CHAPTER 2: Suicidal ang Peg

53 2 0
                                    

"Ang lungkot namang tignan ng langit. Masyadong makulimlim. Feeling ko uulan nang malakas mamaya. Ano 'yun? Nakiki-emote din sila sa'kin?"

Halos mabali ang leeg ko sa pag-iling, habang nakatingala pa din ako sa langit. Nakakalumbay nga talaga ang oras na ito. Nakatayo akong mag-isa dito, habang nakikinig sa mga senti na kanta sa i-Pod ko. Kanina pa ako tumitingin sa orasan. Kaso, pakiramdam ko, napakabagal ng oras. May baterya naman ang relo ko, bago pa nga, eh... Kaso, bakit ganun? Parang tumigil na sa pagtakbo ang lahat. *napakalalim na buntong hininga*

Isang babae ang lalapit kay Gen. Siya si Odie, childhood friend at classmate na rin ni Gen. May itsura. Medyo matangkad nang kaunti kay Gen. Fair naman ang complexity ng katawan ni Odie, kaso, aakalain mo kasing lalaki siya sa paraan ng pagkilos n'ya. Napakagaslaw. Masyadong boyish, pero, pusong babae pa din naman.

Dahan-dahang maglalakad si Odie sa kinatatayuan ni Gen. Titignan n'ya nang matagal ang kaibigan at gugulatin ito.

"HOY!" sabi ni Odie, habang inuuga ang katawan ni Gen.

Magugulat si Gen. Mapapatingin siya kay Odie, nakasibangot. Aalisin niya ang kanyang headset at hahampasin nang mahina si Odie.

"Oy, nakaka-badtrip ka naman! Kita mong nagsa-soundtrip ako, bigla ka na namang manggugulat."

"Ikaw naman! Hindi ka na nasanay?! Mainam na 'yung nawawala ka sa momentum ng pagda-drama mo d'yan, at baka maisipan mo pang tumalon mula sa 4th floor ng building na 'to. Ha-ha-ha-ha!"

"Grabe ka naman. Hindi ko naman maiisipang gawin 'yun. Kung magpapakamatay man ako, ayaw ko nung tatalon ako mula dito. Edi, nalagas katawan ko. Pwede na sa'kin 'yung iinom ako ng madaming gamot hanggang ma-overdose ako. O kaya naman, lagyan ko ng muriatic acid 'yung kinakain ko. Kung 'di pa um-epekto 'yun, maglaslas nalang kaya ako, hanggang maubos 'yung dugo ko? Okay na 'yun, diba?"

Hindi makakapagsalita si Odie sa nadinig.

"Oh, bakit? Masyado mo namang sineryoso 'yung sinabi ko?"

"Gago! Gago ka talaga. Huwag ka ngang nagsasalita ng ganyan. Masyado mong dina-down 'yung sarili mo. Kahit na sabihin mong joke lang 'yan, 'wag mong kalimutan na JOKES ARE HALF-MEANT. Mamaya, magulat nalang ako at tinotoo mo nga ang paglalaslas mo. Aba, lagot ka sa'kin!"

"Grabe, 'no? Isipin mo, nagkakaganito ako ngayon. Parang hindi ako 'to, eh. Alam mo 'yun? Parang hindi na si GEN 'yung nasa loob ng katawang 'to. Minsan 'di ko maintindihan. Ang gara."

"So, ano? Magda-drama ka na naman?"

Iiling lang si Gen.

"Sinungaling! 'Wag mo nga akong niloloko. Para namang hindi kita kilala. Ako pa ba lolokohin mo d'yan sa nararamdaman mo? Aminin mo na, hanggang ngayon, nasasaktan ka, kasi mahal mo pa. 'Di ba?"

Hindi iimik si Gen. Lilipas ang ilang segundo bago siya sumagot kay Odie.

"Odie, anong date ba ngayon?"

"Lutang ka na naman. Hindi mo manlang nasagot 'yung mga pinagdadaldal ko. Hmmmm... March 2 na, Gen. MARCH 2."

"Ah, okay. Kaya pala ganito pakiramdam ko. March 2 na pala."

Agad-agad, nanggilid ang luha ni Gen. Nagulat si Odie sa naging reaksyon ng kaibigan. Tatapikin ni Odie ang balikat ni Gen at sasabihing:

"Sorry, Best. Nakalimutan ko. Sana pala hindi ko na sinagot tanong mo. Ayan tuloy."

"Tatlong buwan na pala. Sh*t naman. Tatlong buwan, pero nagkakaganito pa din ako."

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon