Ang Simula (The Start)

148 3 0
                                    

Bakit ba napakahirap tanggapin na ikaw ay hindi na magiging akin.

Sa lahat ng bagay sa mundong ito'y walang hihigit pa sa pag-ibig mo.

Akala ninyo linya ng isang mangingibig iyan. Nagkakamali kayo. Kanta lang iyan. Haha.

Kornik!

Isa lang ang masasabi ko.

Kung sino ang hindi mo pinangarap ay siya ang mapupunta sa'yo.

At kung sino ang taong gustong gusto mo ay malabo pa sa sabaw ng nilagang mapupunta sa'yo.

Iyan ang tinatawag na KAMALASAN.

Handa na ba kayong mabasa ang pakikipagsapalaran ni Nicko.

Isang binatilyong may magandang pangarap pero malas ang kapalaran.

Ulila sa magulang, may magulong pamumuhay.

Guwapo, matangkad, matikas.

May dalawang kaibigang babae.

Si Mercedes, maganda, morena at matalino. Nagtatago sa ugaling tigasin. 'Sid' ang palayaw nito.

Si Chelsea, maganda at maputi, (wala na akong maidadagdag pa) Meron pala. Patay na patay sa akin *ngisi*

Hindi biro ang maging kaibigan ang dalawang babaeng magkaiba ang ugali.

Pero sila ang parte ng buhay ko na naging masaya ako.

Siguro nga, ang magkaroon ng kaibigang tulad nila ay kasiraan sa pagkalalaki ko.

Tama ang iniisip ninyo. Dahil sa kanila ay napagkakamalan akong 'girls generation'.

Pero malabo iyon. Lalaki ako. Patunay niyan ay ang kabila-kabila nagiging syota ko.

Konsensya: (Porke't madaming syota, lalaki na? Baka front lang iyan.)

Hahahaha. Malalaman din ninyo kung bakit ganoon ang naging sistema ng pakikipagrelasyon ko.

Walang tumatagal.

Walang pag-ibig na involve kung hindi *to........ot*

Siya..... siya lang naman ang pangarap kong kahit kailan ay hindi matutupad.

Siguro dahil hindi ako gumagawa ng paraan para abutin ang pangarap na iyon.

Masisisi ba ninyo ako?

Kahit ang guwapo at machong katulad ko ay natotorpe din sa taong talagang iniibig namin.

Pero kung kailan naman ako nagkaroon ng lakas ng loob.

Huli na ang lahat.

Wala ng pag-asa.

'Nga-Nga' kumbaga.

Semplang.

Malas.

Masakit.

'Yung tipong suicidal na.

Gusto mo na lang iumpog ang ulo mo sa kutson. (para hindi masakit) hahaha

Seryoso.

Wala siyang kasing hapdi.

Parang sa bawat pagtikatik ng kamay ng orasan, isa-isang tinatanggal ang hininga mo.

Hindi ka makahinga.

Okay sana kung sa hindi mo paghinga ay matatapos na ang buhay mo.. pero hindi...

Sa bawat pagsisikip ng dibdib mo, mas nararamdaman mo ang sakit.

Kung sana hindi na lamang nangyari iyon.

Baka sakaling....

Baka sakalali....

[Vash Illustre]

Pag-ibig sa Unang PutokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon