Chapter 1

3 0 0
                                    

Chapter one:First Victim

Isabella's POV

Masaya akong naglalakad papunta sa aking papasukan na eskwelahan dahil pasukan na.

Complete University Ang tawag sa eskwelahan namin dahil sa itsura palang mukhang perpekto na.Hindi ako excited pumasok dahil sa pag-aaral... Excited ako Kasi bagong taon,bagong bibiktimahin at papatayin na estudyante sa paaralang ito.

Ganito na Ang hobby ko buong buhay ko..hindi dahil natripan ko  Lang dahil yon sa mapait na nangyari sa buong buhay ko..

Flash back

Bata palang ako non,tinuturuan na ako ni papa Kung paano I depensa Ang sarili ko sa masasamang tao,nung una ayaw ni mama na turuan ako dahil maliban sa Bata pa ako,babae pa ako at hindi iyon gawain Ng babae na pumatay at idepensa Ang sarili.. pero pinaliwanag din ni papa Kay mama na kailangan ko tong gawin dahil sa......... Ewan ko ba lumayo sila sakin bago ni papa pinagpatuloy Ang kanyang sasabihin nakita ko Ang aking mama na naluha dahil sa mga sinabi ni papa pero Kita ko na tumango Ang aking mama at pagkatapos Ng konbersasyon na iyon,lumapit na ulit sakin si papa at sinabing...

Anak kahit anong mangyare..maging matatag ka at kailangan mong tumayo sa sarili mong mga paa kahit Bata kapa ok?

Hindi ko maintindihan Ang tinutukoy ni papa pero tumango nalang ako at nagsimula sa pagsasanay...

Ilang taon Ang lumipas,7 years old na ako non at birthday ko pa nung araw na iyon.. masaya kaming nagcecelebrate Ng mama at papa ko ilang saglit pa may tumawag sa cellphone ni papa Kaya lumabas muna ito saglit para kausapin Ang nasa linya.maya Maya pa,pumasok si papa na parang nagmamadali at binuhat nya ako papunta sa kanyang office at dinala ako patungo sa office table ni papa at isiniksik ako dun sa loob non dahil maliit pa ako at kasyang kasya sa lalagyan Ng table na yon.

Natatandaan ko pa na Ang sinabi ni papa na

Kahit anong mangyare,wag Kang lalabas dyan at Ang lahat Ng tinuro ko sayo,gamitin mo iyon Kung kailangan maliwanag ba?

Tumango nalang ako at sinarado nya na Ang lalagyan Ng office table nya.

Hindi ko maintindihan Ang mga nangyayari at Ang mga pinagsasabi ni papa at dahil sa maliit na butas sa office table nya, tinignan ko Ang nangyayari at tumambad sakin Ang mga armadong lalaki na nakapaligid Kay papa at Ang isang lalaki naman ay hawak hawak nya si mama na nakalapat Ang kutsilyo Ng lalaki sa leeg ni mama.

Tinatanong Ng mga armadong lalake Kung nasaan Ang anak nila which means ako,sa halip na sagutin nila ito ni papa,sumugod si papa sa mga armadong lalaki Kaya siksaksak sya Ng mga ito.

Nang Makita ko nang nakahandusay si papa at naliligo sa sarili nyang dugo,sinunod naman nila si mama at ginilitan nila ito sa leeg Kaya kitang Kita ko Ang pagsirit Ng dugo sa sahig pati sa katawan ni papa na nakahandusay na..nang Wala nang lumalabas na dugo,pinatong Ng mga armadong lalaki si mama Kay papa at tsaka ito pinagtatadtad Ng baril...

Kita ko Ang pangingisay nila mama at papa dahil sa pagtama Ng baril sa kanilang katawan.wala akong nagawa kundi manood at manahimik at baka marinig nila ako at ako naman Ang sunod nilang paslangin.

Nang matapos na Ang pagbabaril nila sa magulang ko,kita ko sa mga mata nila Ang lungkot kahit na Wala na sila sa mundong ito.

Naghanap sila sa buong paligid namin at Ang hinahanap nila ay ako.nang hindi nila ako mahanap sa buong bahay,napansin Ng isang lalaki Ang office table ni papa Kung saan ako nakatago..lumapit sya dito at tanging dasal nalang Ang ginawa ko..bubuksan na nya Sana Ang office table nang makarinig sila Ng wang wang Ng pulis Kaya hindi nya na ito pinagpatuloy at tumakbo na palayo..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Revenge Of A PsychopathWhere stories live. Discover now