Mitch POV
Nandito kami ngayon sa enrollment line kahit kami yung may ari ng paaralan, di ako direct direct nageenrol dito remember walang nakakaalam ng totoong pagkatao namin kami kami lang yung nakakaalam
"Next" rinig kong sabi ng principal,, yung principal talaga yung nagchecheck ng profile namin kong mayaman ba kami o hindi eh yung background ko dito is mahirap kami lang siguro yung scholarship dito
Binigay ko naman yung paper ko kay miss
"So you are a scholar? " tanong sakin ng babaeng nagaasikaso ng papers ko
"Come here in principal office in monday and get your section and schedule" mataray na sabi ng principal inirapan nya pa ako tss wala akong pakialam sanay na ako sa mga ganyan
Sumunod sakin si xyza
" labas muna ako" paalam ko tumango naman sila
Naglakad ako papunta sa favorite place ko dito sa likod ng school
Naglalakad ako ngayon, ng malapit na ako sa favorite place ko dito may nakita akong lalaki na nakatalikod nakaupo sa damuhan
Dahan dahan akong lumapit sakanya ang alam ko walang nakaalam dito ng tambayan ko kasi masukal dito i mean mga maarte kasi ang mga tao dito
Kinalabit ko sya
"Hey mister" tawag ko sakanya, lumingon naman sya saken nakita ko na namilog yung brown nya na singkit na mga mata
"Mitch? " uh bakit nya nalaman yung first name ko
"Do i know you mister? " tanong ko sakanya di ko naman talaga sya kilala eh
"Awtsss naman nakalimutan mo na ako agad " may pahawak effect pa sya sa heart tss kadramahan nya utot but di ko talaga sya makilala or maalala man lang
"Huh? " takang tanong ko ulet
"I'm trip " trip daw yung pangalan kapangalan ng first crush ko ah
"Trip? " takang tanong ko malay ko baka sya si trip yung first crush ko pero anlabo naman don na kasi sya nakitira sa new york ngayon kasama parents nya ,
"Trip Corpuz" what?! Kapangalan nya pa si first crush ko
Nagtaka naman sya kong bakit nagtatanong yung mukha ko
"Grabe ka naman mimi ako to si trip corpuz cousin ni cherielyn willson akala ko pa naman ako first crush mo pero nakalimutan mo na ako agad" OMYG hinawakan ko ito sa pisngi at tinampal tampal kinurot ko pa yung pisnge nya
"Awtsss ano ba mimi " rining ko naman reklamo ni trip ayy nasobrahan yata yung pagkaurot ko aww
"wahh sorry" hinawakan ko pa sya sa kabilang braso nya
"Nah its okey" sabi nya at ako naman yung kinurot nya
"Ma-shaket" sabi ko sakanya
"Namimiss ko lang yung mimi ko" inakbayan nya ako nakaupo kami ngayon sa damuhan, mimi yung pinangalan nya saken kasi daw para maiba daw, ay nakalimutan ko pala sinabi pala kanina ni cherielyn na dito na mag aaral si trip makalimutin na talaga ako
"Imissyouto riri" sabi ko sakanya sabay hug sabaywang nya close kami nitong trip nato kaso umalis sila papunta sa ibang bansa
Riri yung tawag ko sakanya para maiba din naman hihih mimi and riri ang kyut kaya ng nickname na binigay namin sa isa't isa
"Kamusta, na you have a boyfriend? " sabing patanong sakin ni riri
"Nah NBSB paren riri" sabi ko habang nakatingin sa magagandang mata nya
"Wehh? " luhh bakit di sya makapaniwala wala naman nanliligaw saken at isa pa sa panget, kong to may magiging boyfriend
"Study first" maikli kong sagot sakanya
"Study first ba talaga? " patanong na sabi nya ayaw nya talagang maniwala eh noh
"Eh ikaw ilan na yung naging girlfriend mo? " im changing the topic alam nyo naman maliban sa bff ko isa si trip yung nakaalam sa buhay namin magapapakatiwalaan naman sya at isa pa pinsan sya ni cherielyn
"You changing the topic mimi" seryoso nyang tanong oh noo
"Alam mo naman hihih" yun nalang nasabi ko kasi ayaw ni riri na magpapanggap kami kasi palagi kaming inaapi ayaw nyang masaktan kahit isa samin ganon sya ka protective kaya naging crush ko sya
Sinamaan nya ako ng tingin patay na
"I told you to stop disguise, kasi palagi ka nalang inapi ayoko kong masaktan ka o kahit sinong kaibigan mo para ko na kayong lil sister" awtss busted ang sakit pala sister lang pala yung tingin nya saken pero joke lang matagala ko ng syang inuncrush no alam ko na wala na talaga akong pag asa sakanya hay ang buhay mahirap,
"Ayaw namin na hinahagaan kami riri, mas mabuti pang maapi kami kaysa pagkagulahan pero plastik lang naman yung pinapakita nila" nagbuntong hininga nalang si riri at tumingin sa langit
" wala na talaga akong magagawa, susuportahan ko nalang kayo, pero pangako mo na kapag nasaktan ka, nandito si riri para mailigtas ka" ang sweet naman ni riri ko niyakap ko ito ang swerte ko kasi naging isa sya sa naging kaibigan ko
"Thank you" sabi ko sakanya
"i dont accept thank you, basta para sayo mimi, you are special to me remember that" di ko alam pero nakaramdam ako ng mga bulate sa tyan ko uh inlove ulet ba ako sakanya, nooo pero anong sabi nya na special ako sakanya ibig sabihin dahan dahan ko naman syang tinignan
"Because you are my one lil sister" yan kasi michiko assume pa na magugustohan ka nya, bakit kasi lil sister lang? Hanggang don lang ba yon, pero sabi nga nila may nagbabago ang feeling ng isang tao pero possible ba na magbago yung feeling nya saken hindi bilang isang lil sister kundi isang babaeng mahal nya at nagpatibok ng puso nya
Ngitian ko nalang sya, inaantok na talaga ako alam nyo naman kagabi nanunuod ako ng hotel de luna humihikab ako
"sleep to my shoulder,, hindi na kita iiwan" parang doble meaning yun para saken o nag imamahenasyon na naman ako, baka antok lang to matulog nalang ako
*yownn
Sumandal na ako sa balikat nya di ko na talaga kaya yung antok ko and everything went black
Itutuloy
YOU ARE READING
Higher VS Lower section(on going)
Teen FictionBarumbado, maldita, maarte, bobo, yan lang naman palagi sinasabi ng mas nakakataas samin oh well kabaliktaran lahat yun,, your the one to find out.. Kung ano talaga ang totoong ugali namin Teenfiction