Kabanata 6

17 0 0
                                    

Nagsimula na akong maglakad papunta sa kagubatan di naman ito masyadong madilim dahil may nakasabit sa mga puno na ilaw sobrang tahimik nga lang na tanging yapak ko lang ang naririnig kong ingay hanggang sa natanaw ko ang bulaklak na rosas pumitas ako ng isa  tsk easy!

Babalik na sana ako ng may nakita akong paru-paru na lumilipad sobrang ganda nito kulay pilak ito ngayon lang ako nakakita ng kulay pilak na paru-paru kadalasan kasi sa mga nakikita ko kulay asul, puti,itim lang ito kusang humakbang ang mga paa para sundan ito.

"Frey! nasaan kana!"narinig ko ang boses ni Aya.

"Nandito ako!"sigaw ko pagbalik at nilingon ang pinanggalingan ng boses at dun nakita ko si Aya naglalakad papalapit sa akin.

"Ang tagal mo kasing bumalik kaya sinundan na kita dito."

"Oh ito na ang rosas na sinasabi mo."sabay abot ko kanya ng rosas ngumiti naman siya.

"Tara na balik na tayo."

"Sandali lang."tiningnan ko ulit ang paru-paru pero nandun pa din ito sa pwesto nito tila hinihintay akong sundan ito.

Humakbang ako papalapit dito pero nagsimula din itong lumipad palayo kaya sinundan ko ito di ko alam kung bakit ko ito sinisundan pero parang may sariling buhay ang mga paa ko para sundan ito.

"Hoy Frey! San ka pupunta?!"

"Teka lang balik na tayo Frey!"

Nilingin ko naman ito at sinenyasan na tumahimik itinuro ko sa kanya ang paru-paru.

"Whoah! kulay pilak na paru-paru ang astig."

Nagiging madilim na ang paligid dahil mukhang hindi na ito sakop ng hotel na tinutuluyan namin pero patuloy pa din ako sa pagsunod sa paru-paru.

"Frey ang dilim dilim na bumalik na kaya tayo wala naman tayong makukuha sa pagsunod sa paru-paru na yan."nakita kong lumanding ito sa isang halaman.

Pero nagulat ako ng biglang nawala ang paru-paru at nakita ko ang kahoy na may nakalagay na gubat ng Sirona! what the fuck is going on!

"Oh my God!"sigaw ni Aya habang nakatingin sa kahoy.

"Freya alis na tayo dito kinikilabutan na ako."natatakot na sabi ng kaibigan kung si Aya.

Nandito kami ngayon sa gubat ng Sirona na kinatatakutan ng lahat di ko inakala na mapapadpad kami dito tama nga si Aya nakakakilabot ng lugar na ito pero may naguudyok sakin na manatili dito.Madaming nagsasabi na ang mga taong pumupunta dito ay hindi na bumalik kaya walang naglakas loob na puntahan ito.

"Omg!" gulat na sabi ni Aya sabay kapit sa aking sa braso.

Nagulat kami ng may narinig kaming kaluskus liningon namin ito at kinakabahan ako dahil gumagalaw ang mga halaman pumikit nalang kami ni Aya at naghintay pero pagkadilat ko nakita ko na kuneho lang pala nakahinga ako ng maluwag damn!Akala ko kung ano na.

"Ayoko na talaga umalis na tayo dito Freya."naiiyak na sabi ni Aya liningon ko siya at kulay papel na ang mukha niya huminga ako ng malalim.

"Okay tara na umalis na tayo dito baka kung ano pa ang mangyari sa atin."mahinahon kong sabi.

Nagsimula na kaming maglakad ngunit nagulat ako ng may nakita akong dalawang daanan shit!Nakalimutan ko saang daan kami dumaan kanina.

"Kasalanan mo talaga ito Freya bakit mo ba kasi sinundan iyong paru-paru ayan tulog naliligaw na tayo baka matulad tayo ng mga sinabi nga mga tao na di na tayo makakabalik dahil may papatay sa a---"hindi ko na siya pinatapos na magsalita dahil niyakap ko na siya.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan makakauwi din tayo okay."pagpapatahan ko sa kanya dahil umiiyak na ito.Nagpatuloy kami sa paglalakad at pinili namin ang kaliwang daan dahil nakita ko ang nahulog kong anklet.

Akala ko makakauwi na kami pero umulan ng malakas at sa awa ng diyos meron kaming natanaw na isang maliit na bahay gawa ito sa kahoy sumilong kami dito.

Kumatok si Aya sa pinto ngunit walang sumagot kaya binuksan namin ito ngunit laking gulat namin ng tumambad sa aming mga mata ang isang napakalaking palasyo.

"Woahhh."sabay naming saad ni Aya.
As in nakaletter O na ang aming mga bibig habang nakatingin sa malapalasyong na nasa harapan namin.Isang napakalaki at napaka taas na palasyo.Kulay itim ito at kulay abo.May mga bandila naman sa paligid sa palasyo at kulay itim na bandila na may simbolong agila.











Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Divergent Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon