CHAPTER 1
" NEXT! "
Sigaw nito sa mga estudyanteng nakapila. At pagkatapos ay may lumapit sa kanya na isang estudyanteng babae.
"ano ang kailangan mo? " tanong niya dito.
"gusto ko po sana ng gayuma para ibigin na po ako ng lalaking gusto ko" sagot naman nito.
Pumikit ang babaeng nakabelo na itim. Muli niyang binigkas ang kanyang MAGIC WORDS.
" bumabarabam ! bumbarabum!
ARUUUUUUUUUU.................
Hayk...! hayk...! hayk...!
Amh ~~
Amh ~~
Amh ~~
Hare ! kare ! BOOM!!!............... "
Matapos sa pagsasabi ng mga kakaibang salita ay dumilat na ang babaeng nakabelo na itim. Kumuha siya ng isa sa mga boteng nasa kanyang harapan at itinaas ito.
Namangha ang estudyante ng makitang umilaw ang bote na hawak ng babae.
" sa halagang 500 ay mapapasaiyo na ang lalaking iyong iniibig. Ihalo mo lang ito sa kanyang inumin at siguraduhin mong ikaw ang una niyang makikita pagdilat ng kanyang mata. Pagkatapos ay wala na siyang ibang mamahaling babae kundi ikaw lang." paliwanag niya.
Inabot niya ang bote ng gayuma sa estudyante, at ng iniaabot na sa kanya ang bayad nitong 500 ay may biglang lumapit sa kanila na dalawang lalaki.
Nanlaki ang mga mabibilog mata niya ng malaman niya kung sino ang dalawang lalaki iyon.
"mam sumama po kayo samin." Sabi nung isang lalaki sa kanya.
"h-ha? Teka bakit naman ako sasama sa inyo?" kinakabahang tanong niya dito.
"sa presinto nalang po kayo magpaliwanag."
Nilapitan na siya ng mga ito at nilagyan ng posas sa kamay.
"WAAAAAAAAAAAAAH!
TEKA! ANO BA! PAKAWALAN NIYO KO!!!
AYOKONG SUMAMA SA INYO....!
WALA NAMAN AKONG GINAGAWANG KRIMEN AH!
ISUSUMBONG KO KAYO SA IMBESTIGADOR NG BAYAN! LAGOT KAYO KAY MIKE ENRIQUEZ! "
pagwawala niya habang patuloy parin siyang kinakaladkad ng dalawang pulis para isakay sa police car.
Nang makarating na sila sa police station ay hindi siya sumasagot sa mga katanungan sa kanya.
"buong pangalan?" tanong ng isang police officer sa kanya.
Hindi niya ito sinagot.
"di mo sasabihin? sige ipasok na to sa kulungan!" utos nito.
"eeeeh, sir naman di mabiro eh. Joke lang. Chillax ka lang. wag kang masyadong hot. hehe" bigla niyang sagot dito." eh sir wala naman po kasi akong ginagawang masama eh." Pagpapaliwanag niya dito.
"pero mam illegal po ang iyong ginagawa." Sagot nito.
"pero sir wala naman pong nagrereklamo ah." Sabi naman niya dito.
"wala po kayong business permit eh." Sagot nito habang nakatingin sa monitor na kaharap nito.
"naku di naman po ako pumatay o nagnakaw para hulihin niyo ah. Buti nga di ako katulad ng mga PULIS diyan na nangungurakot at nangongo....... tong lang."
napahawak siya sa kanyang bibig ng makitang matalim ang tingin sa kanya ng pulis dahil sa mga sinabi niya. She gave her most innocent smile.
"mam ano po ang iyong buong pangalan?" tanong ulit nito sa kanya na may inis na tono.
"eh sir---"
" SASABIHIN MO BA ANG BUONG PANGALAN MO O PAPAKAIN NALANG KITA SA LEON?!!!" pasigaw na sabi sa kanya ng police officer. Biglang tumahimik ang lahat dahil sa paghiyaw ito.
.
.
.
"I'm Jhanel T. Castro, 23 years old. Single and always available! " sunod-sunod niyang sabi dahil sa pagkagulat.
Ang ilang nandoon ay natawa sa reaksiyon niya. Dahil sa labis na kahiyaan ay yumuko na lamang siya.
JHANEL's POV
BADTERP TALAGA OH! Tsk.
Hindi pa ba ako papauwiin ng manong butete na ito. Hindi na nga ako kumita eh hindi pa ako makauwi.
"ma-- este sir poging pulis, hindi pa po ba ako pupwedeng umuwe?"
Tinignan niya lang ako at nagbalik na ulit sa kanyang ginagawa.
" kelangan ko na po talaga umuwi eh."
Hindi padin sumasagot si manong butete at tiningnan niya lang ako ng nanlilisik na mga mata.
"tsk. Ano bang storya to? Horror ba, nakakatakot ah!" bulong ko.
Biglang pinalo ng police officer ang kanyang desk.
"eto na nga, sabi ko nga po diba. , tatahimik na nga. " sabay zipper ng bibig ko.
"sarmiento! " tawag nito sa isa sa mga pulis.
Pagkalapit nito ay may binulong si manong butete sa kanya. Bigla siyang tumingin sa gawi ko. At lumapit siya sakin.
"mam pwede na daw po kayo umuwe." Sabi niya saakin habang tinatanggal ang posas sa kamay ko.
" talaga po? Yehey!!!" halos mapatalon ako sa tuwa ng matanggal na ang posas sa kamay ko.
"mabuti naman at pwede na akong umuwe."
Lumapit ako kay manong butete.
" sir salamat po. " tsaka ko siya nginitian ng isang nakakasilaw na ngiti.
HAHA sa wakas, pagkalabas ko ay tinaas ko ang dalawa kong kamay atsaka sumigaw ng
"FREEDOOOM ! yahooooooooooo ! "
Sinimulan ko nang maglakad pauwi dahil wala naman akong pamasahe. Dahil sa layo ng aking nilakad ay nakaramdam ako ng gutom.
"bruuuuuuuuuut........." napahawak ako sa aking tyan "hay nako di pa nga pala ako kumakain. Nagugutom nako."
Pagkarating ko sa bahay ay dumiretso agad ako sa kusina para maghanap ng makakain. Hindi na ako nag abala pang buksan ang ilaw dahil pagod na pagod na ako dahil sa sobrang dami ng nangyare.
"ano yun?" bulong ko sa sarili dahil parang may narinig akong yabag ng mga paa.
Nang akmang lalapit ako sa switch ng ilaw para buksan ito ay may humila sakin.
"hmmmmmmmmmmh! Hmmmh, hmmh... hmmmh!!!! "
Nagpupumiglas ako ng may nagtakip ng aking bibig. sinubukan kong alisin ang kamay niya sa aking bibig, ngunit malakas ito.
***
woooah! :) bwahahaha
sorry sa mga errors... hohoho
wait for the next chapter :)