ako at napagdesisyunan na baba muna ako magpapahangin lang.

Pagdating ko sa baba dumiretso ako sa Beach malapit lang kasi maglalakad lakad lang muna ako.

Malamig ang simoy ng hangin habang napadpad ako sa dulo ng beach at di ko namalayan na isang oras na pala ako naglalakad lakad nakita ko ang isang puno na may nakalagay na gubat Sirona nagulat ako ng may humawak sa balikat ako akmang hahampasin ko ito ng magsalita ito.

"Isa ka bang dayo dito iha?"isang matandang babae ang narinig kong nagsalita nilingon ko ito at binitawan naman niya ang balikat ko mukhang mamamayan siya dito sa Bohol.

"Ahh upo galing po ako sa Radisson Beach nagpapahangin lang ako."magalang kong sagot.

"Babalik na po ako Lola."pagpapaalam ko.

"Sandali iha wag na wag kang pupunta sa gubat Sirona huh."wika nito nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Bakit naman po Lola?"tanong ko dito.

"Dahil meron ng mga dayo na pumunta diyan sa gubat ngunit hindi na ito kailan man bumalik may usap-usapan na kinuha daw ito ng mga engkanto kaya kung ayaw mong matulad sa kanila wag kang pupunta dun."mahabang saad ni Lola at iniwan akong tulala kinikilabutan ako sa sinasabi ni Lola.





Divergent Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon