Ako si Aaron Martin, mas kilala sa tawag na RON. 18 years old. Ang tanda ko na diba pero nagtataka ang ibang tao, bakit ang dikit ko parin sa magulang ko, lalo na kay Mommy Lynne, Momma's boy ako kung tawagin. Kay daddy Alex naman close din naman kami kaso pag si Daddy ang kausap ko seryoso dapat, isang anak lang kasi ako ehh.
Daddy: Ron , Anak, bago ka mag girlfriend, girlfriend tapusin mo muna yung pag-aaral mo ah, distraction yan ehhh.
Ako: Opo, daddy, parang wala naman po kayong tiwala sakin ehh. Alam ko naman pong pangarap niyo sakin ni mommy yan eh.Mga ganyan yung mga sinasabi ni daddy, minsan nagsasawa na din ako kasi paulit ulit nalang, pero sige lang makikinig nalang ako ganun din naman eh.
Lumaki akong mayaman, Dahil si daddy ay manager ng isang mataas na kompanya. Pero kahit laki ako sa yaman, hindi ko yun ginawang dahilan para magmaliit ng tao, ang totoo, Hindi naman sa pagmamalaki, tuwing weekends ay mayroon kaming charity sa ibat ibang lugar para makatulong sa mga mahihirap.
4th year college nako sa University of the Philippines (UP) sa kursong Accountancy. Puro pag-aaral lang ang inaatupag ko, dahil graduating nako eh, kaylangan magseryoso.
