Chapter14>>

525 21 3
  • Dedicated kay Jewel Anne Irasusta
                                    

Pagkatapos mag- usap ni Jai at Nikka, hindi muna siya umuwi ng bahay sa halip dumiritso

muna siya sa dati niyang tinutuluyan, hind niya rin alam kung paano siya nakarating sa lugar.

Pag katapos ng mga sinabi ni Nikka sa kanya, mas napatunayan talaga na walang nararamdaman

si Alec sa kanya, ako naman si tanga umasa na mahal din siya ni Alec, napahawak siya sa tiyan

niya, Wag ka mag alala baby hind kita pababayaan, kahit hindi mo makikita ang papa mo sa

paglaki mo nandito naman ako pupunuin ko ang pag kukulang niya... hay sorry baby...

Pag kagaling ni Jai sa dating lugar naisipan niya munang mag ikot sa mall para makalimutan

kahit saglit ang kanyang problema.. Napag desisyonan niya na kausapin na si Alec gusto niya

marinig dito mismo.. ang mga sinasabi ni Nikka sa kanya..

Kanina pa nag- aalala si Alec kay Jai, simula ng makita niya itong nag susuka at namumutla.

Kung hindi lang importante ang meeting hindi sana siya papasok, sasamahan niya sana ang

asawa niya para mag pa check up..Tinatawagan niya ito para kamustahin, pero ang sagot

nito kanina ay okay lang daw ito.

Pero hindi pa rin siya mapakali kahit sa meeting kanina, wala doon ang isip niya. kundi nasa

mansion.

Kaninang tanghali tinawagan niya uli ito pero nakapatay na ang cellphone nito. 

Tumawag na siya sa Mansion para kamustahin si Jai ang sabi ng katulong wala raw

ito umalis at hindi nag paalam..

Mas lalo lang siya kinakabahan ngayon, Bakit ba Jai mahilig kang mag patay ng c.p

mo.. at lagi ka nalang umaalis? siguro para hindi ko kayo madisturbo ng mahal mo..

Sabi ni Alec sa sarili.. ahh malapit na talaga siyang masiraan.

Parang nararamdaman niya rin ngayon na may mabigat na pinag dadaanan ang asawa

niya at yon ang gusto niyang alamin..

Nakauwi na si Alec pero si Jai wala pa rin pinuntahan niya ito sa dati niyang tinitirhan 

pero naka podlock naman yon. At imposible naman na si Marinel ang kasama niya eh

nasa opisina pa ito.. 

Sa salas nag antay si Alec kay Jai...

Pag kalipas ng kalahating oras dumating si Jai..

Pag bukas niya ng pinto tinanong agad siya ni Alec..

Alec- Saan ka ba galing ha? kanina pa ako nag- aalala sayo.--

Jai- Alec?

Hindi na natuloy ni Alec ang sasabihin niya dahil nakita niya matutumba na si Jai.

The Proposal [ JAlec fiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon