CHAPTER III

2 0 0
                                    

Hapon na at nag aabang ako sa dalawa kong kapatid na makauwi. Wala naman akong ginawa maghapon kundi mag internet at nung napagod, napagdesisyunan kong matulog. Feeling ko tataba ako this summer ha? Makapag jogging nga bukas.






Kasalukuyan akong nanonood ng tv sa sala nung narinig ko ang pagdating ng mga kapatid ko. Ang iingay nila at parang nagtatalo pa.






"Anong nangyayari sa inyo?" tanong ko sa kanila.





Pero imbes na sumagot, deretso ang lakad ni Benz papunta sa kanyang kwarto.




" Anyare dun?" baling ko kay Nath.






"Pano kasi yung bunso mo Ate, nagditch na naman ng class niya." sumbong niya sa akin.






"What? Kahit summer class nagdiditch? I'll talk to him later. Go now to your room and change your clothes."  utos ko sa kanya na agad naman akong sinunod.






" Okay. I'll change na then I'll do my homework after." sabi niya tapos umalis na.






Sa aming tatlo, si Benz yung napakapasaway. Imagine, he's already first year college student pero nagdiditch pa rin ng classes? Pati summer class hindi pinalagpas! Dapat nagseseryoso na siya kasi rito nakasalalay yung magiging future niya. Hindi iyong magbubulakbol. Maybe I should do something about this. Hindi pwedeng pabayaan to.







I went to Benz's room. I knocked twice but he didn't answer. I knocked again.






"Open the door." utos ko sa kanya.








"Leave me alone, Ate." sagot niya ng di man ang lang ako pinagbubuksan ng pinto.







" Nolan Benz!!! You'll open this or I'll break this? Choose." hamon ko sa kanya.







My siblings are scared of me pag alam nilang nagseseryoso na ako kasi gagawin ko talaga kung ano yung sasabihin ko. Ilang sandali pa'y bumukas na ang kwarto. Kakatapos lang niyang maligo at magbihis.






" What happened?" tanong ko pagkapasok na pagkapasok.






" I know you already knew, Ate. Why asked?" pabalang niyang sabi sa akin







" Gusto kong manggaling mismo sayo ang totoo." tugon ko sa kapatid.






" I ditched class." simpleng sagot niya sa akin tsaka tumalikod at kinuha yung laptop sa study table niya.







" And why did you do that?" I controlled my voice na hindi siya masigawan.






" Bored." simpleng sagot niya.






" Jusmeyo. Dahil bored ka kaya ka nagditch? That's not an excuse! Ayusin mo na yung sarili mo Nolan Benz! College ka na, kailangan dapat ngayon naghahanda ka na para sa magiging future mo. Gusto mo bang hindi makagraduate? Di makahanap ng magandang trabaho? Kahit summer class, di mo pinalagpas ha? Hinahamon mo talaga ako no? Pag ikaw di pa nagtino, isusumbong kita kina Mama at ipapatapon kita sa Canada." mahabang litanya ko.






Nasanay na kami dito sa Pilipinas kasi rito kami lumaki at alam kong magtitino na yan kasi all of us don't want to live in Canada, malayo sa friends and mahigpit pa sila Lola.






" Okay, fine. Just don't tell Dad about this. I don't want to live there, tsss." tugon niya na pero di pa rin bumabaling sakin. Nasa harap pa rin ng laptop.







" Good. I'll be expecting a flat one GWA then? " panunuya ko sa kanya.






" What? Ate naman. Look, I can excel in class but I can't assure you that kind of GWA. I'm not in SHS anymore." pagmamaktol niya na ngayon nakaharap na sa akin.






" HAHAHAHA I know. I'm just kidding. Alam mo na na hindi biro yung college at magdiditch ka lang? Basta fix yourself and study harder." bilin ko habang papunta sa pintuan ng kwarto niya.







" Yeah, I will." tugon niya tsaka ako umalis.







Pagkatapos kong pumunta sa kwarto ni Benz, napagdesisyunan kong magluto na ng hapunan. Wala kasi si Yaya Velma, umuwi sa probinsya nila may inaasikaso. Baka sa susunod na araw pa daw ang dating nun. Sanay ako sa gawaing bahay kasi bata palang ako, tinuturuan nako ni Mama. Sinasabi niya sa akin yung mga roles ng mga babae sa bahay. Dapat daw bilang babae, marunong kang maglinis, maglaba at higit sa lahat alam mo magluto. Iyon naman daw kasi yung mga hinahanap ng mga lalaki, yung responsable. Sa murang edad ko, nakatatak na ang mga iyon sa isipan ko.






I went to the kitchen para matingnan kung ano ang pwede kong lutuin. Nakita kong may chicken kaya I decided to cook adobo nalang. Kinuha ko yung mga recipe na kailangan at nagsimula na. Nung malapit ng maluto,  inihanda ko na rin yung dining table para makakain na kami. Ilang sandali pa'y natapos ko na rin ang aking niluluto. Tinawag ko na ang dalawa kong kapatid para sabay sabay na kaming magpahunan.







" How was your day dito sa bahay, Ate?" biglang tanong sakin ni Nathalie. Kasalukuyan kaming kumain kain ngayon.






" Boring. Nag internet lang. Tulog. Wala akong ibang mapagkakalibangan." sagot ko sa kanya.








" Dapat kasi nagsummer class ka na rin para di ka mabored dito." sabi ni Benz,  buti nagsalita na.







" Di naman na ako loaded eh." tugon ko.






" Kung sabagay." sagot ni Benz habang patuloy pa rin sa pagkain.





" Anyway, Nath  gumagamit ka pala ng mga dating sites ha?"  napaubo naman siya sa biglaang tanong ko.
"Biglang nagpop up nung ilolog out ko na sana yung account mo kanina" dugtong ko pa.





" Eh ka-kasi At--" she was cut by Benz.




" Kasi Ate jowang jowa na. Aray!" agad naman siyang hinampas ni Nath.







" Don't believe in him, Ate. Triny ko lang naman kasi dahil sa mga classmates ko." agap niya.







" Just make sure you won't give any personal information about you. You don't know who are those people in that site." payo ko sa kanya.







" Of course, Ate. Anyway, I'm done with my assignments. We'll try it later." sabi niya na parang excited na excited.






" WHAT? At talagang dinadamay mo pa ako sa mga kalokohan mo? No. May gagawin pa ako." inis na sabi ko sa kanya.






" Ang KJ mo naman, Ate. Alam ko namang wala kang gagawin eh." pagmamaktol niya.






" Hoy mga kalokohan mo! Tigilan mo nga yan." sabi ni Benz.






" Ah basta basta. Tayong tatlo. Mamaya." pinal niyang sabi.






" May homework pako." agap ni Benz ayaw din sa  ideya ni Nath.








" Naks, anong sinabi mo rito Ate? Tinakot mo ba?" Nath asked then she chuckled.






" Tse." sabay tayo ni Benz  at tumalikod na.







" Hoy ikaw nakatoka ngayon sa mga hugasin. Aish" inis na sabi ni Nath kay pero nakaalis na.







Tumayo na rin ako. Bago pa ako makaalis, may sinabi ako na ikasasaya niya.













" Wash the dishes and go to my room after. We'll try that bot."

Mile LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon