Hindi naman natin maiiwasan sa isang relasyon ang mag-away o magkaroon ng problema lalo na kung ang humahawak ng isang relasyon nato ay hindi alam kung paano ganto yun nangyari sa dalawa si mario kasi hindi nya alam kung papano intindihin si angie lagi silang nag-aaway nagtatampuhan kung minsan nga dumadating sa puntong malapit na sila maghiwalay.
Sa tuwing nag-aaway sila o kaya may problema ang dalawa ako ang sandalan nila hindi ko naman isinusumbat yun sa kanila ang gusto ko lang sumaya sila masaya narin ako ganon sila kahalaga sakin dalawa kaya noong dumating sa punto na nag-hiwalay sila ako ang nagcomfort kay angie sinabi ko kasi sa kanya na alam ko kung papaano sya pasayahin at naiintindihan ko kasi ang ugali nya.
Hirap intindihan si angie lalo na kung hindi mo talaga sya kilala mahirap kasi sa isang lalaki yung paiba-iba ang isip,desisyon,moody (Palagi) ganon ko ilalarawan si angie.Siguro nga dahil naiintindihan ko sya kaya ko naging matalik na kaibigan si angie lagi kameng magkasama lagi rin kameng nakukulitan at asaran akala mo nga meron samin namamagitan sa sobrang saya namin kapag makasama hindi ako nagsasawa sa kanya ganon din naman ata sya sakin wala na kameng paki-alam kung ano man sabihin o tingin ng iba ang importante samin eh magkasama kame at walang problema.
Pinapahalagahan ko mga tiwalang ibinibigay nya sakin at ganon din ako sa kanya.