CHAPTER 3: Hindi Pa Rin Nakakalimot

46 2 0
                                    

Tatlong buwan. Tatlong buwan na pala.

'Yung pag-ikot ng mundo, ganun kabilis. Hindi ko namalayang tatlong buwan na pala ang nakakalipas. Minsan, naisip ko, lahat ng bagay nakausad na. Lahat ng tao nakalakad na nang paabante. Samantalang ako, heto. Parang may Mighty Bond sa kinalalagyan ko. Masyadong madikit. Hindi ako makausad.

Nung araw na kasama ko si Odie, niyaya ko agad siyang umuwi. Oo, umuwi. Pero, hindi kami dumiretso sa bahay. Doon muna kami nag-stay sa paborito naming tambayan. Pagdating do'n, saktong pag-upo at pagbaba ko ng mga gamit ko, 'di ko na naman napigilan ang pag-iyak. Actually, hindi nga yata iyak ang ginawa ko no'ng moment na 'yun. HAGULGOL yata ang ginawa ko. *malalim na hininga*

"Gen, tama na! Hindi ka ba napapagod sa ginagawa mo sa sarili mo? Ako, hindi ako mapapagod sa pagkalinga sa'yo. Ako nalang naman ang nakakaintindi sa'yo. Kaso, ayaw ko namang habangbuhay kang ganyan."

"Alam mo, Odie, kahit naman ako ayaw ko na, eh."

"Oh, ayaw mo na pala, eh? Bakit nagkakaganyan ka pa?"

"Wala. Hindi ko alam! Hindi ko alam kung bakit!"

Patuloy sa pag-iyak si Gen.

"Mahal ko pa kasi siya. Pero, bakit gano'n? Napakadali kong palitan? Agad-agad may girlfriend na siya? Wala na abng respeto na natitira para sa akin?"

"Bago pa ba 'yun? Eh, diba, kayo pa nga lang, may ANOTHER girlfriend na siya. Masaklap, kasi may kasabayan ka. Pero, at least diba, nalaman din natin 'yung totoo. Gago pala siya. 'Yung mga pa-charm-charm na pinapakita n'ya sa'yo, sa'tin, eh, kaplastikan lang. Kalokohan. Kaya kung ako sa'yo, tigilan mo na ang drama mo na 'yan."

"Ang daling sabihin, eh."

"It takes time. Hindi ko namang sinabi na ngayon. Kung kailan ka magsawa, do'n ka magtigil Kung sa ganyan ka sasaya, sige, umiyak ka lang. Kahit mag-stay tayo dito magdamag. Kahit 'di tayo kumain. Ano ba naman ang gutom kumpara sa sama ng loob mo, 'di ba?"

"Adik. Pero, salamat, ha? Pinagti-tiyagaan mo ako. Salamat talaga. Paano kaya kung makita ko siya? Paano kaya ang gagawin ko?"

"Sh*t!"

"Oh, bakit? Ano ba ang nakita mo?"

Mabilis na tatayo si Gen at titingin sa labasan. Doon ay makikita niya ang isang pamilyar na mukha ng isang lalaki. Masaya ito, habang kasama ang isa pang babae. Tila 'couple', or baka 'in a relationship' na talaga ang drama nila. Sobra kasi silang sweet sa isa't isa.

Napailing nalang si Odie at napabuntong-hininga nang malalim si Gen. Yumuko siya at patagong pinunasan ang kanyang luha. *buntong-hininga/hagulgol*

Regrets of YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon