"GAGANDA ba ang abs mo sa ginagawa mo, Kuya?"
Huminto sa paglalambitin sa sanga ng kahoy si Nathan nang biglang magsalita si Nate. Bumitiw siya sa puno saka bumaba. Hinanap niya ito. Parang ang lapit lang nito sa pandinig niya, ah.
"Hey! I'm here!" sigaw ng pilyong kapatid niya.
Tumingala siya sa mas mataas na sanga na puno ng sampalok. Namataan niya itong kampanteng nakahiga sa sanga habang kumakain ng hinog na bunga ng sampalok.
"Hoy! Bumaba ka riyan! Para kang unggoy. Natapos mo na ba ang pinapagawa ko sa 'yo?" aniya.
"Magpapahinga lang ako. Tatapusin ko rin ang paghuhukay, huwag kang mag-alala," sagot nito.
"Bilisan mo bago tayo maabutan ng dilim."
"Later, bro. I'm craving of something sour. Naglilihi ata ako," sabi nito.
"Sira ulo." Hindi na niya ito pinansin. Binisita niya ang hinukay nitong lupa sa likod ng villa house na nakatirik pa rin sa malawak nilang lupain.
Napapailing siya. Twenty years old na si Nate pero isip-bata pa rin. Binigyan niya ito ng maayos na instruction. Gagawing balon ang hukay pero ang ginawa nito ay napakaliit. Bola ng baseball lang ang magkasya sa butas. 'Tapos nagpahinga na? Napagod na ito sa paghuhukay ng isang dangkal kalalim? Bumuntong-hininga na lamang siya. Siya na lamang ang nagpatuloy sa paghuhukay.
Nakakailang hukay pa lamang siya ay bigla siyang tumigil nang mamataan niya ang Daddy niya na nakadungaw sa binata ng villa. Nasa bahay lang nila ito bago siya nagtungo roon. Malamang nag-teleport ito patungo roon para silipin ang trabaho nilang magkapatid.
"Where's Nate?" tanong nito.
"Nagpapahinga," mabilis niyang sagot.
"Nagpapahinga? Halos wala pa kayong nagagawa. Bilisan ninyo. Kailangan may tubig nang lalabas sa butas bago dumilim. Hindi kayo puwedeng umuwi sa bahay hanggat hindi nagkakatubig 'yan."
Tumiim-bagang siya. Kung tutuusin ay kasalan ni Nate kung bakita sila napaparusahan ng Daddy nila. Naiwala ni Nate ang wedding ring ng Daddy nila. Silang dalawa ang naabutan sa loob ng kuwarto ng parents nila kaya pati siya nadamay. Dapat ay tatawagin lang niya si Nate para kumain. Naabutan niya ito na kinakalkal ang drawer ng aparador ng parents nila.
"Tsk! Bakit ako na lang palagi ang napapasubo?" maktol niya.
"Tawagin mo ang kapatid mo, Nathan!" galit nang utos ng Daddy niya.
"Yes, Dad!" Tumalima naman siya.
Bumalik siya sa puno ng sampalok pero wala na roon ang magaling niyang kapatid. Hindi niya masagap ang aura nito.
"Fuck you, Nate! Where the hell are you?" gigil na sabi niya.
No choice siya kundi bumalik sa paghuhukay. Hindi siya makapagpahinga dahil nakatingin ang Daddy niya. Kahit may araw ay malakas ang loob nitong mag-teleport papunta roon. Talagang mahal na mahal nito ang wedding ring nito. Well, kasalanan din nito dahil tinanggal nito sa daliri ang singsing.
Malapit nang lumubog ang araw pero hindi pa lumalabas ang tubig sa hinuhukay ni Nathan. Kaunting hukay pa ay magkikita na sila ni Lucifer, pero mukhang walang tubig, baka apoy ang lumabas.
Saktong kumagat ang dilim ay naramdaman na niya ang mamasa-masang lupa. Senyales iyon na malapit na niyang mahukay ang level ng tubig. Pero habang buong lakas siyang naghuhukay ay pinaplano na niya kung paano niya babalian ng buto si Nate. Hubad-baro na siya at pawisan.
Dahil wala nang araw, lumabas na ng villa ang Daddy niya saka siya nilapitan. SInilip nito ang hukay.
"Konti pa, Anak," sabi ni Trivor.
![](https://img.wattpad.com/cover/204816091-288-k565388.jpg)
BINABASA MO ANG
Day Walkers 11, Nathan Davis (The Mind Manipulator)
VampireRated SPG Vampire/Romance/Action Suitable only for adult Day Walkers new generation