Chapter 1

212 6 0
                                    

◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥

Chapter 1 – Xander’s Background

I’m Xander Villuega 17 yrs old, 4th year highschool. Nandito ko sa Family Resort namin sa Laguna, magisa lang ako. Dito ko binubuhos lahat nang galit ko sa mundo, inis sa magulang ko at sakit nang pagiwan nang taong minahal ko nang todo..

Iniwan ako nang taong pinakamamahal ko, Si Nancy Tolentino, halos anim na buwan na nang iniwan niya ko.Hindi ko nakakalimutan kung paano niya ko nilisan, hanggang ngayon sariwa parin sa isip ko ang lahat nang nangyre.

Masakit kasi 6 na buwan na ko nakaburo sa ganitong sitwasyon, lugmok dahil sa lecheng pagibig na yan, Unang beses ko palang sinubukan ang magmahal nang totoo, Oo aaminin ko naglaro ako sa mga previous relationship ko , pero iba ngayon, siguro nga karma ko na ito.

“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!” sigaw ko . kahit dito man lang marelease ko ang lahat nang nararamdaman ko, lahat nang sakit,.

“Sige sigaw mo lang Xander,” Si Caloy siya ang kababata ko dito sa Laguna. Pamilya nila ang kinuhang caretaker ni Papa.

“Pero pare hindi ka ba nagsasawang sumigaw, halos kalahating taon mo na yang ginagawa, Maawa ka sa sarili mo.” Habol niyang sabi.

“Pre, siya lang minahal ko nang todo, Siya lang alam mo yun pero TANGINA iniwan ako, at ang masakit pa balita ko may bagong na siyang boyfriend,” Hindi ko napigilan sarili ko  nakapagmura na talaga ako.

“Xander 6 mos na nakamove on na siya at siguro ito na ang tamang oras para pagbigyan mo ang sarili mo mag move on ka na pare, Magmahal ka na ulit” sabay abot sakin nang isang beer,

“Pare hindi ko na ata kayang magmahal ulit, Nasaktan ako at ayaw ko nang pagdaraanan ulit lahat nang pain.” Hindi ko na napigilan ang sarili ko tumungo na lang ako at sinimulan ang pagiyak.

“Pre pagnagmahal ka package na yan, parang tsinelas laging partner, Walang taong nagmahal ang hindi nasaktan, Hindi ka lang nagiisa Pre, Maaring milyon milyong tao ang kasabay mong umiiyak dahil sa pagibig na yan, dahil iniwan din sila tulad mo.Pre bigyan mo nang pagkakataon ang sarili mong maging masaya ulit,. Karapatan mo din maging masaya,,.” Oo ang haba nang sinabi niya naubos ko na nga ang isang bote pero tama siya, ginugol ko na ang kalahating taon ko sa ganitong sitwasyon

.Ang hina ko. Ang hina hina ko ,  NANCY bakit mo kasi ako iniwan,, BAKIT!!

◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥ ◘ ♥

Short Stories - CHANCES : MESSAGE IN THE BOTTLE [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon