GAANO MO NA BA SIYA KAKILALA???...

116 3 1
                                    

"Ano bang masarap diyan, Myla" tanong niya sa kung anong pagkain ang niluto ni Myla, isag binabae na may -ari ng karendirya sa tabi ng boarding house na tinutulyan niya.

Alas siyete na ng umaga at papasok na siya sa unibersidad na pinapasukan niya. Nasa ikalawag taon na siya ng kolehiyo sa kursong Engineering.

"Ako, Pogi. Masarap na maganda pa" sagot ng binabae.

"Bakit ulam ka ba?" natatawang sabi niya rito. Natawa na rin ang ibang kumakain doon. Umupo siya sa isang bakanteng silyang naroon.

"Hindi. Paghimagas lang. Oorderin mo ba ako kung sakaling ulam ako?" tanong nito sa pinapungay na mga mata.

"Magpapagutom na lang ako kapag nangyari iyon!" sagot nang naroon. Nagtawanan sila.

"Hoy, kulapo! Kung ikaw lang din ang oorder, di baleng mapanis na pang ako kaysa kainin mo. Hindi ko pinangarap magpakain sa mukang buwaya! Tse!" nakairap na sabi ni Myla. Hindi na lamang umimik ang sinabihan. Napailing naman siya. Ibang klase din amgsalita itong si Myla, tamilmil ang sinabihan.

"isang order ng adobo at saka extra rice na din, Myla"

"Nicko, hindi Myla ang pangalan ko kundi Laila.

Ngumisi siya. Nakasanayan na kasi niyang tawagin itong Myla. Tutal magkatunog naman ang Myla at Laila. Bakit Myla? Short for MAYLAwit., Intense. Haha.

Pagkaubos sa pagkain ay binayaran na niya ito at umalis. Maglalakad pa siya papuntang eskwelahan. Ganito ang routine niya sa umaga. Papasok sa unibersidad, na hanggang alas dos ng hapon ang klase.

*Pit! Pit* tunog na paraang naipit na palaka,

Kilala niya ang tunog na iyon. Actually, busina iyon ng sasakyan. Hindi lang halata. Nilingon niya ang pinanggalingan ng tunog. Agad na naliwanag ang paligid niya (Oo, naliwanag. Kahit umaga na iyon) lalo na ng tumapat sa kanya ang sasakyan.

"Dude! Hope in!" nakangiting sigaw ni Sid sa kanya. Pag-aari nito ang kotseng kuba na parang pinitpit na insekto ang busina.

"Ang yaman-yaman mo pero bakit pinagtiyatiyagaan mo pa rin itong kotseng kuba mo." sabi niya pagkasakay sa kotse.

"Hoy! kahit ganito itong kotse ko, maayos naman at hindi pa ako tinitirik nito kahit saang biyahe."

Ngumisi siya. "Ako, Sid, may alam na biyaheng tiyak na titirik ka"

"e, kung mata mo ang patirikin ko sa suntok?" banta nito na may halong biro.

"Ikaw naman, joke lang" nagpeace sign pa siya dito na nginisihan lang nito. Sanay na kasi ito sa mga banat niya, mapa-berde man o simpleng joke lang.

"Ewan sa'yo! Besides, pamana pa ito ni lolo Barbaro." nakita niyang lumungkot ito ang mukha nito habang nagmamaneho. Mabait ang lolo Barbaro nito dangan nga lamang ay may-pagkahilig ito. Mahilig ito sa may bata at seksi. Namatay ito sa atake sa puso habang nakikipagtalik kay Marie na anak ni Posang na may ari ng Butterfly Haven. Butterfly Haven, hindi ito lugar kung saan maraming  paruparo. Pagawaan iyon ng lapida sa may bayan.

"Sige na, sige na. Ito na ang pinakamaganda at pinakamahusay na sasakyan sa buong mundo." pagbibigay niya. Ngumiti ito kaya naman hindi na siya nagalala dito. Hanggat maaari ay ayaw niyang makita itong malungkot. May pagka-tomboy man ito, babae pa rin ito pagdating sa emosyonal na aspeto ng pagkatao. (Gets niyo?) Haha.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibig sa Unang PutokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon