Regrets of Yesterday

131 6 4
                                    

"NASA HULI ANG PAGSISISI."

Napakadalas kong madinig 'to. Palasak na. Kumbaga, parang sirang plaka na ang drama. Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing naririnig ko 'to, may kakaiba akong nararamdaman - something na hindi ko na kayang ma-i-explain, something na kahit ako sa sarili ko, hindi ko kayang i-describe.

Naisip ko nalang bigla. Siguro, kaya ganun ang nararamdaman ko, kasi isa lang ang dahilan:

Sa 19 years of existence ko sa Earth, ang dami-dami kong pinagsisisihan - mga maling decision, mga hindi pinag-isipang moves, mga padalos-dalos na conclusion, mga taong hindi pinansin, mga taong hindi natrato nang tama, at higit sa lahat, isang taong binitawan at iniwan sa ere.

Katangahan nga naman. 'Pag 'yun ang pumasok sa eksena, nawawala lahat. 'Yung mga gusto kong sabihin, 'yung mga bagay na sana ginawa ko at 'yung hope na sana hindi ko sinayang 'yung pagkakataon na suklian kung ano 'yung binigay niya sa akin.

Nakakalungkot lang. At heto nga, nagsisisi ako. Nakakapagod umiyak. Pero may mas nakakapagod pa kaya do'n sa pakiramdam na sa bawat umagang gigising ka, may tanong na laging gugulo sa buong sistema mo. Ang tanong na:

"Akala ko ba mahal mo, bakit pinakawalan mo?" 

Ayan tuloy, ngayon, nagsisisi ka...

** Oops! Umpisa palang. Abangan ang susunod na kabanata. :)

VOTE & SHARE. **

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon