CHAPTER 1 (PART II THE BASEMENT)

796 20 3
                                    

Habang ako'y naglalakad at nagmamasid sa sala, wala naman akong nakikitang hayop o anumang tao sa loob. Kaya't lalo kong pinagtaka ang mga nangyari. Habang akoy nagmamasid may narinig ako sa basement na isang parang nahulog na malaking kahoy kaya't sinubukan ko na rin na tumungo sa basement na iyon na kung saan ay nasa pinakadulo ng aming bahay, hindi ko sinusubukan na matakot at nilalakasan ko ang loob ko. Ng ako ay paunti unting naglalakad ay may isa nanamang bagay ang nahulog mula sa basement. Kinakabahan na ako ng mga oras na iyon dahil pa't madilim na at walang ilaw. kaya dahil doon ay hindi ko nalang pinagpatuloy ang pagpunta ko sa basement kaya't bumalik nalang ako sa aking kwarto at sinubukan kong buksan ang aking phone. Maya't maya ay nagvibrate ang aking phone, isang message mula kay mama. "Anak, magiingat ka jan ha? Aagahan namin ng papa mo na umuwi bukas mga 6:30AM nanjan na kami". Sabi niya. "Sige ma, magiingat din kayo basta agahan niyo ah". Reply ko. Pagkatapos na iyon at nakatulog rin ako sa wakas dahil na rin sa puyat at di ko na rin mapigilan ang aking pagka antok. At ngayo'y umaga na. Nakatanggap ulit ako ng isang message sa phone at sa ngayon ay mula sa aking bestfriend na si Christy.

6:32AM

"Bes lilipat na kayo?"

"oo bes kasi alam mo na diba yung kinuwento ko sayo?"

"ah oo sigee ingat kayo jan ha mish you pero nalipat niyo na yung mga gamit niyo? "

"Oo pero yung mga iba na kila mama pa"

"so wala kang kasama jan ngayon?"

"yup"

"magiingat ka frennn"

"miss youuu"

"miss you more"

At sandali pa ay dumating na sila mama at papa. Sobrang saya ko noon kasi may kasama na ako sa bagong bahay, dala na rin nila ang mga gamit namin sa isang truck di naman ganoon karami, Kaya't tumulong na rin ako sa pagbababa ng mga gamit mapa-upuan, lamesa, at kung ano ano pang mga dati naming dalang naiwan. Tinanong ako ni mama na bakit daw parang namumula mata ko. Ang sabi ko naman ay 'di pa ako makatulog non dahil bago pa lang. Hanggang nasa sala na kami at nagaayos, hindi ko muna naisipan na sabihin yung mga nangyari kagabi baka mafreak out sila mama or scenario na mapahiya ako dahil christian kami dapat di kami naniniwala sa mga multo or ghost. At habang sila mama at yung kakilala namin ay naguusap usap, sinubukan kong ipagpatuloy yung pagpunta ko sa basement kung saan ay may narinig akong kumalabog. Pagpunta ko, sa tingin ko ito na ang pinaka creepy na basement sa balat na lupa. Sobrang dilim at nakakapangilabot grabe, pagbukas mo ng pinto ay mayroon itong pababang hagdan at isa pa'y maalikabok dito at puno ng mga gamit na hindi na nagagamit gaya ng sirang TV, mga plywood, sirang cabinet, at kung ano ano pa. Malaking basement ito at ang ilaw na nakasabit dito ay bulb na yung kulay yellowish. At paglilingon ka sa gawing kanan ay mayroon ditong butas pababa ngunit pagsisilip ka ay may tubig ito, maduming tubig. Since hindi gumagana ang bulb ay fli-nashlightan ko ito at nagtitingin-tingin kung ano ang meron dito at ano ang sanhi ng kalabog kagabi. Maraming ipis dito nakakadiri kaya't sinubukan ko nang umakyat paitaas at sinara ang pintong kahoy. At dahil nandito na sila mama sinulit ko na ang pag e-explore sa bahay. Mayroon akong napansin sa likod ng bahay at dahil dito'y mapuno, may nakita akong nakadikit sa pader na parang paint na nagfe-fade na, para itong hugis mukha ng isang matanda at sa part ng noo ay may inverted cross. Dahil medyo faded na ito pinasawalang bahala ko nalang.

6:48PM

Maghahating gabi nanaman at di pa rin tumitigil sila papa na nagaayos pero medyo lumilinis na at nagiging organize na yung bahay kaya't si mama ay naisipan ng magluto ng dinner namin para mamaya at ako naman ay inaayos ang antenna ng TV sa sala kasi medyo malabo pa ang signal.

7:45PM

Magdidinner na kami nila mama at papa dahil ayon nga ay gutom na rin sila. Naguusap usap kami about dito sa bahay, mula sa interior at exterior ng bahay eh tuwang tuwa naman talaga sila dahil may bago na at hindi masyadong bahain. At habang kami ay kumakain nalipat yung topic about sa creepyness ng bahay

"patay na kaya dating may ari ng bahay na 'to? " sabi ni papa.

"Ano kaba wag ka nga manakot dad! Jusko" sabi ni mama.

Alam ko naman na si mama ko ay medyo matatakutin pagdating sa mga ganyang topic.

"ma...pa... Kagabi kasi nilock ko yung pinto sa kwarto ko, tapos nagising ako ng madaling araw pagtingin ko nakabukas na yung pinto ko." sabi ko sa harap nila mama.

"Guni guni mo lang yan kasi bago ka palang dito kaya kung ano ano pumapasok sa utak mo" sabi ni mama.

Habang nagpapatuloy ako sa pagexplain ng nangyari sa akin kagabi sa harap nila mama at papa ay biglang namatayan ng ilaw. Sobrang dilim at yung tipong di ko makita sila mama at papa sa harap ko. At sabi ni mama "nako wala pa naman tayong dala pang kandila". Sobrang tahimik ng oras na iyon dahil mismo TV ay namatay dahil nag brownout. At habang nasa gitna ng katahimikan...may bumulong sa gitna namin ni mama at papa. Literal na bulong na mahina. At ang narinig ko ay...

(To be continued...)
Stay tuned for the next part!

They ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon