Kabanata 1

11 0 0
                                    

"Ang sarap ng ubas, ito tikman mo" inilingan ko siya at sinabi hindi na kailangan at siya nalang. 2 araw na kami sa kweba at walang makain.

Tanging apoy at Leather lang ang nagpapanatili ng init saamin katawan. Plano kong makalabas ng hapon ngayong araw. Tiyak na nagaalala na ang Ina nito.

Hinablot ko ito at sinabing tumayo na. Malapit lapit na kami sa lagusan. Naamoy ko na ang hangin at mga damo. Mahirap maglakbay lalo na't malamig. Umuubo ubo na rin ang batang hawak hawak ko. Kumunot ako ng dahil ngiting ngiti siya saakin.

Sa kweba na to ay ang lagusan mula sa Reno at Alehos. Ang Alehos kung saan kami nakatira and ang Reno kung saan nakatatag ang iba't ibang kaharian. Sa bawat hakbang na ginawa namin ay pabigat ng pabigat ang hinga ng batang to.

Kinarga ko ito dinasalan, kailangan ko ng himala para mainitan siya. Lumalala na rin ang pag ubo niya. Hinanda ko ang sarili ko at tumakbo. Linagay ko sa kanyang likod ang kamay ko at pinainitan siya. Uunti na lang din ang enerhiyang natitira saakin, pero mamaamatay ito kapag di ko ito ginawa. Tila ba nasa saakin ang kapalaran niya kung mamamatay siya o hindi.

Nainis ako dahil wala pang dumadating na kasamahan namin. Napamura ako dahil nararandaman ko ang pintig ng puso ko. Kinontrol ko ang paghinga ko upang tumagal ako.

Takbo. Yun lang ang nasa isip ko. Umisip ka ng magagandang karanasan upang mabuhay ka. Malapit na unti na lang.

Hindi ko na kaya. Binababa ko ang bata.

Kinarga ko ang bata at pumwesto. Wala akong maisip na pwedeng makaligtas saamin. Sumasakit na ang mga kalamnan at bumabagal na ang puldo ko. Lubusan na akong nawalan ng Enerhiya ngunit malapit lapit na rin.

Nakikita ko na ang sinag ng araw. Unti na lang. Pagkalagpas namin ng kweba ay nangisay na ako. Parehas kaming nawalan ng malay.

-

Inabutan ako ni Rose ng baso ng kape. "sumasakit pa ba ang paghinga mo? " Marahan akong umiling. Sumasakit pa rin ang katawan ko dahil pwinersa ko ang sarili ko.

"May balita ba?" tumingin siya saakin ng matagal "Ligtas ang bata" tipid niyang sambit

"Lagot ka sa Mama mo" kumunot ang mukha ko "Bakit naman?" kung saan saan dumadako ang tingin niya.

Hinampas ko siya sa balikat at tinaasan ng kilay. "sabi ng Mama mo wag kang gumamit ng Commandments kasi matutunton tayo ng mga taga Kinn, tigas ng ulo mo"

"Paparusahan ba nila ako? " Mariin kong sambit. Umiling iling siya, mariin niyang pinikit ang maliliit niyang mata "Nagdasal siya."

Binitawan ko ang kape ko at tumungkod palapit sa mukha niya, "Anong sabi mo?" nanunuya kong tanong. "Gumana ang mga ekantasyon niya Crys at kapag natutunan na ito ng Mama mo magiging ligtas na tayo"

Umiling iling ako, hindi na kaya ni Mama. Kahit sabihin mo pang makapangyarihan siya hindi na niya kaya "Wala na siyang natitirang oras, alam mo yan Rose" pinaglaruan niya ang buhok niya

"Edi ikaw ang gumawa" Tinitigan ko siya ng matagal, pagkatapos ay tumawa ng napakalakas, "Nagiisip ka ba ng tama? Ako magdadasal? Nahihibang ka na ba?" Pagalit kong sambit

Yumuko siya at kinagat ang mga labi. "Oo nga pala, lumabas na ang mga magaaral sa Centro." tumango tango ako "Kasama ka na ba? " tanong ko siya

"Hindi, pero ikaw kasama" sambit niya "sa unibersidad lang ako ng Occidens. Hindi ko alam na makakapasa ka. Puro gala lang naman alam mo tsaka hindi ka pumupunta pag may mga pagsasanay" payak niyang sabi

Tinuro ko ang sentido niya "Matalino kasi ako" tsaka sa mga pagsasanay na ginawa ko ay halos walang wala ang pagsasanay nila. "Eh bakit ngayon mo lang ginamit niya" sabay turo niya sa sentido ko

Madami akong rason pero gusto kong manatili kung nasaan ang nanay ko. Ilang taon kaming di magkikita, naiisip ko pa lang yon parang gusto kong sumuka sa nerbyos. Hindi ko na makikita ang mukha niya pag lalabas ako at magdadayon.

Huminga ako at tumayo, may kikitain pa ko

"Sabihin mo kay Mama may pupuntahan lang ako" taninggnan ko siya "Mag aral ka ng mabuti sa Occiden" sa mga kataga kong yun alam niyang pinabigyan ko na siya ng basbas

In the City of GelumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon