"Ricci! Jusko anak ko, buti na gising ka na." Kakabalik ko lang sa ICU at nakitang naluluha si Tita Aby. Pag pasok ko ay agad na niyakap ko si Tita Aby, hindi ko alam kung matutuwa ako o iiyak. "Wait po? Sino po kayo? Ikaw sino ka?" Tumigil ang mundo ko ng marinig iyon, nagka amnesia siya.
"Ricci ako to si Mama mo, anak please let me hear you say na ako yung Mama mo." Nangingiyak si Tita Aby, si Ricci naman ay titig lang sa kanya. "Wala po akong matandaan, ni hindi ko po kilala yang kasama niyo." At tumingin saakin si Tita Aby.
Habang tumatawag ako ng doctor nakita ko ang mga Green Archers with Ate Tin and Des. "Gising na daw si Ricci?" Tumango ako tska nagtanong naman si Kuya KIB, "Anong oras? Nakikilala ka na ba niya?" Here we go again. Hindi ko lubos maisip yung katagang 'ni hindi ko po kilala yang kasama niyo' kanina. "Pumunta na kayo, tatawag ako ng Doctor." at tska bumaba para hanapin yung doctor na nag round sa kanya.
------
"His stable for good ang kaya lang may conflict sa memory niya, his friends are into him pero his family hindi niya maalala." Sabi ng Doctor. "But Doc is this temporary?" tanong ni Brent habang nakatingin kay Ricci. "We can't tell, aside from observing in just 1 week hindi ko alam kung temporary ang amnesia niya." At tska nagpa excuse na aalis.
"Ricci kilala mo ba ako?" Tanong ni Brent. "Oo naman, ikaw pa!" Saka niyakap si Brent, ganun din sa ibang Archers. "Eh ito? Si Tita Aby?" Biglang kumunot ang noo ni Ricci, "Hindi talaga e." Nagulat naman sila sa sagot ni Ricci.
"Ah guys bakit pala kayo napunta dito?" Tanong ni Ricci sa kanila. "Dadalawin ka, antagal na kasi nag bantay sa 'yo ni Tita Aby at ni Michelle." Sabay tinginan ang mga Green Archers saamin.
"Tita.." niyakap ni Tita Aby si Eunice. Ang swerte talaga niya kay Tita Aby. "Uy Eunice!" Tawag ni Ricci na ikinagulat ng Green Archers. "EUNICE?!" takang sambit ni KIB. Si Eunice
"How's your day?" Bumilis yung tibok ng puso ko, hawak niya si Eunice sa kamay habang kinakamusta. "Okay lang naman ako, ikaw? Namimiss ka na ni Tita Aby at ni Michelle." Sabay tingin saamin.